Eleison's POV
Umalis ako ng bahay samantalang natutulog pa si tito. Hindi naman kasi ako nakatulog; idlip lang kumpara kay tito na himbing na himbing. Walang bakas ng pagsisisi. Konsensya nga di tumalab e.
Ayoko ng magisnan pa niya ako sa bahay sa takot na baka ipaulit niya ang nangyari, ipagawa ang anumang naisin. Oo. Ako na ang iiwas, ang mag-aadjust. Baka kasi ang tingin niya kung hindi ako umiiwas e nasarapan ako at gusto ko pa mangyari 'yon.
Ayoko ng mangyari 'yon.
Pero hindi naman ibig sabihing iiwas ako e tatakasan ko na responsibilidad ko sa bahay. Ako pa rin ang nagsaing, ang naghugas, ang naglaba. Naglaba ako sa halip na matulog o gumawa ng assignment.
Sumagi ba sa isip kong lagyan ng lason pagkain at inumin ni tito o saksakin siya habang natutulog? Oo. Kaya lang hindi kaya ng isa kong pagkatao ang pumatay. Yong parte ng pagkatao kong nagdadalawang isip. 'Yong kj. 'Yong maarte. 'Yong "pabebe". Mga deskripsyong typical kina tito at Thadeuss.
Pero ito rin kasi yong typical kay Mark. Pero kumpara sa kanila, hindi niya 'to minamasama. Ngunit sa kasamaang palad, unti-unti ng nawawala.
Tulad na lang nang batiin ako ng mga nadadaanan ko pagpasok sa iskwela at hindi ako sumagot. Ni hindi ko nga nilingon.
Hindi ko kayang tugunin ang "Magandang umaga Eleison!" nila dahil alam ko ang gusto nila ay 'yong Eleison'g mabait, 'yong inosente, 'yong parang santo; hindi ako na pvta't parausan ng tito.
Pero kung ayokong madamay si Mark kailangan kong manlinlang. Kailangan kong magsinungaling sa kanya (para rin sa kanya) na buo pa ako.
Late ako kung dumating sa classroom ngunit natataong nauuna pa ako kesa sa mga professor sa pagpasok. As usual, maaga si Mark. Maihahambing ko siya sa asong nagwawasiwas ng buntot kapag makita ang amo. Gano'n kasi ang vibe niya. Parating masigla. Maligalig. Hindi nga lang ako nagpapahalata kung akin siyang tanawin; sapat na 'yong mahagip siya ng aking paningin.
Una kong ginagawa pagkaupo ay isukbit ang bag sa sandalan ng upuan. Pag-ginagawa ko 'yon hindi pwedeng hindi ako malingon sa direksyon ni Mark na ngayon ay nagre-ready ng tumayo sa kinauupuan.
Ihinarap ko ang katawan sa pisara, labas ang notebook at papel. Hanggang sa maamoy ko na ang pabango ni Mark at nagsitayuan ang balahibo ko. May gano'n siya sa'king epekto.
Usually, kung hindi siya sa likuran ko, sa kanan ko siya umuupo. Ngayon napili niyang umupo sa kanan ko at sa halip na magalit gawa ng pagsuway ko sa kanyang hintayin pagbabalik niya no'ng gabi,
"Napa'no yang pisngi mo?" ang una niyang bati.
Kita ko sa kunot ng noo niya na ayaw nya ang nakikita niya.
"Nakipag-away ako." sabi ko sabay bukas sa pahina ng librong may bookmark.
"Nakipag-away ka? Ikaw? Kanino? At bakit?" tanong niya, inusog na ang upuan palapit sa'kin. "Sabi ko naman sayo hintayin mo 'ko! Ka-bansot-an mo rin, e no?" pingot niya sa ilong ko.
"Wala e. Nangyari na." Hawi ko sa kamay niya at sinubukang magsulat.
Casual siyang umalis sa tabi ko ngunit pagbalik,
"Ah!" napaatras ako sa kinauupuan.
"Lagyan natin nito para mabilis gumaling!" dahilan pa niya, sinusubukan uli akong dampian no'ng pamahid na ginamit niya rin kay Yogurt. Pero kaya kaya nitong hilumin sugat ko? Kaya kaya niya?
"Ba't hindi mo na 'ko ni-reply-an after no'n?" tanong niya pero patuloy pa rin sa ginagawa. "Tinatawagan kita, hindi mo sinasagot."
"Okay na. Thank you, Mark." Sabi ko, pinigilan na sa ginagawa niya't bumalik sa pagsusulat. "Lowbat ako no'n. Sorry."
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...