Kabanata 6

194 15 0
                                    

    MANUAL START-UP: PART 2

"School conference sa Xavier University. Alam mo namang graduating ang Kuya mo."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Dad. Excited na talaga akong makita ang Shikibara Company. Tumitingin lang ako sa harapan ng sasakyan at nagbabakasakaling sana makarating na kami doon. Kinuha ko ang phone sa bulsa at nakitang may message doon. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang unknown number na nagtext sakin.

From Unknown Number:

You really wanted to cease yourself from existing, aren't you?

Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin nito? Atsaka sino? Magrereply sana ako ng magtext ulit ito sakin.

From Unknown Number:

Umalis kayo diyan.

"Anak, sino 'yang katext mo?"

Napatingin ako kay Dad sa tabi ko na kasalukuyang nagmamaneho. Umiling nalang ako at itinuon ulit ang paningin sa phone. Mas napakunot noo ako at umigting ang bagang nang mabasa ang panghuling message niya.

From Unknown Number:

You are on the danger zone.

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Naguguluhan ako sa sinabi niya kaya napakagat-labi ako habang natitipa ng mensahe 'saka iyon sinend sa unknown number. Hindi ako makapaniwalang may textmate akong estranghero ngayon.

To Unknown Number:

You're texting the wrong person.

Pagresponde ko sakaniya ngunit nabigla ako nang hindi pa umabot nang ilang segundo ay tumunog ulit ang aking phone kaya mabilis kong tinignan iyon.

From Unknown Number:

I'm not, Quendrin Ysabelle Madriza.

Inatake ako ng kaba at binasa ulit ang mga messages niya. How the hell did this person know my name? Napahigpit ko ang hawak sa phone ko at tumingin kay Dad. Biglang kumalabog ang puso ko dahil pakiramdam ko may mangyayaring masama kahit pa man kinukutuban lang ako ngayon.

"Dad stop the car, please."

Napatingin si Dad sa akin na magkasalubong ang kilay at nagtatakang tumingin sakin
Bumuntong hininga ako. Ewan ko kung tama ba itong ginagawa ko pero mas mabuti sigurong unahin muna namin ang aming kaligtasan.

"Dad, please. Stop the car. Huwag nalang tayong pumunta doon."

Mas lalong kumunot noo si Dad. Masama ang kutob ko ngayon. Hindi maganda sa pakiramdam.

"What Why? Anong hindi pupunta? Come on Quen, may trabaho pa ako mamaya. Sana sinabi mo sa akin kanina na hindi ka nalang pala sasama."

Napailing ako. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. We should get out of here. Sumulyap ako sa labas ng bintana. Nasaan na kami?

"Dad, huwag ka nalang munang pumasok ngayon please. Uwi nalang tayo!"

Kinakabahang singhal ko. Muntik na akong mapasubsob sa harapan ng bintana nang biglaang hininto ni Dad ang kotse. Napatingin ako sa harapan. May mga lalaking nakasuot ng police uniform at army suit ang nasa labas at nakaharang sa dinadaanan namin.

Teka, sino ba sila? Nasa Shikibara na ba kami? Tumingin ako sa labas ng bintana. May nakita akong napakalaki at puting building na may malaking label na nakalagay sa pinakataas na bahagi ng building — Shikibara Corporation.

"Dad, sino sila?"

Tanong ko kay Dad. May biglang kumatok sa gilid ng bintana ni Dad kaya napatingin kami dito. Nakita ko rin ang pagpalapit ng ilang police at mga armadong lalaki sa sasakyan namin.

"Shit."

Mura ni Dad. Inatake ako ng kaba sa hindi malamang dahilan. Kinalabit ko si Dad kaya napatingin siya sa akin.

"I guess, we are in trouble."

Gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Dad. Anong kailangan nila sa amin?

"Let's get out of here."

Nagpapanic na sabi ko nang makita na nagdidilim na ang ekspresyon ng mga lalaking nasa labas. Madami sila at siguradong hinihintay ang paglabas namin. Halatang kami ang punterya.

No! No way! Oh God help us! Nasa delikadong sitwasyon kami ngayon at walang kalaban-laban.

"Dad sino ba kasi sila?!Anong kailangan nila sa atin?!"

Natatarang tanong ko. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko sa sobrang kaba. Nakita kong ginulo ni Dad ang kanyang buhok at akmang ipatakbo ang sasakyan nang pigilan ko siya. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid namin kaya napatakip ako ng tainga. Naramdaman kong niyakap ako ni Dad.

"Dad! Alis na tayo please! God!"

"Damnit! We're trap, Quendrin!"

****

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon