Mark's POV
Di ko alam ba't ako ang nahiya nang matagpuan ko sina Ana't Eleisong nagrarambulan. Humahanga ako na naawa sa bansot dahil di siya pumatol; nagagalit naman ako't naiinis kay Ana dahil panay ang pananambunot niya.
Of course, inawat ko sila. Si Ana, hinila ko palapit sa'kin para makawala ang isa. Pero ba't ganon, parang napasama ako kay Eleison? Sa usli kasi ng nguso niya para bang may pagkampi kuno ako kay Ana, kahit wala naman.
Sinubukan ko siyang lapitan pero binalaan niya 'ko. Wag ko raw sundan. Hindi 'yon tono nang nagpapasuyo. Tono yon ng seryoso, 'galit-ako' na tao kaya sinunod ko.
Inimbitahan ko naman si Ana sa labas para magpaliwanag. Pero ang tanging maliwanag lang sa'kin no'n, matapos ng mga pasubali niya ay nagseselos siya, na hindi naman dapat.
"Lalaki pa rin si Eleison, Mark. He ought to be stronger than us female." Sabi niya. And besides, hindi naman disabled ang taong 'yan para asikasuhin mo. Wag mo siyang ituring na prinsesa." Technically, ang mga PLHIV ay kino-consider ng gobyerno na PWD kaya hindi ko ime-merit ang sinabi niya. Pangalawa, hindi porket lalaki ka hindi ka pwedeng magpakita ng vulnerability. Pangatlo, gagawin kong prinsesa ang taong naging parte ng buhay ko.
"Ana hindi mo na problema yon!? Ginagawa ko 'to kasi gusto ko." Sabi ko. "Nasubukan mo na bang magmahal, ha?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Ana. Aaminin ko, parang na below the belt ko siya no'n dahil no'ng sagutin niya 'ko kalaunan, may kurot sa boses niya.
"Oo naman." Aniya. "Hindi nga lang siguro kalalim tulad nang sayo." Kanyang napagtanto.
Sa mga oras na 'yon, niyakap ko na lang siya.
"I'm sorry Ana. I love you. Alam mo naman 'yon e. Panigurado akong naging makulay ang childhood natin noon. Sana wag masira ngayon dahil lang sa mga preferences ko. Hayaan mo na lang ako."
Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita.
"Tama ka Mark. Colorful nga ang childhood natin. So colorful I thought we'd end up together. Lagi tayong inaasar nila tito't tita, ni kuya Buknoy, na kesyo bagay daw tayo. But I now learn, and in a hard way, na may mas bagay pala sayo. At hindi pala ako 'yon. Of course, I love you. Always. Still. But I guess now I have to do that from a distance."
Pinupunasan ko mga luha niya pero parang ayaw mawala. Ngumingiti siya pero alam kong nasaktan siya.
"Sige na, Mark. Mauna na ako." sambit niya. "I will let you be from now on. This will be the last time na mangingialam ako sayo. Sa inyo."
"Thank you, Ana."
"Bye."
"Bye."
Nginitian niya ako one last time bago siya lumiko sa isang corridor. Ewan ko ba, mabigat ang loob ko na ako pa ang nang "basted" sa kanya but at the same time, may saya dahil finally tanggap niya na na hindi kami para sa isa't isa.
At ngayong tapos na ako kay Ana, si Eleison naman sana ang kakausapin ko. Kaya lang, feeling ko ayaw niyang gawin ko 'yon.
Wino-work out ko ng wag maging obsessed sa bawat kilos niya, okay? Yon kasi 'yong rason kung bakit tingin ng iba, sunud-sunuran lang ako. So instead na mag-alala sa wala, ginawa ko lang din 'yong mga usual kong ginagawa - kwentuhan kasama ng mga kaklase at trashtalkan sa ML. After no'n, diretso akong unit, nag-eexpect na may bansot akong makikita.
Ngunit nakaluto na ko't lahat-lahat, ang bansot wala pa. Tuloy, nagsisimula na akong mainis. Alam naman niyang kailangan niyang uminom ng gamot on time, hindi pa bumabalik. Kung pwede lang ako uminom nito para sa kanya e, ginawa ko na.
Since di na 'ko nakatiis, dinukot ko na sa bulsa cellphone ko para sana tanungin, in caps lock mode, kung saan pa siya nagpupu-punta. Nang biglang bumukas ang pinto't nakita ko siya.
"Uy tungaw, sorry ha!? Namili pa kasi ako ng prutas diyan sa baba. Isa lang ang kahera Kaya natagalan."
Agad naalipula ang inis ko't napalitan 'yon ng pagtataka. Sa totoo lang kasi, hindi yan ang inaasahan kong entrance niya. Ito ang mga expectation ko:
1. Magdadabog, hindi ako papansinin.
2. Manghahampas, magmumura.
"Anong nakain mo?" tanong ko.
"Wala pa nga e." sagot niya sabay labas ng prutas sa supot. "May makakain na ba?"
Para bang nakalimutan niyang may kaaway siya kanina. So ako naman kahit beweirded, naglabas Ng plato bilang tugon sa tanong niya sabay nangulit uli.
"Parang iba ang aura mo ngayon kumpara kanina!? Anyare? Share mo naman 'yan!?"
At ito ang na-deserve ko,
"May nakilala kasi akong guy..." Do'n pa lang nagpantig na tenga ko. Hindi ko alam kung timing bang huminto siya at ako nama'y napatingin.
"Tapos?" Pinipigilan kong wag magsalubong ang kilay. Alam ng Diyos yan.
"He wants me to be his boyfriend."
Nahinto talaga ako sa pagsandok ng kanin.
"Tangina, kakakilala niyo lang, ang gusto boyfrien(d)en ka agad!?" Sabi ko sabay duro ng sandok. "Layuan mo 'yan. Fuccboi 'yan."
"Actually he's a nice guy." Ang pagtatanggol pa niya.
"Kaya pala glowing ka."
"I know right!? At alam mo kung anong common namin sa isa't-isa?" Hindi ako sumagot. Alam kong sasabihin pa rin naman niya e. "Pareho kaming positive."
"Nang dahil lang do'n sasagutin mo na!? Bigwasan kaya kita, 'no!?" Ang naiinis kong upo sa tapat niya.
"Ikaw kaya bigwasan ko!? Sinong nagsabing sasagutin ko!?" Ang balik naman niya. "Siguro nag-go-"glow" ako kasi may nakita akong tao na pareho ang situation sa'kin na nagta-thrive sa buhay. Careless siya yet at the same time, careful. Careless kasi wala siyang paki sa sasabihin ng iba. Careful kasi alam niya na kung anong dapat iwasan. And that's goal."
"So, hindi kayo? Walang kayo? Walang espadahang naganap?"
"Grabe, ganon na ba karupok tingin mo sa'kin!?" Bato niya sa'kin ng pambalot ng apple.
"Advance ako mag-isip e." Sabi ko.
"Well, very wrong ka diyan. We did not have sex, okay?" Sabi niya. "Atsaka at this point in time, parang na-trauma na 'ko sa sex. Parang ayoko ng gawin 'yon for fun or for fvcks sake."
Napasandal ako't napalagay ng kamay sa baba.
"Natutuwa akong mas sober ka na."
"I think it's because of you." Sabi nito. Gago, syempre kinilig ako. "That guy made me realize how lucky I am na may kaibigan akong gaya mo."
"Pa'no mo nasabe?"
"Well, una, masarap kang magluto. Do'n palang panalo na." compliment niya sa hinanda ko. "Ikalawa, yon ka e. Good guy ka talaga. You care so much. Although technically mas may alam 'yong Jerry when it comes to handling PLHIV, I still prefer you."
"Bakit?" tanong kong nakapangalumbaba.
"Hm, Kasi I feel safe around you. Wala naman kasi sa hitsura mo ang pumatay ng tulad ko, tama ba?" pabiro niyang tanong.
"Yon ang akala mo." Sabi ko sabay tawa nang makita ko paglaki ng mata niya. "Sabihin mo sa suitor-suitor-an mong yan, ha!? Di porket may alam siya, hindi ko yon pwedeng matutunan."
"Speaking of suitor, may tanong ako." Tigil niya sandali. "Am I... jowable?"
Muntik na akong mabilaukan. Ilang sandali lang,
"Masyado ba akong girly or should I have to front tougher? Papano kaya 'pag nalaman niyang may HIV ako, will that make him think twice? What if-" Narindi ako e kaya tinakpan ko bibig ni Eleison. Kung saan-saan na kasi siya napapadpad.
"Sot, love-able ka, okay? Di mo kailangang mag-inarte nang di totoo sa kalooban mo." Sabi ko. "Kung gusto mong magsuot ng hair band, pony tail, sige lang. Kung ayaw mo, okay lang din. Hindi lahat ng tao, mape-please mo. And it's never your job to do so. Just be you. May nagmamahal at magmamahal sayo nang hindi pupulaan pagkatao mo o ang status mo."
Katahimikan habang nag-a eye to eye.
"In fairness, ang baho ng kamay ha? Sa'n mo ba hinawak yan!?" Alis niya sa kamay ko. O diba, ang ganda ng tugon. Grabe. "Pero kidding aside, na-touch ako. You really know how to tug a heart. Baka mahulog ako niyan, sige ka!" suntok niya say braso ko.
"O ba't ayaw mo magpahulog?" haplos ko sa braso. "Sasaluhin naman kita e."
"Ayokong sadyain." Ang sagot naman niya. "Never sinasadya ang mahulog. Pero ang sumalo, 'yon sinasadya 'yon."
Hindi na ako umimik pa. Di ko alam isasagot do'n.
Pinalipas muna namin ang isang oras sa panonood ng anime na impluwensya ni Jolina. Nakasandal ako sa sofa, siya nakasandal sa'kin. Of course, hindi siya sumandal nang sadya. Ako dumiskarte para mapasandal siya.
Hindi ko man tahasang inaamin pero gusto ko 'yong porma naming 'yon. Gusto ko 'yong nararamdaman kong init na nagmumula sa kanya; gusto kong nagugulo at naamoy ang buhok niya. Gusto ko siya para sa'kin. At hindi 'yon sadya.
Kaso parang buo na ang desisyon niyang kaibiganin lang ako. Kung kelan nahuhulog na e. Okay naman ako do'n. Pero ang tanong, hanggang kelan?
Sa kalagitnaan ng panonood, tumunog cellphone ko. Alarm ko yon na nagsasabing painumin na ng gamot si Eleison. So nagpaalam ako. Pagbalik ko sa kanya, may takot akong nakita sa mata niya.
"Sabay-sabay ko ba talagang iinumin 'yan?"
"Prescription 'to ng doktor, sot. Strictly, kailangan mong sundin at wag pumalya."
Kinuha niya ito sa kamay ko't isa-isa iyong ininom nang nakapikit. Pagkatapos ng huling tabletas, ibinigay niya sa akin ang tumbler, dumiretso na ng kama't nagtalukbong.
"Nasusuka ako." sambit niya.
"Hindi pa nga natutunaw e. Kaya mo 'yan." tapik ko pa bago ibalik sa medicine cabinet ang mga gamot niya.
Dinim ko ang main light sa unit para yong mga pinhole lights lang ang nakasindi.
Ginoodnight niya ako. Ganon din ako sa kanya. Pero ang totoo, nakaupo lang ako sa sofa't gwinagwardiyahan siya.
First 30 minutes wala akong napapansing kakaiba sa kanya. Still pa rin siya sa ganoong posisyon. So bilang pampalipas oras, nagbasa muna ako ng mga post sa isang HIV group sa Facebook.
Inaanticipate ko na ang mga mangyayari matapos niyang inumin ang gamot at ano ang maaari kong gawin. Sa totoo lang, hindi masyadong nakakatakot ang salitang 'Hallucination', 'Nausea', etc sa mga post. Hanggang sa masaksihan mismo ito ng mga mata ko na nangyayari kay Eleison.
Napansin kong hindi na mapakali si Eleison. Natanggal ang pagkakatalukbong sa kumot. Pinagpapawisan siya. Hanggang sa maya-maya,
"Aaaahhh!!!! Tulong! Nalulunod ako!"
Agad akong sumampa sa kama't pinakakalma siya.
"Sot, di ka nalulunod. Nasa kama ka lang."
"May mga pating, Mark! Lima! Ayoko pang mamatay, Mark! Humingi kang tulong!" Walang patid ang agos ng luha niya.
Alam ko na ng mga oras na 'yon na nagti-take effect na ang gamot. Kailangan kong kumuha ng tubig at painumin siya nito nang marami. 'Yon kasi ang suggested action. Pero paano kung nakakapit siya sa'kin nang mahigpit?
"Sot, may kukunin lang ako sandali." Ani ko.
"Mark!? Wag mo kong iwan! Baka kainin ako!"
"Nasan ba ang mga pating?" tanong ko.
At tinuro niya ito habang siya ay nakapikit.
"Okay, ganito, may plano ako." Sabi ko, hawak siya sa ulo. "Dito ka lang muna at ililigaw ko sila. Okay ba 'yon?" Alam ko parang inuuto ko lang si Eleison. Pero sa kondisyon niya, ang mga nangyayari ay parang totoo.
"Bumalik ka, ha!?" bitaw niya sa braso ko.
"Promise. Babalik ako." Binilisan ko ang kuha sa tumbler at agad bumalik kay Eleison.
"Andito na ako." Sabi ko. "Uminom ka muna o."
"May gana ka pang uminom nasa panganib na tayo!?"
"Nailigaw ko naman ang mga pating, e."
"Pero hindi pa rin kumakalma ang alon! Malakas pa rin. Lalamunin tayo ng buhay."
"Kaya nga kailangan mong uminom! Hindi kakalma ang alon hanggang di ka kumakalma. Ikaw lang may control sa alon." Sabi ko. Maiintindihan ko kung hindi niya ako maunawaan. Medicated siya e. Impaired ang senses. Pero the fact na kinuha niya ito't ininom ay nangangahulugan lang na gusto niyang lumaban. At humahanga ako ron.
Nang maubos niya ang laman, inilapag ko ang lalagyanan sa sahig tsaka siya inayos sa kama.
"Nahihilo ako, Mark." Sabi niya. Nilapat ko ang mga daliri ko sa noo niya at sinimulan siyang hilutin. Humuhuni rin ako para dalawin uli siya ng antok.
Di katagalan, nakatulog na rin siya. Balak kong bumalik sa sofa para magpahinga na rin pero tulad kanina, nakapulupot ang katawan niya sa braso ko. So, inaasume kong dito niya ko gusto mahiga. Sa tabi niya.
Di ko alam kung anong oras ako nakatulog at anong oras ako nagising. Tanging alam ko lang, nakakumot ako at may tanday na na unan. Ako na lang din pala ang nasa kama.
Nilibot ko ang paningin habang nag-gugusot ng mata. At doon sa kusina'y natagpuan ko si Eleisong di umano'y nagluluto. Na naman.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong kong nakaakbay nang aking lapitan.
"Okay naman." casual niyang sagot habang naghihiwa ng patatas. Corned beef ang binabalak niyang pag-eksperimentuhan.
"Naalala mo pa pinaggagagawa mo kagabi?"
"May ginawa ba ako sayo!?" Lingon niya. "Baka ikaw ang may ginawa sa'kin!? Hindi naman siguro kita kinaladkad sa kama para makatabi lang, diba?"
"Hindi." Sabi ko.
"E di ikaw nga ang may ginawa!?" conclude niya. "Wag ako, Mark." Galing niya. Grabe.
"E nagha-hallucinate ka kaya!? Pinakalma lang kita, no!? Atsaka gustuhin ko mang bumalik sa sofa ayaw mo namang pakawalan braso ko." Sabi ko. "Ang clingy mo kaya." bulong ko pa.
Napangiti lang siya. Yong ngiting guilty.
"Pero para talagang totoo, Mark." Sabi niya. "Para akong nanonood ng 3d film."
"Totoo. Lakas kaya ng tama mo!?" biro ko.
"Hayup 'to. Tawang-tawa ka siguro, 'no?"
"Hm, konti lang." Sabi ko. "Pero kung si Jolina nakasaksi sayo, baka may video pa."
Tawa ako nang tawa no'n na di ko man lang naramdaman ang paglapit niya't pag-usisa sa mukha ko. Napalunok akong laway e.
"Hala, ang eyebags mo, Mark. Tsk.Tsk." sampal niya sa'kin nang mahina. " Magbagong buhay ka na, uy. Wag puro pornhub."
"Hoy, pornhub pinagsasabi mo!? Wag mo ngang nilalason utak ko." Sabi ko. "Di ba pwedeng nagka-eyebags dahil nagbantay sayo!?"
"Aww. Ang sweet naman pala this guy. Kaya bilang pasasalamat, pinagluto kita nito." pakita niya sa'kin ng obra niya. "Wag ka mag-alala. Masarap yan. Siguro."
"Hindi ka sure?"
"Well, it comes from the heart. That's for sure."
So tinikman ko, tulad ng pagtikim ni Adan sa inalok ni Eba'ng mansanas.
Masarap, sabi niya.
Nalinlang niya 'ko ro'n.---
Hi guys! If you're reading this, thank you.
I miss writing so much so listen to these tracks:
*GTFO
*With You
*The Distance
*A No No
It's from Eiji Lastimosa's favorite diva: Mariah Carey
The Album "CAUTION" is out Nov. 16.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...