Yogurt says 52

1.9K 107 61
                                    


Eleison's POV

Three days ago, nag-celebrate ng birthday si Eiji. Invited ako sa pajama themed party pero 'yon kasi ang araw na kalalabas ko lang sa ospital, so hindi ako naka-attend. 'Di ako pinayagan ni Mark. Malungkot pero naunawaan naman ako ni Eiji. Hindi lang handa tinake-out ni Mark pati na rin onesie na supposed to be outfit ko for that night. Kulay pula ito na may cartoon versions ni Mariah at ng aso nitong si Jack. Tatlong araw ko na itong suot.

Mag-aanim na buwan na akong huminto sa pagpasok dahil sa pabalik-balik na trangkaso. Actually, umbrella term lang ang trangkaso dahil may mga kaakibat pa 'tong ibang mga sakit. All these, kahit puro prutas at gulay ang kinakain ko, kahit na walang palya ang pag-inom ko. Nagpa-member kami sa gym sa baba ng building, nasayang lang din.

Kung hindi ako pinahiram ni Jolina ng hard drive, matagal na akong nabagot. Naglalaro rin ako ng mobile games dati hanggang sa itinigil ko gawa ng minu-minuto tinatawaga't tini-text ako ng tungaw. If my eyes were red from the gadgets's radiation, pinu-plug in ko ang earphone at nakikinig sa mga curated playlist ni Eiji, at mga favourite audiobook ni kuya Buknoy. Otherwise, I usually spent time gazing at the pictures of my baby brother. Ako ang hiningan ni mama ng pangalan. At noong mga oras na 'yon nanunuod akong Flipper and how I thought he resembled the main actor – especially ang complexion at ang pagkakulot nito. So, I named him Elijah. They loved the name.

Tumaba si mama sa kasagsagan ng pagbubuntis, and I knew this was normal. However, the opposite happened to me despite the changed lifestyle. Sa anim na buwan, dalawang beses kaming nagpa-hiv test. Negative si Jolina't Mark, thank God.

Sabi nila, 'pag religiously iniinom ang gamot, tataas ang cd4 count; dito nakikita effectivity ng gamutan. Mark fully expected tataas ito, but when I handed him that piece of paper, muntik pa niyang awayin ang med tech na nag-explain sa kanya nito. I got where he's coming from. Siya lang naman kasi ang nag-aasikaso sa 'kun nang walang palya so for him, this was a bad joke.

I wished it was just a joke but we already went to different testing centers and one thing's for sure - the medication was a failure.

Sabi ng doctor, drug resistant raw ako, meaning, hindi tinatanggap ng katawan ko ang ini-intake kong gamot. Hindi na kayang pigilan ng antibodies ko ang pagkalat ng virus. Ipagpatuloy ko man raw ang pag-inom, chances are slim na magkakaroon pa ng pagbabago, though I was still encouraged.

I went against the suggestion. Mahihilo ako, hindi naman eepekto, what's the sense? Hininto ko na lang, ano pa't malapit na rin namang huminto ang mundo ko? Maiiwan ko si Mark, ang pamilya ko, si Jolina, si Yogurt.

Pilit ko mang ituon ang atensyon sa mga masasayang bagay, libangin ang mata sa pinapanuod, sa likod ng aking isip, ito ang naglalaro. Lately, natatakot na ako sa tuwing mananalamin. It made me remind of my previous self - 'yong mga panahong nakukurot pa ni Mark mga pisngi ko, 'yong mga panahong kaya ko pang mag-grocery nang naka-boxers at sando. Ngayon, hindi ko na magawa. Hindi lang kalusugan kinuha sa 'kin, pati na rin ang kumpiyansa sa sarili.

Sinara ko ang laptop nang 'di shinu-shutdown, nagtsinelas at umakyat sa rooftop. Nahaharangan ito ng chain-linked fence. Ihiniga ko ang sarili sa semento't pinagmasdan ang pagtatagpo ng kulay orange at pink na langit. Pakaliwa ang galaw ng ulap at mas mabilis kesa sa mga nakaraan. And if this was a metaphor of my time on Earth, so be it.

Nakapagsulat na naman ako ng letter kay Mark. Some might call it farewell but really it's just a love letter. And a long overdue one. Kung saan ko nilagay, he'll find it somehow. Sana.

Ilang sandali lang may narinig akong pagtulak sa pinto. Pinihit ko ang katawan hanggang sa makadapa ako't makita ang umakyat - si Mark, sukbit ang bag at hingal na hingal. I gifted him a smile bilang pagsalubong, pero nang siya ang makarating sa harapan ko - panenermon ang ganti.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon