Yogurt says 41

2.5K 161 19
                                    

Mark's POV

Napagusot si mama ng mata nang makita akong umuwi na sira ang mukha. Actually, di niya ko ini-expect sa pamamahay niya. Tulad ng di ko pag-expect sa pagtataboy ng bansot na 'yon na animo'y masamang espirito.

"O anong nangyari sa inyo!?" bungad niya.

Nilugmok ko muna ang sarili sa sofa at anong inis siyang sinagot.

"Yong bansot kasi nag-eclipse e! Pinalayas ako!"

"Ano ba kasi ginawa mo!?" usisa pa niyang nakapameywang, may tono ng prejudice.

"Wala!? Binasa ko lang naman kasi yong chat sa kanya no'ng Tado. Masama ba 'yon!?"

"Ay hindi, mabuti. Mainam. Mahusay." Pasarkastiko niyang tugon na mabilis kong natunugan.

"O sige, ipagpalagay nating mali nga 'yon. Pero Ma, ang O.A naman niya kung parang 'yon lang, papaalisin niya na ako!?" sabi ko sabay lagy ng daliri sa labi. "Feeling ko talaga may iba pang rason e. Ginawa niya lang front 'yong tungkol sa chat."

"Tinanong mo ba siya kung meron nga!?"

"Oo!? Kaso ayaw bumigay e." Nakalimutan ko ng mag-opo sa inis.

"Ikaw ba, walang kang ideya kung ano yon?"

"Wala!? Gulantang nga ako e."

"Kaya niya siguro ginawa 'yon para ma-figure out mo sa sarili mo kung ano 'yong mga 'yon." Okay, ang gulo.

"So in short, kumakampi ka sa kanya!?" conclude ko.

Nabatukan ako makailang segundo.

"Wala akong kinakampihan. Ang sa'kin lang baka gusto niya munang mapag-isa. At siguro gusto rin niyang iyon din ang gawin mo."

"Bakit!?"

Bumalik si mama sa ginagawa niya sa kusina at hinayaan akong sagutin ang sarili kong tanong. Pero para atang nagma-malfunction utak ko dahil wala akong maisip na sagot other than napaka-unfair niya sa'kin.

So komunsulta ako kay kuya Eiji. Kahit na alam kong kahit sila ni kuya e may di pagkakaunawaan ngayon. Di porket galit si kuya Eiji kay kuya e galit na rin siya sa'kin.

Or so I think. Dahil itong pagkasabi ko sa kanya na pinalayas ako ni Eleison, 'yong bansot pa ang pinanigan niya.

"Pati ba naman ikaw kuya kampi do'n!?" maktol ko.

"Actually Mark,it's a good thing na sinabi yan ni Eleison. It only means he's ready to take back his independence."

"Luh, anong independence? Bakit kinukulong ko ba siya? Hindi naman, diba? Tinutulungan ko pa nga siya e!? Every step of the way."

"Like you said, 'every step of the way' Mark. And in a way, nakakakulong 'yon. Because when he decide to do something, it's as if kailangan pa munang dumaan sayo for your approval. And when it seems like it's a bad decision, hahadlangan mo."

"E ganyan naman talaga dapat ang magkaibigan, diba? Concern lang ako sa kanya."

"No, hindi dapat ganyan. Pero typical yan sa mga mag-jowa share ko lang. And unless jowa mo si Eleison, tigil-tigilan mo pagiging overprotective mo diyan! You're not concern about him. You're worried. Though it might sound the same, may pagkakaiba 'yon."

"Hindi mo kasi alam kung ga'no ka-vulnerable ni Eleison, kuya Eiji e." Pangangatwiran ko. "Madalas, di niya alam delikado mga desisyon niya."

"And maybe when you don't tell him that, he'll gain a little wisdom, a little confidence to decide wiser the next time." Aniya. "'Pag pinapangunahan mong mali ang desisyon niya, generally ang epekto no'n sa tao e nakakapanliit. It's like stopping him from being self-reliant and more on being reliant or dependent on you. If you don't believe me, just ask yourself how do you feel after me telling you na mali yang ginagawa mo?"

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon