Yogurt says 14
Mark's POV
'Di ko alam sa inyo, guys, pero para akong bagong tao magmula no'ng niyakap ako ni Eleison sa hallway ng dati niyang simbahan. Feeling ko isa akong hero; isang prinsipe. At siya ang aking damsel in distress. Pero ako, hindi ako sigurado kung gano'n din ba ang 'feeling' niya – na siya ay damsel in distress at ako ang Prince Charming niya.
Hindi kasi talaga siya mahilig magbigay ng clue e. At kung magbibigay man, basa mo na kaagad 'yong 'Friends only' na bumper sticker. At parati niya akong dinidikitan no'n nang di niya nalalaman. Matatanggap ko kung sa lahat ng lalaki, ganyan siya; pero kung may maswerteng animal man na nakalagpas sa level na 'yon nang walang ka-effort-effort aba'y mamalasin muna 'yon sa'kin.
So far, wala namang umaaligid kay Eleison.
'Yan ang akala ko.
Itong Martes lang may gustong humamon e. Mautak ang loko; hindi nag-iwan ng pagkakakilanlan. Screen name man ang ginamit sa pagsulat ng "liham". Tama kayo. Isang halimbawa nga ng ka-jolog-an ang natunghayan ko.
Pero ganunpaman, kailangan kong gawin ang part ko – inspection-in ang mga bagay na may kinalaman sa kaibigan ko. Ang iba, tawag dito pangingialam. E 'di wow sa kanila. Concern lang ako sa kaligtasan ni Eleison, 'no!? Malay mo bomba pala 'to dinisguise lang as 'letter'!? Gano'n 'yong sa mga napapanood ko e. 'Di actually curious lang ako kung anong makikita ko kaya ko binasa. Hehehe!
Ewan ko rin ba, nasubsob ako sa pagbabasa na 'di ko namalayang nasa harapan na pala ang bansot, binabasa ang addressee na nasa kabilang side lang ng papel.
"From Sakuragi Pogi-san to... Eleison-san?"
"Hi! A-and'yan ka na pala!" bati ko samantalang patarantang sinuksok ang papel sa aking likuran.
"Para sa'kin ba ang letter na 'yon?" tanong niya, sinubukan akong kapkapan.
"H-hindi a! A-akin 'to!" sabi ko sabay atras. Bwisit. Kailangan kong sunugin 'to. The sooner the better. Kaso may problema.
"Yup, bessy! Sayo nga." Kuha ni Jolina sa sulat sabay abot nito kay El nang walang pakundangan.
At dahil hawak niya na ang papel, wala na siyang napapansin. Nilamon na siya ng liham samantalang ako nilalamon ng inis sa tuwing magkukulay rosas ang kanyang pisngi't ngingiti ng matamis.
Napasadahan ko naman 'yon nang mahusay para magkamali pa ako kung tungkol saan 'yon, no!? Tungkol 'yon sa paghanga no'ng nagsulat kay El noong Sabado.
Ang kwento: Nagba-basketball daw sila ng mga tropa niya nang lumabas ang bola't napunta do'n sa mga batang nakapila. No'ng ininstrution-an daw ni El ang mga bata na 'ibigay na kay kuya' bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya (ugh! Corny); matapos no'n, sila El tuloy-tuloy na sa pagpasok sa classroom pero siya nakatayo pa rin do'n sa pwesto niya, nakanganga. Na-"wonderstruck" raw siya kay El dahil ang buti at ang bait niyang tao. At nag-p.s pa ang gago; gusto niyang maka-date si El. Oo bukas. Bukas kaagad. Depvta, uunahan pa ako!?
"Sino 'tong Sakuragi na 'to, Mark? May kilala ka ba?" tanong niya sa'kin, hindi pa rin nawawala ngiti niya sa mukha. Ano kaya kung pisilin ko nang mawala?
"'Bay ewan!? Ba't ako tinatanong mo!?" tugon ko, lumabas tuloy pagka-suplado ko.
"Teka sandali, ba't ikaw diyan ang parang galit, ha?" puna niya, pinindot ako sa braso. "'Di ba Mark ako dapat ang magalit sayo kasi binasa mo 'yong letter nang hindi sayo?"
"Wow ha, parang hindi kayo nangialam no'ng nasa kwarto ko kayo ha!?" alala ko. "Ikaw kaya nagalit imbes na ako!? Kwits na tayo!"
"At least 'yong galit ko may rason. E ikaw, tinatanong ka lang diyan e nag-init na ulo mo!?"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...