Mark's POV
Isang linggo na ang nakalipas nang kupkupin namin si Yoghurt. Masaya pala kahit puro balahibo na ang kama ko.
Hyper siya, 'yong tipong nakapapak ng asukal. Parating nakataas ang buntot niya't lundag ng lundag.
Bumili akong laruang daga na tagsa-sampo do'n sa Cubao skyway; 'yong kapag tinaas mo 'yong tali, gagalaw? Ayon, sira rin pagkatapos.
Ang galing nga e, nakuha ni Yoghurt ang kakulitan ko; pagka-malambing naman kay El. Pero hindi naman clingy si El a!? Pa'no ko yon nasabi? Ewan ko sayo, Mark.
Tuwing may pasok, inu-update ko siya sa status ng baby namin.
"Tignan mo anak natin o!? Ang kulet!" Pakita ko sa kuha kong mga videos. Hindi niya naman pinuna ang gamit ko ng 'anak natin'. Haha! Natotolerate niya ako.
"Nakakatuwa siya! Ang taba ng tiyan."
"Nakakadalawang galunggong kaya 'yan, 'kala mo!?" kwento ko sabay segway,
"Tinatanong niya kung kelan ka uli pupuntang bahay. Gusto ka niya makita." Huminto siya sa panonood ng video.
"Uhm, Mark, hindi na ako pwede magpa-late tulad no'ng nauna."
"Pinagalitan ka!?" sabi ko. "T-tara, sama ako sayo mamaya pag-uwi. Magpa-paliwanag ako."
Sh!t, napagalitan siya nang dahil sa pagmamalabis ko. Pero sa kabilang banda, magandang opportunity 'to. Meeting the parents na! Hehe!
"Di mo na kailangan sumama, Mark." sabi niya. So ako naman, nalungkot.
"Di pero 'sot, gusto ko mag-eksplayn sa mga magulang mo."
"Di ko sila magulang Mark. Mga tiya, tiyo ko ang nando'n." sabi niya. "Di naman sa tinatakot kita pero, nakakatakot sila. Wag ka na sumama, ha? Papagalitan lang ako." pakiusap niya sa'kin.
"Sige, sige." sabi ko. "Kung 'di ka makakapunta sa bahay, dadalhin ko na lang dito si Yoghurt. Para sayo."
"At papa'no mo gagawin 'yon?" tanong niya. Di niya 'to masyado sineryoso.
"Ako na bahala."
Alam kong ayaw akong papuntahin ni El sa kanila pero critical information 'to e. Kailangan ko to alamin. Kaya naman no'ng uwian, sumunod ako.
Akala ko 'yong kalye kung saan namin sinundo ang mga bata ang pinaka na sa pinaka. Nagkamali ako. Do'n kasi may mga respeto pa. Dito wala.
Dumaan kasi si El no'n, kinantyawan ng mga nag-iinom. Mga nasa late twenties tansya ko.
"Babe, kandong ka naman sa'kin o!" Hindi 'yon pinansin ni El.
"Tol may mens ata." banat pa ng isa na humantong sa tawanan. Bilang mabilis maglakad, di niya na tuloy narinig ang iba pang mga sinabi.
"Siya na lang ata ang bakla dito na hindi pa natitira e!"
"Bakit tol, lahat ba sila napagpraktisan mo na!?"
"Oo pre. Ang luluwag! Yan siguro, masikip pa."
Mga lasing kasi e, no, kaya di na sinasala ang mga sinasabi. Kung ako si El pinagsasapak ko 'yang mga 'yan.
Mga gagong to!? Sinusukat ang pagkatao sa kung ga'no sila kaluwag o kasikip. Wala ba silang mga asawa't anak!?
Nangagati akong pagsabihan ang mga 'yon kaso oo nga pala, dayo lang ako rito. Maya resbakan pa ako e.
Sumabay na lang tuloy ako sa paglalakad ng mga tao at pagkaraa'y pumwesto sa tindahan.
Umorder na rin akong Sprite baka paalisin ako kung walang binili e. Katapat ng tindahang 'to ang bahay nila El.
May dalawang babae (mga kaedaran niya lang siguro) ang nakatambay doon sa harapan; ang upo, nakabukaka. E naka-pekpek shorts!? E di tanaw na ang Scarborough Shoal!?
Partida ang ingay do'n ha!? Pero na-amaze akong naintindihan ko ang sumunod na kabanata.
Nanghihingi ang isa ng pera sa kararating na lalaki. Grabehan kung mangotong no!? Daig pa mga tiwaling MMDA.
Eto namang mabait na bansot, inabutan din. Tas ilang saglit lang, inutusan naman noong isa.
"Magsaing ka na do'n. Nagugutom na si Papa!"
Umakyat na nga siya.
Yong second floor nila, tulad nang sa amin na may harang lang ng bamboo sticks para maging open air. Tas nandon din 'yong kusina. Kitang-kita ko nga siya rito maghugas ng bigas e.
Hindi lang muna pinagpahinga!?
Yong 1st floor naman nila , pasugalan. At yong sinasabi niyang tiyo, tiya, ayon, ineentertain ang mga sugarol. Itong dalawang babae siguro ang look out.
"Iho, sino ba hinihintay mo?" tanong ng tindera sa'kin, napansin pala ang pagmamasid-masid ko.
"Ah, si Eleison po. Klasmeyts po kami. Diyan po pala bahay niya." sabi ko. "Sino po 'yong dalawang babae?"
"Ah, sina April at Malou? Pinsan yan ni Eleison."
"Yon po ba ang tito't tita ni El?" turo ko sa mga nakatayo.
"Oo sila nga. 'Yan ang trabaho nila - sugal. Kawawa nga 'yang si Eleison e. Ginawang katulong."
Ang ini-expect ko, wholesome environment na may wholesome na pamilya.
Pero kabaliktaran pala.
Alam kong masama ang magtsismis pero feeling ko, walang balak magkwento si El tungkol sa pamilya niya e. Secondary sources muna ako kukuha ng info.
"Asan po mga magulang niya!?"
"Ang alam ko lang, naanakan nanay niya ng Italyano. Pinanganak niya lang si Eleison tapos 'yon, iniwan na sa pinsan ang bahay at pangangalaga dito."
Bigla ko na lang tuloy naalala no'ng dinampot niya si Yoghurt. 'Yong mga katanungan niya bang, "Bakit siya pinabayaan? Asan mama niya?'', hindi niya lang pala 'yon binanggit para magpa-cute. May pinanggagalingan pala ang luha na 'yon.
May lalim rin pala 'tong si El.
Binalik ko ang atensyon sa kasalukyan.
"Sige ho, 'nang. Maraming salamat po." Bumili muna ako ng Hany bago dumiretso sa dalawang babae. Agad silang nagsitayuan.
"Excuse me, pwede magtanong?" bungad ko.
"Oo. Single ako." ang bungad naman niyang sagot. "Ako si April." Gustong makipagkamay.
"Ako si Malou. Hi!" kuha naman ka'gad ni Malou sa kamay ko.
"Hello! Ako si Mark! Uhm, dito ba nakatira si Eleison?"
"Huh? Ba't siya hinahanap mo?" Natunugan ko 'yong disappointment.
"Ah, magkaklase kami. May isa-sauli lang sa kanya." paliwanag ko. Tumango lang sila.
Mabuti pa 'tong si April, nakakausap ko nang maayos. Si Malou,
"Anong number mo? Tara textmate tayo." sabi niya. "Pwede ring sexmate kung gusto mo." bulong pa neto. Marketing mix gone wrong.
"Ah, sorry Messenger lang gamit ko." sabi ko.
Maya-maya, bumaba na si April at El. Si April, nagpalit, nagsuot ng mas maikli. Si El naman nagsuot rin. Hindi ng pekpek shorts ha!? Kundi nang nakasimangot na mukha.
"Mark diba sabi ko sayo wag ka ng sumunod? Tungaw ka talaga." ang tila naasar niyang banggit. Tinila ko pa e halata namang naasar.
"April, hininaan ko na 'yong kalan. Patayin mo na lang maya-maya, okay? Hahatid ko lang 'to sa sakayan."
Grabe siya sa akin, o!? Di man lang ako papasukin sa taas!? Ang unfair.
"Basta El, 'yong sinabi ko ha!?" Tinanguan niya no'n ang babae sabay lapat ng kamay sa'king likuran.
"Dito na lang tayo dumaan!"
"Ba't ayaw mo do'n!?" turo ko sa direksyon kung sa'n siya una nanggaling.
"Mas malapit dito. Shortcut." dahilan niya. Nang malayo-layo na sa dalawa,
"Rinig kong kinantsawan ka ng mga lasenggo. Ano, gano'n na lang yon?"
Saglit siyang tumingin sa'kin, tipong ang vibe e, 'Sinundan mo talaga ako, ha?'
"Para namang may magagawa pa ako." aniya.
Luh!? Ang dami niya kayang pwedeng gawin!?
"Sot, binabastos ka nila. Da't sana pinaalam mo 'yan sa tito't tita mo nang mapagsabihan naman sila."
Nangiti siya nang nakakaloko.
"Sinubukan ko na rin yang sinabi mo Mark." ika niya. "Ako raw nagdala nito sa sarili ko. Kung hindi raw ako pabading-bading e di hindi raw ako maaasar!?"
Kasing liit na siguro ng majong utak ng tiyo-tiya ni El, ano!? Anong klaseng moral support 'yon!?
May sandaling katahimikan. Sumusulyap ako sa kanya upang tansyahin kung kalmado na, kung pwede na uli akong dumaldal.
Siya pa pala mambre-break ng ice.
"Pinapasabi nga pala ni April na crush ka niya. Add mo raw siya sa fb tapos..." May nilabas siyang papel. "Magpost ka raw sa wall niya hawak 'to."
Binasa ko. Fansign ang putek. Nakalagay - I love you, April!
Wow, may template na ka'gad!? Tas ako pa talaga pag-a-add-in!? Tindi. Hype.
"Sabihin mo sa pinsan mo, 'la akong facebook."
"Okay. Pero Mark, maipapangako mo ba na hindi ka na pupunta rito?"
"Hindi."
"Mark!?"
Huminto kami sa paglalakad.
"Hindi ko lang maintindihan, ba't ayaw mo!?"
"Kasi nga hindi kita maiimbitahan sa bahay. Bawal raw magpapasok. Magagalit sina Tita."
"A, so 'yong mga nakaupo do'n sa sugalan, tenants niyo, gano'n?" panunudyo ko. "Ikaw nga dapat ang magalit e!? Bahay mo, ginagawang pasugalan."
Nanlaki mata niya.
"San mo 'yan nalaman?" tanong niya. Sh!t happens Mark. Ikaw at ang madaldal mong bibig.
"A, uhm, sa lola ko!?" Sorry 'la, ginagamit ko ang pangalan mo sa mga bagay-bagay. "Diba sabi ko naman sayo manghuhula yon?"
Alam kong gusto niyang magreak tungkol dun pero pinili na lang niyang yumuko at iniba ang usapan.
"Ano nga pala 'yong isasauli mo!? Sabi ni April meron daw e."
"Ah, wala. Front ko lang 'yon. Haha!" kabado ko pang tawa.
Inilingan niya lang ako ng ulo.
Nang makarating sa sakayan ng jeep, ni-remind uli ako.
"Mark, 'yong pakiusap ko, ha!?"
"Ah, oo. Tungkol sa'n nga 'yon!?" Kinayamot 'yon ni bansot kaya bigla kong dinugtong. "Haha! Joke lang, sot! Hindi naman kita a-araw-arawing dalawin e. Mga five times a week lang."
"Five times a week!? E di parang Monday to Friday na rin!? Mark, hindi ko kailangan niyan."
Aww. Grabe. Nahiya pa siya. Di na lang niya sinabing 'Hindi kita kailangan, Mark.'
Nananakit rin pala 'to ng damdamin e, no? Kailangan niyang malaman na sinaktan niya ako dun banda.
Now serving: Cold war
"Eto nga pala. Sayo na. Sorry ha. Yan lang pasalubong ko e." Nilagay ko sa kamay niya lahat ng binili kong Hany at dali-daling sumakay ng jeep.
Nilingon ko? Ay, hindi!? Sorry siya! Walang lingunan. Noon lang dutdutin niya braso ko mula sa labas.
"Ingat ka pag-uwi, Mark ha!? Salamat dito."
Hindi ko siya kinibo. Ganti-ganti rin pag may time. Hehe!
Alam mo isa pang kagandahan ng may alagang pusa, pwede ka sa kanya magdrama.
Yon nga ginawa ko pag-uwi. Walang kain-kain.
"Alam mo ba 'yang nanay mo, ha, Yoghurt, ang hard sa'kin! Ni hindi nga ako pinaapak kahit man lang isang baitang!?"
"Meow!" Feeling ko kakampi ko 'to.
"Ayaw niyang pumunta rito kaya ikaw na lang mag-adjust, okay!?"
"Meow." Nagkakaintindihan kami.
Kinabukasan.
Kahit galit ako kay El, di ko naman nakalimutan yong sinabi ko sa kanyang dadalhin ko si Yoghurt.
Nilagay ko siya sa loob ng aking bag. Pero bago no'n, plinastik ko muna mga libro't notebook ko (baka kalmutin e). In-on ko na rin 'yong portable fan para 'di siya mainitan.
Kaso itong papasok pa lang sa gate, si Yoghurt gusto ng lumabas. Nagche-check nga pala ng bag ang guard kaya nilabas ko na lang din at kinarga.
"Bawal hayop dito." sita niya.
"Ha!? E sa loob po galing 'to e, kinuha ko lang. Ayon nga po 'yong mga kapatid niya o." turo ko sa mga gumagalang pusa.
"Ha!? O sige ipasok mo na 'yan."
Ganon lang magpalusot, guys. Haha! Sa classroom ko na talaga siya pinakawalan para makapagliwaliw. Kung makahuli siya ng daga dito, maganda.
Actually sa bahay, mas trip niya ang mga ipis.
Natutuwa lang akong marami-rami pala sa amin ang mga catlovers, konti lang ang mga cathaters. Hindi naman dahil sa ayaw talaga nila pero, 'yon kasi ang bilin sa kanila ng doktor. Tulad ni John.
"Mark, paalisin mo 'yan. Hihikain ako diyan!" aniya nang makitang hinaharot ko si Yoghurt sa'king upuan.
"Ganun ba? S-sorry!" binuhat ko si Yoghurt at pumunta sa pwesto ni El. Kararating lang niya.
Gusto ko nga sana mangyari, si El ang lumapit sa'kin. Gusto ko suyuin niya ako na 'Mark, pwede ba mahiram ang anak natin?' tas ako naman sasabihin ko, 'Kiss mo muna ako!' kaso wrong timing din 'tong hika ni John e.
Pagdating ko sa harapan,
"O. Eto na si Yoghurt." monotone pa rin. Biglang lumaki ang mata ni El at nangiti.
"Eto na si Yoghurt!? Wow! Ba't dinala mo siya rito!?" tanong niya na parang ang pinararating e 'da't iniwan mo na lang sa bahay'. Pero kinuha rin naman. Gulo e, no!?
"E alam ko namang wala ka ng balak dumalaw e. Ako na lang mag-aadjust. Si Yoghurt na lang mag-aadjust. Kami na lang ng anak mo mag-a-adjust."
Nang binalewala niya pagdradrama ko.
"Natutuwa akong makitang malusog na siya! Noong hawakan ko siya dati, ang gaan-gaan lang niya! Ngayon..." Hindi kayo maniniwala pero guys, nilalandi niya ang pusa.
Bakit gano'n sa pusa lang siya nangla-landi!? Try niya rin kaya sa'kin!? Kainis e.Yoghurt, how to be you?
"Malusog talaga yan." ang sabi ko. "Pinapalantakan ko pa yan ng Nestle Fruit selection yoghurt no!?"
Inangat niya ang tingin sa'kin.
"Good job, Mark! Galing mo pala mag-alaga e!?"
"Awesome ako e!"
Nang magklase, tinali ko na muna si Yoghurt sa dulo, malayo kay John. Nilapagan ko na rin siya ng tilapia para di mag-ingay.
Pagkatapos no'n, kami na lang uli sa classroom. Pero this time, kasama na namin si Yoghurt.
Matapos naming kumain, may napuna na lang sa'kin si El. Hindi ko nga rin narealize 'yon e! Na,
"Nagsuot ka ng itim Mark tas kinarga-karga mo si Yoghurt!? Tignan mo, puno ka na tuloy ng balahibo!?"
"Oo nga, no!? Kaya pala dumistansya si John kanina."
"O, e ano 'yang ginagawa mo!?" tanong niyang nahintakutan.
"A, maghuhubad!? Ipapagpag ko lang damit ko."
"Di rin yan maaalis, Mark." ika niya sabay lapit sa'kin, dala ang scotch tape. "Napulot ko 'to kanina pag-akyat ko. Sigurado, mas tanggal ang mga balahibo dito."
Pinaupo niya ako sa gilid ng teacher's table at tinanggalan ako ng mga balahibo.
"So, kamusta na 'yong pinsan mong si April, naka-move on na ba!?" simula ko ng usapan.
"Sinearch ka niya, may fb ka raw. Siya na raw nag friend request, bat di mo pa inaaccept?"
Hindi lang naman siya e. Hehe!
"Humingi siya sayo ng pera noong gabing sumunod ako. Ano 'yon patago?"
Hindi siya nakaimik.
"Tipid na tipid ka sa pera tas ibibigay mo lang ng gano'n?"
"Hayaan mo na 'yon. Sabi mo nga di ba, walang halaga ang-"
"O, ako nag-isip niyan!? Wag mong gagamitin sa'kin!" Nangisi lang ang loko.
"Tas ikaw pa talaga pagsasaingin no'ng isa e kararating mo pa nga lang non!? Samantalang sila parang nandon lang maghapon!?" bwelta ko pa. " Sinasanay mo sila El. Di mo ba 'yon nakikita?"
"Salamat sa concern, Mark." 'Yon lang ang isinagot niya. Natutuwa ba ako na iyon lang? Syempre hindi.
Gusto ko turuan niya 'yon ng leksyon. Wag silang pagsaingin ng isang...okay na-gets ko na kung bakit di na siya pwede magpakagabi. Hindi siya nakapagsaing sa kanila noong nasa bahay namin si El.
Pero apat namang katao ang nasa bahay nila, bakit nila inaasa 'yon sa kanya? Bakit-
"Aah!!!" napalaki ako ng mata sa ginawa ni El. "Bakit pati dito!?" himas ko sa'king tiyan.
"Ha!? A-akala ko kasi balahibo pa ni Yoghurt e!" aniya sabay tingin sa nadikitan ng scotch tape.
"El, balbunin ako. Hindi na balahibo ni Yoghurt to. Karog na tawag dito." sabi ko.
"Karog?" ulit niya na parang ngayon lang nalaman ang tawag dito. Sa'n bang bato 'to nagtatago at pati 'yon, di niya alam?
"Oo karog. Kaya siya tinawag na ganon kasi karugtong siya nito..." angat ko pa ng damit pataas para ipakita ang sa dibdib. Mala- wolverine kaya ako. "At nito." Ibababa ko na sana ang zipper ng pantalon nang, sa aking pagkadismaya, na-realize na rin niya kalaunan.
"Na-gets ko na Mark. Nakuha ko na. Alam ko na."
At ang akala ko si El lang ang nakita kong namumula. Pati rin pala si Jolina. Yong kaklase naming madaldal. Nando'n nakadungaw sa bintana.
"Kyaaaahhh!!!"
Bigla siyang pumasok ng classroom na animo'y may sugar rush.
"Oh my gosh! Ang hot no'n! Ulitin niyo please! Please! Please!" Alam n'ya ba hinihiling niya?
"Uhm, Jolina, mali ang iniisip mo." sabi ni El. "Tinatanggalan ko lang siya ng balahibo."
"Simulan mo sa baba, game!" aniya. "Mark, bilis ibaba mo na pantalon mo! Oh my gosh! Pangarap ko talaga makakita ng ganitong eksena in real life!"
"Uhm, Jolina, balahibo ng pusa 'yong tinatanggal ko, hindi 'yong..." Hindi niya na maituloy. "Mark, tulungan mo naman akong magpaliwanag!"
"Oy babaeng madaldal, kumalma ka, okay? Tigilan mo na pagbabasa ng manga'ng may mga mature na content!"
"Grabe siya oh!? Kahit mag-quickie na lang kayo! Please?"
"Anong quickie?" tanong ni El. Mukhang kami lang nakaaalam ng babaeng 'to kung ano ang 'quickie'.
"Jolina, wag mong nilalason utak ni Eleison! Hindi pa niya alam ang mga bagay na 'yan! Wag mong i-overload. Ngayon niya nga lang nalaman kung ano ang karog e!"
"Tss. Sige na nga!" atumal niya. "Basta 'pag ready na kayong gawin 'yon, a, aside dun sa quickie, penge kopya. O di kaya kahit audio lang ng pagputol ng hininga, tunog ng paglabas-masok ng-"
"Okay, Jolina Walang-Dangal. Okay." sabi ko na lang ng lubayan niya na kami. Nakalimutan niya pala pitaka niya kaya siya napaakyat.
Nang wala na ang madaldal,
"Mark, hindi ko na alam pinagsasabi ni Jolina." nalulungkot niyang pahayag. "Ano raw 'yong gagawin natin!?"
"Malalaman mo rin sa takdang panahon." sabi ko.
"Mahirap ba 'yon?..."
"Hmmm!?" Naghahanap ako ng appropriate na sagot.
"Masakit?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon.
"Hala, masakit 'yon, no!? Ba't di ka makapagsalita!?"
"Uhm, di ba sabi ko naman sayo, manghuhula lola ko?"
"Nahulaan niyang masakit 'yong gagawin natin!?"
Para sayo, oo. Haha!
"Oo." tango ko. What? Wala akong choice kundi sumakay!?
"Nakikita niyang, uhm, masasaktan ka sa una. Pero habang tumatagal, makakaya mo rin. Tiwala lang."
Pvta.Tama ba tong pinagsasabi ko!? Kung di lang sana inosente si El, ang sasabihin ko talaga,
'Roromansahin kasi kita El, kaso masasaktan ka muna kasi malaki.'
Pero iba pagkaintindi niya.
"Ah, para pa lang pagsubok!" aniya. "Hindi talaga lubusang tinatanggal ng Diyos ang mga pagsubok sa buhay kasi dito tayo tumatatag. Tama?"
"Oo, parang gano'n." sabi ko na lang.
Hay naku! Si El talaga ang cute!
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Roman pour AdolescentsGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...