Season 2: Yogurt says 23

4.7K 240 76
                                    


Eleison's POV

Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ko ba si mama para bumangon. Alam kong kailangang-kailangan niya ng tulog. Lalo na no'ng hindi lang pang-hele ang ni-request ko kagabi. (Pati rin bedtime story.)

Pwede ko naman siyang samahang mahiga maghapon. Pero tulad ng nais ko noon pa man, gusto ko siyang pagsilbihan, "bumawi" in a sense. Dahil marahil sa kumbento walang nagsisilbi sa kanya; ibig kong sabihin ba e yong kung gusto niyang kumain, walang pwedeng magsandok sa kanya liban ang sarili niya.

Pero hindi na siya madre; nanay ko na siya. Ibibigay ko ang nararapat sa ina - pag-aaruga.

At sinimulan ko sa pagsasaing.

Hindi natansya ni April ang takal sa bigas kung kaya marami ang natira. Sinangag ko 'to at pinartner dito ang dala ni mamang de lata.

Para sa lahat ang niluto ko pero para kay mama lang ang sinerve ko sa tray. May kasama na rin yong gatas at prutas sa magkabilang dulo.

Sa unang tingin, ang sweet. Breakfast in bed e. Give back ko sa Dinner in bed niya sa'kin kagabi. Pero ang totoo, kaya ko siya hinatiran ay dahil ayokong makasabay nila si tito sa agahan.

Ako ang naiilang sa tuwing makikita ko 'yong pagpapanggap nila; basang-basa ko e. Ayoko rin namang lumabas na kontrabida kung maya't-maya pupunahin ko kinikilos nila. Hanggang maari, nagbababa na lang ako ng tingin.

Ang tingin ni mama no'ng dinalhan ko siya ng tray ay naabala niya ako. Pero in-assure ko siyang 'hindi'.

"Sinadya ko talaga to." ang sabi ko, maingat na sumampa sa kama.

"Sana nagsandok ka na rin ng sa iyo, anak. Sabay tayo."

Gusto ko ang ideya kung kaya tumayo ako't madaling sinunod si mama.

"Sabado ngayon 'son, 'no?" tanong niya nang makabalik ako.

"Opo, ma. Bakit?"

"Wala kang klase?"

"Wala." Sabi ko. "Pero pumupunta ako sa school after lunch para sa catechism. Dati."

Kinalaki 'yon ng mata ni mama.

"Nagfafacilitate ka ng katekismo, 'nak?"

"Dati Ma." ang malungkot kong hayag. "Ngayon si Mark na lang ang nandon."

"Anak, nararamdaman kong gusto mong magturo. Bakit ka huminto?"

Hindi ako huminto. Pinahinto ako. Ang totoo gusto ko pa rin talaga magturo. Hindi yon mawawala. Pero ayaw na ni ate Ana. At hindi ako manhid upang di makakutob na "pumayag" lang siya no'n dahil sa pangungulit ni Mark. Pero kung kami lang talagang dalawa, mabilis pa sa alas-doseng tatanggalan niya ako ng karapatan sa mga bata.

"Hindi ako ang masusunod e." siwalat ko kay mama. "Ipagpalagay na lang nating parang ikaw ako, may mother superior rin. I mean, wala akong galit sa mga mother superior Ma, ha? Yong word lang na "superior" ang concern ko. Coincidence lang na babae ang tinutukoy ko kaya tumugma ang 'Mother'. Kung susuriin mo kasing mabuti ang title na 'superior' ibig sabihin kailangan mo siyang sundin. Hindi mahalaga ang opinyon at damdamin mo." Paliwanag ko.

At ang isa, dalawa, tatatlong tango niya'y nangangahulugang nakuha niya ang nais kong iparating.

"Pero baka pwede ka namang dumalaw?" aniya na siyang nagpaaliwalas ng mukha ko.

Bakit hindi!? Bawal nga akong magturo pero pwedeng-pwede akong dumalaw.

"Ma, maganda 'yang naisip mo. Dalawin natin sila." sabay, "Uhm, para makita mo na rin si Mark."

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon