Eleison's POV
"Good morning!"
'Yan ang unang tinig na narinig ko nang magising ako ngayong Sabado ng umaga. Hindi sana ako magmumulat ng mata kung may respeto lang siyang natitira. Bigla ba namang hawiin ang kurtina't sinagan ako ng araw!?
Wag niyo ko simulan sa katwiran niyong di niya naman kasalanang may sinag ang araw; kasalanan niya pa rin.
"Wow, period mo?" hirit niya nang bigyan ko siya nang di maipintang hitsura.
"Bastos ka kasi e! Kita mong natutulog pa ang tao."
"Tao kaya siya?" bulong niya pa sabay iba ng usapan, "Oy, nag-oversleep ka kaya!?"
"E ano ngayon, weekend naman!?" tugon ko, patagilid ang higa't nakatalikod.
"Baka nakakalimutan mo, may catechism tayo!?"
"E di ba, nagka-areglo na tayo!?" harap ko sa kanya. "'kaw na magtuturo, ako na magbabantay. So –"
"A-a-a! Hindi yan rason para di gumising nang maaga." Pagbu-butt-in niya, may paglapat pa ng daliri sa labi ko. Malay ko ba kung saan niya yan hinawak. "Atsaka sot, mas masarap kumain nang may kasabay. Kaya...bumangon ka na diyan."
"E di lumabas rin ang totoo!? Kaya mo 'ko ginising para lang may makasabay! Mautak ka e, no!?" Nalaglag ang kumot sa sahig pagkatayo ko pero di ko 'to pinulot. Kusa naman 'yang matutupi e.
I must say, pinabibilib ako ni Mark as a roommate. Biruin mo nakaluto na, nakapaglinis pa. Perfect house boy. So it is but fair na samahan ko siya sa pagkain. Kesa naman sweldo i-demand niya sa'kin di ba!? Wala pa ako no'n.
Hindi ko alam kung anong tinira niya at hindi mawala-wala ang paningin niya sa'kin. That is not to say na tinitignan ko rin siya, ha!? Nati-tiyempuhan ko lang.
"Inaano ka ba?" tanong ko bago sumubo.
Tila nagulantang,
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Tinitignan mo po ako na para bagang hinuhubaran!?"
"Oy di a!? Wala, inaalala ko lang ang mamaya." Sabi niya. "Uuwi kasi ako di ba? E hassle naman kung isama ko pa si Yogurt so okay lang ba kung paalaga muna?"
Oo, nagpaliwanag nga. Pero I'm not convince na kung ano ang aking narinig ay siya mismong iniisip nitong bakulaw.
"Mark, di mo na kailangan magpaalam about kay Yogurt kasi pagdating sa kanya, hands on ako. So spit it out. 'Lam ko something's up."
"Wala akong tinatago, 'sot."
"Mamatay man?"
"Grabe naman yong mamatay!?" reak niya. "Basta pag may emergency, tawagan mo lang ako."
Hanggang sa sunduin na lang namin ang mga bata, wala akong napala. Ay meron pala. Kahihiyan. Pa'no si Mark muntanga, nagpauso ng tren-tren-pot-pot! So siyempre di papayag yong mga girls na nakapila sa'kin. Ayon,gumaya din. Dahil big deal sa'king akusahang kj, nagpauto na lang din ako.
Buong akala ko talaga, madadalian lang ako sa pagbabantay ng mga matsing. Pero hindi. Na-shookt ako. Ang kukulit. Tipong dito may iinom, doon may tatae. Dito may magtatakbuhan, doon may gumagapang. Nakaka-highblood, promise. Pero di ko naman pwedeng ipakita 'yon sa mga bata so nag-improvise tayo.
"Be, balik na tayo sa classroom be! May gift daw kay kuya Mark ang magbe-behave, be!?"
Just say the magic word and everything falls into place. At Mark's expense.
Disente naman kung magturo ang gago; may pa-powerpoint presentation pang nalalaman. Kaya lang siguro gustong gumanti, ako ang tinawag para sa closing prayer. Tangina todo tanggi ako e.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...