Yogurt says 16

4.8K 241 46
                                    

Mark's POV
Matapos ng naging epic Acquaintance no'ng nakaraang Linggo, ang nilo-look-forward ko naman ngayon ay ang "date" namin ni Eleison. Pero na-realize ko lang: ang awkward ng dating at nakaka-konsensya kung itutuloy namin ang Star City.
Awkward kasi iisipin ni Eleison: 'Kailangan ko 'tong gawin para makabawi.' At nakaka-konsensya sa part ko since ako 'yong nag-inform at nagdisguise bilang si Jolina para malaman niyang nagtampo ako.
Kailangan kong i-cross out ang Star City at mag-isip ng ibang plano para matuloy ang date. Bakit ako nai-stressed? Gagsti! Official date namin 'to dre kung saan acknowledged 'to ng dalawang kampo; kaya kailangan maging meaningful.
Hindi ko naman sinasabing walang kwenta sa Star City. Hindi lang kasi tama (para sa'kin, ha?) na porke't meron akong libreng ticket e doon na lang din. Kumbaga wala man lang effort sa parte ko. At ayokong wala akong binibigay na effort.
Tignan mo 'yon din ang assessment ni Jolina nang makwento ko suliranin ko sa buhay.
"Bes, sigurado ka bang sa Star City kayo magda-date?" Kung kilala niyo si Jolina, ini-imply niya talaga e, ibigay na lang sa kanya 'yong ticket at gamitin ang creativity ko sa pag-iisip ng ibang date plan.
"Siya nga pala bes, pinapatanong ni bessy kung anong date ang date niyo? Hindi naman raw siya atat kaya niya natanong 'yon. Baka lang kasi may gawin raw siya sa araw na 'yon at magka-aberya pa.
"Ang totoo niyan Jolina, hindi 'yan ang major concern ko sa mga oras na 'to." Sabi ko. "Change of plan."
"Wow. Cramming."
"Oo na."
"Well, bes, di ko alam kung makakatulong 'to but, birthday ni Eleison bukas. And -"
"Tangina, ba't ngayon mo lang sinabi?"
"Wow, so kasalanan ko pa tuloy!? I thought implied na yon na kapag may gusto ka sa isang tao, memorize mo na birthday niya by heart?"
"Di pa nga ina-accept ng loko friend request ko e!? Pa'no ako makakakuha ng info?"
At tinawanan ako ng gaga.
"Nakahanap ka rin ng katapat! Sanay ka kasing ikaw sine-send-an ng FR e, no? O ngayon alam mo na pakiramdam."
"Pero seryoso dre, gusto ko sanang itaon sa birthday niya 'yong date namin. Bukas na ba talaga 'yon o exaggeration mo lang?" Ani ko.
"Bukas na 'yon." Confirmed niya, nagpaka-pokerface na para mas convincing. So ako namang si tensyonado't praning,
"Star City na lang uli!"
"Bes, para kang pubic hair! Ang gulo mo!" daplis pa niya sa patilya ko. "Maa-amuse si Eleison niyan, oo! But not with you. Kundi sa mga rides. Mag-isip ka pa ng alternative!"
"Sige na nga!" kinuha ko sa plastic folder ang dalawang ticket sa Star City at binigay sa impakta.
"What the fvck, bes!? Ibibigay mo na 'to sa'kin!?"
"Oo. Sa halagang limangdaan." Nawala ngiti niya sa mukha at inatras ang napipintong pagyakap sa'kin.
"Akala ko naman libre na."
"Uy tangi, mura na nga 'yan e." Mema ko. "Atsaka kailangan ko ng perang 'yan para sa plan B ng date namin."
"Wag mong sabihing plan B mo e date sa mall, kain sa restaurant, movie, ganern?" liyad niya. "Nakalimutan mo na ba, ayaw munang magpunta ni Eleison sa mall dahil made-de javu siya sa date nila no'ng Marco."
"E 'di plan C!" sabi ko.
"Ano 'yong plan C mo?"
"C- cret!" Sinabi ko lang secret pero actually wala pa talaga akong Plan C. Ayaw pang gumana ng utak ko e.
Pa'no ba naman gagana nang maayos e eto akong binabati ng mga babae sa may bintana; hindi ko naman ka-college. O tapos ano? Ang sabi ko kay Eleison: marami na siyang kakompetensya. Pero kingina ano, wala pa rin sa kanya! Hindi siya nabo-bother. E pano 'yong katabi niya rin sa kaliwa inimpluwesyahan siyang mag-gantsilyo. Tangina Business Ad ka tas magmamajor ka sa gantsilyo?
Tumaliwas ang pikon ko nang pakitaan ako ni Jolina ng limangdaan.
"Siguraduhin mong makabuluhan yang Plan C mo, bes, ha?"
"Ako pa ba?" Sabi ko at ito'y kinuha. Then, "Uhm Jolina, iniiwasan ba ako ni Eleison?"
"Funny you should ask. Oo bes, iniiwasan ka niya." Prangka niyang sagot.
"Bakit?"
"Sa pisngi mo lang kasi siya hinalikan e, hindi sa labi. Charut!" palo niya sa'kin. "Di ang totoo niyan, hinihintay niya lang sorry mo sa paghalik mo sa kanya no'ng gabing 'yon. Kung saan hindi mo ko ininformed."
"Bakit ako magso-sorry, deserve ko naman yon!?"
"Hindi ka raw nagpaalam."
"Nagpaalam ako, oy."
"Oo. After mong humalik."
"Anong gusto niya, una paalam? Ang awkward kaya no'n. 'Uy sot, hahalik ako kasi deserve ko.'" Di ba,muntanga lang!?" Inikutan ako ng mata ng impakta.
"Well other than that, wala namang ibang dahilan kung bakit ka niya binibigyan ng cold treatment."
"Sigurado ka? Hindi ba siya nagseselos kasi maraming mga babaeng nakikipagkilala sa'kin?"
"Isa pa pala 'yan bes! Akala mo raw siguro nakikipagkompetensya siya sa iba. But in reality, wala siyang pakialam."
"Yon nga ang nakakabadtrip e. Hindi siya magselos-selos. Gusto ko siyang makitang magselos!"
"Bes, the reason hindi nagseselos si Eleison is because he respects your freedom. Open-minded siya; in my opinion, wala siyang dinidikit na malisya ke maganda't chaka pa yang nakikipagkilala sayo. And maybe, he's telling you something else."
"Ano?"
"'Hindi kita pinipigilan makipagkilala sa iba, Mark kaya sana gano'n ka rin sa akin.'" Gaya niya sa mannerism ni Eleison. "It all boils down to respect, besfren."
Respect. Hindi ba't kailan lang ni-lecture-an ako ni kuya Eiji tungkol diyan? Ba't nakalimutan ko na naman!? Argh! Nakalimutan ko na naman respeto ko sa sarili. E pa'no kasi, kung hindi ko gagawin 'yon, wala akong 'kiss'! Hindi naman kasi siya 'yong tipong may initiative di ba? Yong tipong, 'Wait Mark, bago ka umuwi hahalikan muna kita." Imposible 'yon.
Kaya sige Mark, lumapit ka na do'n. Mag-sorry kang hayup ka.
"O sa'n ka pupunta?" usisa ni Jolina.
"Do'n! Magso-sorry." Turo ko sa lugar ni Eleison na aliw na aliw sa paggantsilyo. Sana lang good mood.
"Uhm, sot!" kalabit ko sa kanya, nahihiya.
"O Mark, bakit?" casual niyang tanong habang di nawawaglit ang paningin sa handiraft.
"Sorry na." Sabi ko, 'di makatingin ng diretso.
"Okay." Sagot niya, walang rising, walang falling.
"Okay as in 'Bati na tayo?'. Di ka na galit?"
"Hm. Okay."
"Ugh! Sot, 'yong totoo kasi!" atumal ko.
"Okay na nga." Sabi niya sabay tanong sa kaliwa, "Pa'no ko nga 'to puputulin, 'te?"
"Ganito..."
Hanggang sa hindi na uli ako pansinin. Nang-iinis talaga!
Padabog akong umalis sa lugar nila't bumalik ng upo sa tabi ng impakta.
"Nakita mo ba kung ano'ng ginawa ng kaibigan mo?"
"Siyempre naman. Ako nagturo sa kanya no'n e." Pagmamalaki pa ng gaga.
"Tangina, kanino ka ba kampi - sa'kin, sa kanya?"
"Siyempre I pledge my allegiance to you. Kaya lang kasi, ang cute kaya pag may LQ ang mag-couple! So kawaii!!!" pisil niya sa pisngi.
"Hampasin kaya kita ng kawali? Iba rin layunin mo e, no? Ang gusto ko maging okay kami."
"Bes, okay na kayo, pramis. Yon lang naman kailangan niya e, ang marecognize mo 'yong mali mo."
"Tss. Mali ko talaga? But it felt so right no'ng mga oras na 'yon!" At napabuntong-hininga ako. "Tangina sige, magpapaalam na ako bago humalik."
"Amen to that, my man! Alam mo naman si bessy - never been touched, never been kissed... until recently."
Umuwi ako ng bahay matapos ng klase, reflecting do'n sa sinabi ni Jolina. Kung totoong hindi pa siya nahahalikan, technically speaking, ako ang unang nakahalik! Ngayon naintindihan ko na kung bakit siya na-upset. Siguro ang gusto niya pareho naming ma-enjoy ang first kiss pero sa case namin no'ng gabi - ako lang ata nag-enjoy.
Tangina, kailangan ko talagang makabawi! Kailangan ko ng tulong ng mga experts. Now skyping: Nat and Kuya Eiji. And luck oh luck! Online sila pareho.
"Mga dre saklolo! Magda-date kami ni Eleison. Official 'to. At urgent. Any ideas?"
"Good evening din sayo Mark?" ang sarcastic reply ni kuya.
"Sorry kuya! Good evening din!" Nakalimutan ko palang bumati, tangina.
"Okay, relax ka lang Mark. No need to panic. Now tell us, kelan ba ang date?" ang mahinahong tanong ni kuya.
"Uhm, bukas!?"
"Eiji may karapatan siyang magpanic. Haha!" pang-iinis ni Nat.
"Okay Mark ganito, wala naman talagang formula or standard way of dating. Basta ang mahalaga, mapaligaya mo siya."
"'Mapaligaya'... so diretso na kami sa 'sex'?" pagkakaintindi ko.
"Ang advance ng utak mo, dre." Komento ni Nat, disappointed na disappointed.
"'Yan. 'Yan yong mga utak ng mga madaling ma-basted." Sabi pa ni kuya Eiji.
"Sorry na agad. Dami kong naiisip e." Kamot kong ulo. "Ang totoo niyan kuya, galit si Eleison sa'kin. Hinalikan ko kasi nang walang paalam. Kaya kailangan kong makabawi."
"Okay first don't think you have to do this para makabawi. Naiiba yong goal e. Instead na pasayahin mo siya,ang goal ngayon is ikaw ang sumaya by getting rid of the guilt." Pangpsy-psyche sa'kin ni kuya. "Don't try to rid of it. I-acknowlege mo 'yon as a lesson so when the same scenario happens, you'll know better."
"Dre kasi kung dadamoves ka, gawin mong swabe. Signal-an mo muna kung anong balak mo. Nakakabigla nga naman kasi yong atake mo. But if you want to redeem yourself especially in a date, i-consider mo 'yong mga gusto ni Eleison. Hindi 'yong gusto mo lang."
"Kapag ba magda-date required na alamin muna mga likes and dislikes ng ka-date?"
"Not necessarily. But whatever makes the date smooth sailing is worth knowing." Sabi ni kuya.
"Isang paraan para maging smooth sailing ang date e ang ilagay mo ang sarili sa katayuan ni Eleison. Ano sa tingin mo makapagpapasaya sa kanya?" ani Nat. Oo nga pala. Dalawang psyche pala 'tong mga ka-skype ko.
"Hmm, kung ako si Eleison... well, kaligayahan kong makatulong at makagawa ng mabuti sa kapwa." Sabi ko, nilagay nga ang sarili sa katauhan ng bansot. Pero parang ang broad, ano?
"Okay, there you have it, Mark. Humanitarian siya. Alamin mo ngayon ang listahan ng mga gusto niyang gawin sa kapwa na mabuti. Kahit isa lang do'n, if you commit your all, e maa-appreciate niya for sure."
Nakikita ko sa background ng dalawa na kapwa sila busy kaya naman dito ko na lang tatapusin.
"Maraming salamat kuya Eiji, Nat. Sorry kung naabala ko kayo, ha? Sige, iisipin ko na kung anong activity 'yong pwede akong maka-commit."
"No problem, dre!"
"Good luck sa date!"
Nang ma-sign off ko na ang laptop, humiga ako sa kama't do'n nagnilay-nilay. Ano ba 'yong gustong gawin ni Eleison sa kapwa na mabuti? Bukod sa catechism, pagkupkop ng pusa at pag-aalaga sa mga matatanda?
Gagawin ko sana 'yong mannerism ni Jimmy Neutron na 'think-think-think' kaso no'ng makita ko 'yong modem, hindi na pala kailangan.
Bumaba akong kusina at inabutan si mama ng P300.
"Ma o!"
"Aba first time mag-abot, ha!? Salamat naman!"
"Di Ma, actually magpapabili ako sayo."
"Bwisit ka, 'kala ko akin na 'to!" amba sa'kin ni mama.
"Di ko kasi alam sangkap ng ginataan e kaya pasabay na lang."
"Para sa'n ba 'to?"
"Para bukas Ma. May gagawin lang kami ni Eleison."
"Magpapakain kayo ng mga bata?"
"Pa'no mo nahulaan!? Ang galing mo Ma, ha?" akbay ko sa kanya. "Pero Ma, kailangan ko mga dalawang kaldero niyan."
"E 'di kulang pa 'to!?" taas niya sa pera ko. "'Yong gas pa?"
"Ma, tumingin ka sa mga mata ng pinakagwapo niyong bunso. Ni minsan ba tumikim ako ng droga? Nagnakaw ba ako? Kumitil? Nagtraydor sa bayan? Di ba hindi? Ano ba naman 'yong dagdagan mo 'yong pangsahog sa ginataan Ma!? Masakit ba yon sa bulsa?" Ayon na e, palabas na luha ko no'n nang hampasin ako ni mama.
"Ang drama mo talagang kumag ka! O siya, siya! Sige na! Tutal, para naman pala 'to sa mga bata e." Hinalikan ko si mama sa pisngi nang maantig sa performance ko. Haha! Pagkatapos no'n, bumaba ako ng bahay at pinuntahan ang ninong kong may kariton.
"'Nong, rentahan ko 'yang kariton niyo ng P20."
"Ah!? Bente? P100."
"Ah!? Isang daan!? Kwarenta."
"Otsenta?"
"Si Ninong naman o," kamot ko sa ulo. "'Baka nakakalimutan niyo 'nong, tinaguan mo ko no'ng pasko! Dapat nga pahiram mo na lang 'to ng libre e. Pero hindi, nakipag-negosasyon ako sayo. Singkwenta na lang, ano? Sarado na 'yon." Kuripot kasi 'tong taong 'to e.
"Nangonsensya ka pa'ng loko ka, ha? Sige na nga." Payag ni ninong. Inabutan ko siya ng P50 tsaka inalis ang mga laman no'ng kariton.
"Saan mo ba gagamitin 'yan?" usisa ni Ninong.
"Basta po."
Itinulak ko na ang kariton at pinarking sa harapan ng bahay. Ngayon, kailangan kong gawin ay tawagan si Eleison at hingin ang kanyang consent.
"Hello sot?"
"Hi Mark!"
"Uhm, may appointment ka ba bukas?" Please Lord, sana wala! Wala! Wala!
"Uhm, wala naman." Ang lakas ko talaga sayo, Bro.
"E 'di pwede na tayong magdate!?" sabi ko.
"Date?"
"Oy, 'sot wag kang magkungwaring nagka-amnesia! Nangako ka! Sabi mo after Acquaintance!"
"Uhm, magkano kaya pamasahe papunta do'n?"
"Sa'n do'n?"
"Ikaw ata may amnesia diyan e! Siyempre sa Star City!? Tungaw ka ba?" ganti niya.
"Hindi na tayo sa Star City, 'sot." Sabi ko. "Binenta ko na kay Jolina 'yong ticket."
"Bakit?"
"Bigla ko lang naalalang takot nga pala ako sa mga rides. Takaw-tingin lang ako." Alibay ko.
"Gano'n ba? Parehas pala tayo. So, sa mall na lang?"
"Wag do'n. Corny."ani ko. "Dami ng gumagawa no'n e. Kain sa labas, movie, meh! Corny!"
"O e saan?" patawa niyang tanong.
"Basta, pupuntahan kita diyan."
"Tama Mark! Punta ka dito. Ipaalam mo lakad natin kay tito. Pupunta kasi sa Pampanga sina April kasama si tita. Baka hindi ako payagan kung walang tatao sa bahay."
"Kelan ba alis nila?" tanong ko.
"Bukas ng gabi." Sabi niya. "Kaya kailangan bago mag-gabi, makauwi na ako sa date natin."
"O sige, ako ng bahala."
Kinabukasan.
'Yong pinaplano kong date sa umaga, hindi nagmaterialize. Bakit kamo? Ang aga kasi; sobrang aga na nagising ni mama sa higaan kung kaya natapos niya 'yong lutuin lagpas tanghalian na. Pero dalawang kaldero naman 'yon. Kumuha na rin siya nang para sa amin kay baka raw wala ng matira pagbalik.
Gamit ang mga bilog na basahan, binuhat ko isa-isa ang kaldero at ipinatong sa loob ng kariton. Hindi lang naman dalawang kaldero laman ng kariton ko; marami pang iba na hindi ko pa dapat ipakita sa kasama.
Mula do'n sa bintana, nakasilip sina lola't mama sa'king pagtutulak. Winagayway ko ang kamay ko at maglao'y sumigaw ng 'Bote, dyaryo!'
Napapangiti ang mga tao habang nagtutulak ako ng kariton. Siguro sa isip nila 'masyado naman atang gwapo 'tong lalaking 'to para maging mangangalakal. Haha! Kung nandito pa sana sa mukha ko 'yong balbas at bigote ko, aba'y pustahan! Walang lilingon sa'kin panigurado.
Lakas rin kasing maka-disente 'tong gupit ko na kahit nakita akong nagtutulak ng karitong may pangalang 'Dagul Mga Ulul', pinapasok pa rin ako sa bilihan ng mga cake at tinawag akong 'Sir'!"
Di ko alam kung magandang ideya ba na ganitong oras ako nag alay-lakad. Ang init kasi, punyeta. Wag lang talagang tumanggi tito ni El kay baka maging incredible Hulk ako nang di oras.
Hanggang sa makarating na nga ako sa lugar nila Eleison, pawisan. Tangina, nakalimutan kong magdala ng extrang shirt at tubig. Di ko naman pwedeng galawin 'yong zesto. Para mamaya pa 'yon. Sumilong na lang muna ako sa tindahan, nag-Sprite at pinaalam kay Eleison na nandito na ang gwapo.
Ilang sandali lang, lumabas ang bansot at dumiretso rito sa silong.
"Mark, pawis na pawis ka!?" puna niya.
"Weh, hindi nga?" pang-aasar ko.
"Halika sa loob." Yaya niya.
"Pwede na kayong tumanggap ng bisita?"
"Magpapaalam ka naman, 'di ba? Pwede 'yon." Sagot niya at inimbita ng sumunod sa kanya.
Hanggang sa abot ng aking makakaya, sinubukan kong wag magpakita ng masamang hitsura. Pa'no ba naman amoy usok dito. Wala man lang bang nag-aalala na baka magkasakit sa baga itong si Eleison? Mas malala pa naman ang epekto ng 2nd hand smoking.
Naka-standing in one leg ang tito ni El no'n, pokus na pokus sa panonood, nang abalahin ni Eleison. Pinapalapit niya ako.
"'To, ito si Mark kaklase ko." Pakilala niya sa'kin.
"Magandang hapon po!" pakikipag-kamay ko. Hindi ako kinamayan. "Hihiramin ko po sana si Eleison, may pupuntahan lang po kami."
"Maraming ginagawa si Eleison sa bahay." Tugon niya, binalik ang atensyon sa baraha ng nasa harap niya.
"'To, nagawa ko na. Nakapagsaing na ako para mamayang gabi at nakaluto na ng ulam. 'Pag po kumain kayo, iwanan niyo na lang sa lababo 'yong mga plato ako na maghuhugas pagbalik." Sabi ni Eleison.
"Aalis sina April."
"Tinulungan ko na po sila sa pag-iimpake." Basa ni El sa iniimply ng tito.
You know what, ayoko 'tong lalaking 'to. Hindi lang sa dahil hindi niya ako kinamayan, ha? May vibe lang kasi siya ng pagka-abusado. Nakakatakot. Except sa part na pinayagan niya nga si El sa wakas. Hello! Birthday niya kaya!? Kapal naman ng mukha niyang ikulong na lang siya rito.
Matapos magpaalam, niyaya ako ng bansot sa labas.
"Mark, dito ka muna maghintay ha? Baka ayaw mo ng usok ng sigarilyo."
"Ayoko nga, 'sot. Ikaw ba, gusto mo?"
"Sanay na ako e." Sabi niya. "O sige ha, magpapalit lang ako."
"Ay hindi, okay na 'yang suot mo. Hindi naman tayo pupunta sa mall e."
"Sigurado ka?"
"Yup."
"Sige. Pero wait lang, may kukunin lang ako sandali sa taas."
Nang makababa, minanduhan ako ni Eleison.
"Palitan mo muna damit mo." Abot niya sa'kin ng kulay pink na t-shirt. Mukhang bago.
"Di sot, okay lang. Patuyo na rin nam-" Hindi ko na tinuloy nang makita kong malapit ng magsalubong kilay niya. "Sabi ko nga e magpapalit na."
Hinubad ko ang damit ko't sinuot ito sa kanyang harapan. Aware ako sa pag-iwas niya ng tingin. Haha!
"Ayan na! Nakapalit na! Tara na." Yaya ko.
"Teka Mark, may kulang pa. Tumalungko ka nga muna sandali."
"Bakit?" lingon ko habang pa-squat na.
"Lalagyan lang kitang bimpo."
"Sot di mo na kailangang gawin 'to."
"Tungaw, ang init-init o!? Wag ka ng umapila."
Nang ma-satisfy na sa ginawa niya sa'kin, pinatayo niya na ako.
"So, sa'n na tayo?"
Pinuntahan ko ang pinark na kariton at tinanong,
"Ikaw, sa'n tayo?"
"Teka, ikaw may dala niyan?"
"Hm! Ito date natin. Mamimigay tayong ginataan sa mga streetfamily."
Napatakip siya ng bibig.
"Seryoso ka ba?"
"Yup." Sabay dagdag nang pabulong, "Seryoso ako sayo."
"Mark, tungaw ka! Ibig sabihin tinulak mo 'to mula sa inyo hanggang dito?" lapit niya sa kariton at nang-usisa.
"Alangan namang i-dyip ko 'to, 'sot!" biro ko.
"Ano ba 'tong nasa kaldero?" tanong niya, binuksan rin naman. "Ginataan!?"
"Si mama pinagluto ko niyan!"
"Hala, e kaninong pera pinangbili niyo?"
"Yon ngang ticket na binenta ko kay Jolina. Pinambili ko ng pangginataan."sabi ko. "At uunahan na kita, wag mo 'kong bayaran. Sasapakin talaga kita." Pananakot ko. Alam ko na ugali niya e.
"Pero Mark, wala akong naiambag!"
"Sot, hindi naman parating monetary ang kailangang iambag e. Yang time mo, 'yang willingness mong sumama sa'kin para i-rasyon 'to!? Sapat na 'yan bilang ambag, okay?"
"Salamat Mark! Excited na ako! Do'n muna tayo sa Valencia Street. Marami do'n!"
"Okay, Valencia Street here we go!" pihit ko sa kariton pakaliwa. Tinabihan ako ni Eleison at nagtulak din.
"Tapos do'n Mark, do'n naman tayo sa may istasyon ng tren. Tapos..."
Ang ganda ng naisip kong date! Ayos! Haha!
Nang makarating na kami sa Valencia Street na sinasabi niya, tumakbo siya papunta sa mga bata at pinapapila dito sa harap ko.
"Kuya, kuya sino siya!?" kalabit no'ng batang gusgusin kay Eleison samantalang nakaturo sa'kin.
"Si kuya Mark mo 'yan, Abet."
"Magkapatid kami?"
"Sa pananampalataya, Abet. Sa pananampalataya." Sabi ko.
"Mga bata, nandito si kuya Mark para magpa-meryenda. Pila kayo nang maayos para mabilis tayo, okay?"
"Yay! Thank you kuya Mark!"
Alam mo 'yong hindi ka makapagsalita dahil ang gusto lang gawin ng mukha mo ay mangiti sa pasasalamat na naririnig mo. Tangina, ang sarap sa pakiramdam.
Ang siste namin ni Eleison e ako ang taga-sandok, siya taga-abot. At sa bawat bata't matatandang mabibigyan, hindi nawawala ang mga salitang 'thank you' at 'salamat'. May isa pa nga ro'ng tumawag sa'ming Brothers. Akala ata mga seminarista kami.
"Mark, ayos ka lang?" kamusta sa'kin ni El sa gitna ng pagsasandok.
"Ayos!" thumbs up ko pa.
Alam mo sa lugar na 'yon halos mangalahati na ang isang kaldero. Super mass feeding! Hehe! Nang mabigyan na namin ang lahat (almost), inikot ko na ang kariton kay baka ma-ticket-an pa kami nang di oras.
"Ingat kayo kuya Mark! Bagay po kayo ni kuya El!"
"Thanks my man!" lingon ko sa batang kulot na sa unang tingin ay mukhang Afro.
"Sa'n na uli tayo?"
"Do'n sa may istasyon ng tren, Mark."
Alam mo yong kanina pa kayo naglalakad/nagtutulak pero tila wala (pa) kayong nararamdamang pagod? In the same way kapag nagluluto si mama at hindi siya nakakaramdam ng gutom. Gano'n 'yong pakiramdam ko no'n. And I think gano'n din si Eleison dahil sa tuwing tumitingin ako sa kanya, hindi nawawaglit ang ngiti niya.
Ayon, after namin sa istasyon ng tren, simot, limas ang isang kaldero! May mga nadaanan din akong street family no'ng tinatahak ko ang ruta kina Eleison and sure as hell, game na game siyang puntahan ito.
Actually 'yong lugar na 'to pabalik na sa bahay e. Para once na maubos na, konting distansya na lang ang itutulak ko sa kariton. At the same time, makapagpapahinga pa kami sa bahay.
Kulang ang nabili kong styro cups gawa ng hindi namin natanto na ganito karami ang mabibigyan. Kaya naman, pinakuha na lang namin sila ng tasa o di kaya mangkok para mabigyan ang mga nakapila.
Alam mo 'yong nakakainis lang? 'Yon bang ang linis-linis ng intention niyo tas etong may magtatanong ng,
"Para saan 'yan? Bakit niyo ba 'yan ginagawa?" At sa tuwing tinatanong yan, ako ang pinasasagot ni Eleison. Hindi naman dahil sa hindi niya alam o tinatamad lang siyang sumagot, kundi binibigyan niya ako ng chance i-express ang sarili. Pero bakit nga ba? Para makaramdam ng saya? Para masabing may kaya?
"Gusto lang po namin magbigay." Sabi ko.
"May camera'ng kumukuha sa inyo, ano?"
"Ay wala po! Wala kaming camera man na taga-kuha ng ginagawa namin. Hindi naman kasi 'to pakitang tao o pakitang gilas lang e. This is out of love."
"Na-realize niyo bang hindi niyo natutulungan ang mga taong yan maghanap ng makakain? Kinokonsinti niyo sila na maging batugan. Pinapaasa niyo sila sa mga kakarampot na abuloy niyo." Puna pa ng isa.
"Mawalang-galang na ho sa inyo, ano? Pero kayo ho ba, ano naitulong niyo? Siguro nga kakarampot lang 'tong ginataan; siguro nga hindi namin sila matutulungang makakita ng hanap-buhay. Pero kung magmamalasakit ka ba sa kapwa, importante ba kung kakarampot o hindi? Hindi ba dapat ang mas pansinin natin e yong effort, yong time na ginugol ng tao mapagsilbihan lang ang kapwa? Voluntaryo po ito. Own initiative. Kung sa tingin niyo e pakitang-tao lang 'to, kayo na bahala mamroblema no'n."
"Pero nakakapangliit 'yang ginagawa niyo. Ang dating e sino-solidify niyo sa kanila na mahirap sila at ito ang dapat sa inyo - ang kahabagan, kaawaan. Kasi mahihirap kayo."
"Naririnig niyo po ba ang sarili niyo?" ang tanong ni Eleison. "Kayo po ang gumagawa ng label sa pagsasabi niyo niyan. Hindi po dahil mahirap sila kung kaya kami namimigay, kundi dahil sobra ang pagmamahal namin sa sarili na nais naming 'tong ibahagi sa iba." Ipinatong ko ang kamay sa balikat ni Eleison and take it from there.
"Lahat po tayo ay parte sa blueprint ng isang napakagaling na Arkitekto. Ang iba marahil malaki ang kontribusyon, ang iba marahil maliit. Pero hindi ibig sabihin hindi sila gano'n ka-importante to the point na hindi sila pagmalasakitan."
Panandalian po tayong tumigil mga kapatid sa pananalig at pagnilayan ang katanungang, 'Ako ba talaga nagsabi no'n!?' Sh!t! Ayoko maging pastor!
Hindi na nang-usisa pa 'yong ale at tahimik na lang umalis. Samantala, pinagpatuloy naman namin ang pamimigay ng ginataan hanggang sa maubos na ito. Magga-gabi na rin no'n. At naisipan naming tumigil muna sa tabi ng kalsada at magpahinga.
"Mark, bakit ito naisip mong date?" aniya, pareho kaming nakaupo sa gilid ng kariton at nakatingin sa kulay orange na langit.
"Actually sot, nagpatulong ako kina Nat at kuya Eiji." Sabi ko. "Payo nila, ilagay ko raw ang sarili sa katauhan mo at tanungin, 'Ano ba makapagpapasaya kay Eleison? 'Yong interesado siyang gawin? Then naalala ko yong talinghaga mo no'ng nandun tayo sa school ni Thadeuss. Yong tungkol sa wifi - at kung gaano mo gusto na lahat e maka-connect, walang password whatsoever. Kaya naisip ko 'to."
"Wow, Mark! Nagpapasalamat ako sa Diyos na may mga taong katulad mo. 'Yon bang may malasakit sa kapwa. Sana ipagpatuloy mo 'yan. Marami kang matra-transform na buhay." Tapik niya sa balikat ko.
"Ang totoo niyan 'sot, kagagawan mo lahat 'to e." Amin ko. "Bago kita makilala, hindi ako 'yong ganitong magtutulak ng kariton, magma-mass-feeding, gagastos, mag-aaral ng bibliya para sa iba. But you changed me. Trinansform mo 'ko. Sure, may mga bagay na likas na sa'kin tulad ng pagiging pasaway, 'yong manghalik nang 'di nagpapaalam' but these are nothing compared to what you have made me - a better person. At thank you para do'n." Tapik ko rin sa balikat niya.
"Ginawa mo rin akong better person, Mark." Angat niya ng tingin sa'kin. "Tinulungan mo 'kong makipagsalamuha at magtiwala sa mga tao. Hindi mo siguro alam pero, Mark, niyaya mo 'kong magdate sa araw ng kapanganakan ko."
"Wait, birthday mo ngayon!?" Kungwari di ko alam.
"Ito raw 'yong araw na ipinanganak ako e." Sabi niya. "Para sa'kin ordinaryong araw lang 'to. Kahit noon. Hindi siya espesyal. Pero ngayon, masasabi kong ito ang pinakamakabuluhan."
"Sot, 'di ba ikaw nagsabi sa'kin na magsaya dahil buhay ka!? Pa'no mo nasasabing hindi espesyal ang kaarawan mo? Blessing ka sa mga tao, 'sot. Sa akin, espesyal ka."
At nginitian niya ako. "Salamat, Mark."
"Pikit ka."
"Bakit?"
"Basta, pikit ka."
Habang nakapikit nga si Eleison, nilabas ko ang kinatagu-tago kong cake at nilagyan ito ng palito.
Kumanta akong 'Happy Birthday' ilang saglit lang.
"Ugh! Mark!!! Nakakainis ka!" lagay niya ng kamay sa mukha. "Ba't ang hilig mong manurpresa!?"
Pinahawak ko muna ang choco roll sa kanya para masindihan ang palito. Then kinuha ko uli.
"Magwish ka na dali!" sabi ko. "May pag-aalsa na sa tiyan ko o."
Pumikit si Eleison at sandaling nanahimik; pagdilat niya, tsaka siya umihip.
"Magkano ginastos mo dito?" punas niya ng luha.
"Tigilan mo 'ko 'sot, ha? Makakasapak ako!" sabi ko sabay kuha ng paper plate at fork.
"Oh, galit-galit muna ha?" biro ko samantalang kumuha na ng kalahati. Haha! Alam mo 'yong pakiramdam na kaya mong kainin 'to ng isang lunukan lang dahil sa gutom!? Haha! Gano'n ang peg ko no'n.
"Sot ang sarap 'di ba?" kausap ko. "Originally ang bibilhin ko dapat e mocha roll. Kaso baka ayaw mo kaya naisip kong do'n na lang tayo sa mob's favorite na choco roll. Di actually bias ko ang choco roll! Haha! Pero masarap din 'yong caramel, 'yong ube, atsaka 'yong-"
Nahinto ako sa kadadada nang walang abiso, walang pakundangan, walang ayuda ni walang babala na ako ay hahalikan ni Eleison.
"S-sot?" lingon ko sa kanya, ang kamay naandon sa pisnging may latay. "B-bakit mo 'ko hinalikan?"
Pinagmukha niya muna akong tanga no'n; kungwari walang naririnig, kain lang ng kain. Hanggang sa lingunin niya rin ako at sinabing,
"You deserve it, Mark."

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon