Tatlong taon na ang nakakaraan magmula ng huli kong yakap sa bansot sa reclining bed ng ospital. Tatlong taon ko ng hindi naririnig ang boses niya, ang pagtawag niya ng 'tungaw'. Tatlong taon ng walang kulot na bansot na sumisiksik sa kili-kili ko tuwing kami'y magtatabi.
Kulang ang salitang 'lungkot' upang ilarawan ang mga gabi na naiisip ko siya. Walang araw na hindi ko hiniling, 'Sana nandito ka.' Para akong kakabangon lang sa coma, starting from scratch, back to zero. Hindi ko alam kung anong saysay ng pagbangon ko.
The week after his passing ang napaka-hellish para sa 'kin. Gusto ko lang noong magkulong sa kwarto, dahil hindi ko pa matanggap na tinotoo ng bansot ang pag-alis. 'Kala ko trip lang. Pero noong malaman kong lumuwas mula Italy ang magulang niya, wala akong mukhang maiharap. Natatakot ako, nahihiya for failing to protect their son.
But at some point, kinailangan ko na ring lumabas. Akala ko nga papasalubungan ako ng palad at kamao na galing Italya, sa halip, ang natanggap ko ay mahigpit na yakap, pasasalamat at mga patak ng luha.
Ang mama niya lang ang nakapagkumbinsi sa aking ginawa ko ang lahat, as their son's lover. At higit pa nga sa kanila. Sinabi niya na palaging binabanggit ni Eleison ang pangalan ko sa kanya - that I was there when there's nobody around him.
And without bragging, I'd say it's true. Dine-dedicate ko ang buhay ko sa pag-aalaga sa kanya. Pero 'yon lang talaga ang masakit e, dahil namatay pa rin siya.
Supposed to be, dapat sila tita na ang magde-decide kung ano'ng gagawin sa labi ni Eleison, being the parents. Pero ang nangyari, ako ang pinapipili nila, bilang kasintahan at bilang ako naman ang nakasama niya ng higit kanino man.
Pinili kong ipa-cremate na lang si 'sot dahil sa mga iilang bagay. Una, ayokong magbigay ng eulogy dahil baka hindi pa nakakarating sa gitna, yuyugyugin ko na siya. Ayoko rin kasing kaawaan siya ng mga taong dudungaw sa kabaong niya, lalo na sa mga may atraso sa kanya. Pinili kong ipa-cremate si Eleison nang madala ko siya sa Sagada. That kinda stuck in my mind, the way his face glow nang makita niya ito in real life. It was his happy place.
Noong sinabi ko sa kanyang hindi na ako magmamahal muli, fake news 'yon. Sinubukan ko. Nakipag-date ako sa lalaki, sa babae but at the end of the day, nothing turned romantic. After ng mga attempt kong 'yon, I resigned myself from seeking a relationship not because there was nobody better, although si Eleison talaga ang standard ko, but because I didn't feel the need to enter into one. Tulad nga ng sabi ko sa kanya, in-internalize ko na na kasal na kami.
Besides, maganda naman ngayon ang takbo ng aking buhay. May 9 to 5 job ako sa sister company ng pinapasukan ni kuya Eiji, at may 7 to 9 pm akong slot sa isang social hygiene clinic sa QC. Nag-train ako bilang HIV counselor at naging advocate. Tuwing Sabado, ini-sponsor-an ko ang pagkain at art supplies ng mga bata sa catechism na ngayo'y tinurn-over na sa Student Council ng aking alma mater.
I did this because I know Eleison would do the same kung nandito pa rin siya kasama ko. And if he was here, pareho kaming magtuturo, matututo. Makokonyatan rin siguro dahil minsan hindi ko nababantayan maigi si Yogurt. Tuloy, naka-buntis ng pusa ng kapitbahay. Na kina mama ang lima, nasa akin ang dalawa, kasa-kasama ko sa unit.
Noong una, ayokong tanggapin ang unit. Pero sabi ni tita, ito rin marahil ang gustong mangyari ng anak niya – ang ibigay na sa 'kin ang unit niya. After all, it was our lovenest, it served as our home. Kung tutuusin pwedeng ito na ang gawin kong source of income - patirahan na lang ba sa iba. But the place held some memories I could not let go - 'yong sofa, 'yong kama na king-sized na ako na lang ngayon ang nahihiga. Hindi ako magsisinungaling, nalulungkot pa rin ako. Hinahanap-hanap ko pa rin 'yong may tatanday, 'yong may kakapit sa braso ko na parang koala, 'yong may kakapa sa dragonballs ko one to sawa. Pero kumpara noon, I now get the hang of it.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...