Mark's POV
Hindi nga nagsisinungaling 'yong mga kaklase ko nang sinabi nilang tinatambakan na kami ni Del Mundo ng mga takdang aralin. Siya ang first subject ko at kinakabahan ako. Pinapahiya niya kasi ang mga walang gawa; 'yon bang ia-announce pa na singko ka na. At ngayon sa'kin siya nakatingin.
"Sino ka?" tanong niya mula sa table niya.
"Mark Lacsamana po." Sagot kong patayo. Pawang nagulat siya nang tumindig ako.
"Nagpasa ka na rito?" nguso niya sa pile ng folder sa lamesa.
"Ah, hindi pa po e. Ngayon lang po ako pumasok."
"Lumabas ka." Turo niya sa pintuan. "Kita na lang tayo next school year." Ang strikto nitong pagkasabi na kinalunok ko ng laway.
"Sir, excuse me!" kuha ng isa kong kaklase sa atensyon ng guro." Malaki rin siyang bulas, maputi at mukhang anak-mayaman. "Ngayon lang pumasok si Mark dahil kahapon lang siya nakapag-enroll."
"Patingin ng A.S" mando nito sa'kin. Dali-dali kong kinuha sa bag ang dokumento't inabot ito sa kanya. Pagkakita,
"Punyeta nakaprint na ako ng seat plan e." Himuntok niya.
"S-sa dulo na lang po ako uupo sir. Para di na gumalaw." Suggest ko, pupunta na sa dulo.
"Akala ko kami pa pag-aadjust-in mo e." Sabi nito. "Sana wala ng duma-"
"Hi sir! Sorry I'm late!"
Lahat kami napatingin sa lalaking nakatayo sa may pintuan. Ayos 'to. 'Yong bansot naman ang pagbubuntungan ng galit ni sir! Hahaha!
"O ba't masaya ka pa?" ang tila naisultong tanong ng guro.
"Kasi sir, natunton ko na rin sa wakas 'tong room natin! Nang hindi umaasa sa iba!" pagmamalaki pa niya. Casual siyang lumakad at pumunta sa harapan ng bwiset na bwiset naming guro. I mean, hindi ba nakakahalata ang mokong na 'to na bad mood si Del Mundo?
"Actually kasi sir kahapon no'ng nagpaenroll ako, may lalaking parang wala sa sarili, kung saan-saan lumilipad ang diwa, 'yan tuloy nabangga ako. Sakit kaya sa pwet!? O e di nagsorry ang gago. Tapos para makaganti raw,"makabawi", sasamahan niya raw ako makarating sa studio theatre. So ako naman, 'sige lead the way.' E ang tungaw, hindi naman pala alam kung sa'n ang theatre! Pisti! Hala ayon, piningot ko nga sa tenga! Nagmamagaling kasi."
Tangina nito, ang lakas mang talksh!t. Di ba niya alam na nandito 'yong sinasabi niyang "nagmamagaling"!? Tas etong ina-anticipate kong pagpapagalit sa kanya, di na naisakatuparan. Nang dahil lang sa daldal niya. Nakakainis diba? Ako na maaga pumasok, pinagalitan; siya na-late, wala lang? Asan ang hustisya?
"Im supposed to get angry Mr...Vermicelli." basa nito sa A.S ng bansot. "But you are entertaining so maupo ka na lang do'n sa dulo kasama no'ng isang late enrollee dahil nakagawa na ako ng seat plan."
"Thank you sir. Thank –" Nahinto siya sa pagsasalita nang makita ako sa likuran at binibigyan siya ng death glare. Akala ko natakot ko na. Pero,
"Sir, sir! Siya po 'yong sinasabi kong bumangga sa'kin! 'Yong nagmamagaling!"
"What a coincidence! Seatmate pala kayo." Ani Del mundo. "Maupo ka na ro'n nang makaproceed na ako sa discussion."
"Sir pwedeng dito na lang ako sa upuan na 'to?"
"No."
"Kahit dit-"
"No. Sa likod ka. Magtabi kayo."
"Sir, dito na lang si Eleison. Ako na lang sa likuran." Suggest no'ng lalaking tumulong sa'kin kanina.
"Johnson, naka-print na ako ng seat plan. Ayoko ng baguhin." Tugon ni Del Mundo bago senyasan ang bansot na gumalaw na.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...