Season 2: Yogurt says 24

3.5K 190 68
                                    

Dedicated to @adriankei

Mark's POV

Wala akong ibang hinalikan tulad ng paghalik ko sa labi ni Eleison. Walang ibang tao ang hinayaan kong makasaksi ng aking pag-iyak samantalang nagsusumamong ako'y balikan.

Ang balak ko lang naman talagang itanong no'n e kung babalik pa ba siya sa Pilipinas, hindi 'Babalikan ba niya ako'. Pero siguro nga, gano'n talaga - love can't lie.

Di ko kayang pasinungalingang okay lang/na ako matapos niyang sabihing, 'Pangako, babalik ako.' Pero isang daang beses na mas mainam 'yon kesa wala siyang pinangako.

Ang totoo niyan, nagtalo damdamin ko no'n - kung pipigilan ko ba siya o hahayaan na lang.

Siguro kaya hinayaan ko e dahil alam ko ngang nag-aasam siya ng buong pamilya. Yon yong naramdaman ko nang minsang mahuli ko siyang pinagmamasdan kaming mga Lacsamana sa hapagkainan at paanong kamuntikan ng tumulo ang kanyang mga luha.

'Babalik naman siyang second sem e!' paalala ko sa sarili. Pero 'yong isang ako - 'yong morbid, 'yong insecure ay nagsasabing,

'For second sem!? After second sem, ano na? Magsesecond year ka dito at siya naman doon. You'll never know.'

Pero at least, with that kiss, I made him know just how special he is to me. Wala pang pangalan. Wala pang bansag. Kung anong tawag dito, kami lang nakakaalam.

Magpapadespedida sana ako kung si Jolina ang aalis; kaso si bansot 'yon e. Don't get me wrong, masaya naman talaga ako. Pero sa tuwing tatawag itong Eleison na 'to na kung ga'no siya kaexcited makita ang Grand Canal, napipikon ako. Para kasing it's one way of saying, 'Di na ako makapaghintay iwanan ka, Mark!'

At sa sobra kong pikon, pinapatulan ko minsan e. Tulad na lamang nitong gabi (his last night).

"Gusto kong magsagwan, gumawa ng pizza, magpakain ng mga kalapati, at marami pang iba!"

"Ah, marami pang iba!? Kidnappin kaya kita para di ka na makaalis!?"

"Hehe! Ikaw lang ang kidnapper na magpapaalam nang ganyan!" sabi niya.

"Sinong nagsabing magpapaalam ako!? Nanakawin kita sa kanila!"

"Di mo kaya."

"Don't dare me." At matawa-tawa siya sa kabilang linya. Pero kasunod no'n ay ang pagbuntong-hininga.

"Bukas na alis namin."

"'lam ko. Sana bumagyo para cancelled ang flight."

"Ang sama mo!!!" reak niya. "Tatanong ko pa naman kung ano gusto mong pasalubong kaso, wag na lang!"

"Oy joke lang! Gusto kong pasalubong!"

"O sige anong gusto mong pasalubong?" And simply I said,

"Ikaw. 'Kaw gusto kong pasalubong."

"Pfft! 'Yong seryoso kasi!"

"Mukha ba akong nagjo-joke? I mean it." ang sabi ko.

"Uhm, I mean, materyal na pasalubong, Mark." paliwanag nito.

"You're material to me, Eleison."

Pinakinggan ko ang kanyang paghinga bago ako replyan.

"Ba't ang corny mo!?"

"I'll stop kung di ka na aalis" biro ko; but of course, may halong totoo do'n.

"Eto na lang! Gusto mo bang sumama sa paghatid samin sa airport?" alok niya.

"Tas ano, uuwi akong mag-isa?"

"Hindi. Andon din naman si Jolina e. May kasama ka pag-uwi." aniya. This time, ako naman bumuntong-hininga.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon