Prologue

19.2K 508 159
                                    


Mark's POV

Isang gabi, lumabas kami nila kuya, kuya Eiji, Nat at yung kupal n'yang boyfriend. Ang totoo n'yan, 'di naman talaga ako dapat kasama. Ayaw rin nila akong isama dahil baka ako raw ay ma-o.p. Pero nagpumilit pa rin ako kasi kung hindi, akin ang hugasin!

Nakikita ko na ang mangyayari. Habang sila naglalampungan, naglalandian, naghahawak-kamay eto akong nakabuntot at nag-ngingitngit sa inggit. Sumagi na sa isip ko 'yong ideyang sigawan sila ng, Hoy! Pwede bang maghiwalay muna kayo kahit isang saglit!? Kingina nakakapanglumo e! Kaso pinilit kong manahimik dahil alam kong aasarin lang ako ng mga matatandang 'yon. Lalo na 'yang si kuya Eiji. Number one 'yan!

Naalala ko yung sinabi nya. Bakit di pa raw ako mag-install ng Grindr? Ta's n'ong tinanong ko, 'Magkano ba pakabit n'un? Ilang channel?' humagalpak s'ya katatawa. Yung sago ng iniinom nya lumabas pa ata sa ilong nya.

Palibhasa, konti pa lang "daw" ang alam ko; na kesyo bata pa "raw" ako. Pero bata pa ba akong tignan sa taas kong 6'? Ilang tulog na lang kasing tangkad ko na kaya si Yao Ming! Atsaka, bata pa ba akong pagmasdan sa pinagmamalaki kong balbas at bigote? Di na uy!

Sa katunayan, nung nag-puberty ako mas naging mapag-isip ako. Iba yung mapag-isip sa talino, ha? Yung talino kasi... basta naging mapag-isip ako (Tangina, pag-eeksplain-in pa ako, e!). Basta, di na ako yung tipong uutusan lang ni mama bumiling bigas tatakbo pa nang pang Naruto. Graduate na ako dun. Pero may iilan din akong ugaling di ko pa tuluyang naisasantabi tulad ng pagdadamot ko ng Hany. Utang na loob, wag lang talaga Hany, makakasakit ako ng tao.

Pero seryoso, mature na ako. Promise. Mamatay man 'yang kuko mo sa paa.

Ba, sa sobra ko ngang lalim mag-isip naitatanong ko ang mga ganito: Bakit sila ang naging para sa isa't-isa? Bakit yung iba kulang pa sa kanila ang isa? At ang pinakamalupit sa lahat, yung pinaka-nahihirapan akong sagutin – Bakit ako nag-iisa?

Kailangan ba ako yung humanap sa kanya?

O kailangan ako yung maghintay na mahanap nya?

Kailangan bang sya ang mahulog sa akin o kailangang ako ang mahulog...

log...

log...

log... sa manhole?

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon