Yoghurt says 2

9K 321 50
                                    

Mark's POV

Nakapang- Sponge bob tee ako ngayong umaga. Hindi ko sinabi 'to dahil nakikiuso ako sa OOTD na tinatawag; ni hindi ko nga gusto ang kulay na 'to- masyadong maliwanag, masaya, upbeat ika nga.

Kaya lang naman ako nakaganito ay dahil ni-require kami ng College nang sa gano'n mabilis kaming makilala bilang Business students dito sa Freshmen/Transferees Orientation sa gymnasium.

Angas ng gym! Instead na sa baba, sa taas ito ng building nakalagak. Puno ng mga estudyante ang bench na aakalain mong bubuo kami ng human M&M's dahil sa mga kulay!

Katabi namin ang Accountancy na naka-kulay pink; ang Psychology naman naka-kulay green. Violet, white, orange ang mga sumunod at kung sa tingin mo alam ko mga course nila, nagkakamali ka. Hindi ko naman kailangang alamin e.

Pero nakatitiyak akong ang bench do'n sa katapat namin na may iisang kulay lang - navy blue - ay mga Engineering. Sila ang pinakarami.

At sa pagkarami-rami ng tao na narito sa loob, himalang may isa akong mamumukhaan (at 'di ko inaasahang makikita, ha?).

Isang lalaki na noong bakasyon lang ay aking tinulungan subalit di na nadugtungan. Isang lalaking ang tipid-tipid gumalaw subalit matindi kung mangapa/manuklaw.

Nakita ko siya sa harapan. Sa gitna. Naka-dilaw at may munting papel na inabot sa magandang babae na nasa roster. Nang mapasakanya na ang papel ay pinaaalis na ito ng babae, kami'y pinatayo, nagdasal.

Program proper na pagkatapos.

Inaantay ko ang pagdating ni Eleison sa lugar naming mga naka-dilaw subalit natapos na lang lahat-lahat ng pagpapakilala sa school admins, hindi s'ya dumating o sumingit man lang.

Ginawa ko na. Kinurot ko na sarili ko para i-check kung totoo na si Eleison nga ang nakita ko kani-kanina at hindi lang 'to matinding ilusyon.

'Yong bang pakiramdam na gusto mo s'yang batiin at ipaalala na nagkakilala kayo noong mahulog kayo sa manhole? 'Yon sana ang gusto kong mangyari e. Pero asan siya? Nag-truancy. Kingina, thug life!

Hay! Kung may Films & Cinematography lang sana na offer dito, mag-shi-shift ako. Gusto ko kasi 'yong pribilehiyo ng mga direktor na kung anong gusto nilang mangyari, nangyayari.

Pero sa totoong buhay, hindi naman talaga lahat ng gusto nating mangyari,nangyayari.

Kasabay ng pagbalik ko ng diwa sa realidad ay ang pagbalik namin sa klasrum.

Bukod pala sa kulot na 'yon, napansin ko rin doon si Ana. Katabi ko lang naman kasi siya. Accountancy student. Siya 'yong parating naghahanap sakin sa tuwing nagkakasakit ako. Yong kababata kong inaasar sakin ni kuya!?

Hindi na lingid sa kaalaman kong crush ako no'n ngunit no'ng nalaman niyang silahis ako, nakuntento na lang sa pagiging kaibigan ko.

Turn off kasi sa kanya ang silahis. E di wow.

Kanya-kanya lang namang persepsyon 'yan e. Ang persepsyon ko sa ideyang 'yon ay 'yong bang naa-attract ka sa lalaki at sa babae; maaring sabay mong maramdaman, maaring hindi. Maaring tama ako, maaari ring mali.

At sa puntong 'to, 'di ko alam kung naattract ba talaga ako kay Eleison o pinipilit ko lang... sa ngalan ng poreber!?

Marami na rin kasi akong nakilalang prospects bago siya kaya ano'ng basehan ko para malamang si Eleison na nga poreber ko? Sapat na bang qualification 'yong nahulog siya sa manhole?

Hindi ko lang alam.

Nag-space out na naman tuloy ako sa sobrang pag-iisip! Bwiset. Ngayon pang isa-isa kaming pinatatayo sa harapan para diyan sa korning 'Introduce yourself' na 'yan.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon