Mark's POV
Pagkagat ng dilim, dumako na kami sa inaabangan kong non-related activity - ang paggawa ng bonfire!
Malaking bonfire talaga ang naro'n sa quadrangle as in! Singkwenta katao nakapalibot e.
Lahat kami may kanya-kanyang stick at pakete ng white marshmallow.
Uulitin ko tong sabihin, napakalaki ng production budget ng Youth Camp na hindi maaaring walang binayaran dito maski singko.
May tendency na maglihim 'tong si bansot kung kaya naman, kinonpronta ko siya sa ibang paraan. This time, magkatabi na kaming naka-indian sit.
"Magsabi ka nga sa'kin, sot, magkano binayad mo dito?" diretsahan kong tanong habang nagtutusta ng mallow.
"Ha? W-wala." iling niya nang makailang beses. "Sabi ko naman sayo, Mark, nilibre tayo ni Thadeuss."
"Ihahagis kita sa apoy, magsabi ka ng totoo!"
"Ihahagis mo rin pala ako e, ba't pa 'ko magsasabi ng totoo!? Haha!" pamimilosopo pa ng loko.
E, hindi ako natawa. Ayon, tinigil niya na rin pagtawa.
"Hawakan mo 'to." abot ko sa kanya ng stick sabay tayo.
"S-sa'n ka pupunta?"
"Iko-confirm ko lang kay Thadeuss kung nilibre niya ba talaga ako o ano."
Nang hawakan niya pantalon ko.
"Magsasabi na ko'ng totoo."
O 'ta mo!? Kailangan tinatakot pa e! Bumalik ako ng upo.
"So? Ano na?"
Di siya makatingin nang diretso.
"Binayaran ko entrance mo."
"Magkano?"
"Mura lang nam-"
"Sot, umayos ka. Di ko tinatanong kung mahal o mura. Magkano?"
Napahawak siyang batok.
"P1,250." sabi niya. "Pero kasama na raw doon ang paggamit ng kuryente sa Studio at AVR para sa tatlong araw."
"Times two kasi dalawa tayo." ani ko habang nagkukunwaring sino-solve yon mentally. "Lumalabas, mas mahal pa 'tong binayaran mo kesa sa binayaran kong ticket sa acquaintance e!? 'Kala ko ba nagtitipid ka, ha!?" Alam mo 'yong gusto mo siyang daplisan sa patilya!?
"Mark, P1,250 lang ang binayad ko kasi nga ni-libre ako ni Thadeuss."
May napagtanto ako.
"Ah, kaya pala okay lang sayo na nilagay ka do'n sa pinakadulo no'ng nag-activity ng Bearing One's Pain!? Kaya pala 'di ka nagmamadali sa kainan, ikaw talaga inaasahang magligpit. 'Yon ang kapalit ng P1,250. O baka meron pa mamaya?" pangangaral ko.
"Mark, wag kang mag-isip ng masama kay Thadeuss. Mabait siya."
"Walang duda, oo. Pero mabuti ba? Mabuti ba yong kailangan may gawin ka para masuklian mo siya. Para masabing sulit ang P1,250 niya?"
Hindi siya nakapagsalita.
"Atsaka, di tama na nilihim mo sa'kin 'yon, sot. Kaya ko namang magbayad e."
"Mark, sorry na!?" tingin niya saking nagmamakaawa. "Ginawa ko lang yon kasi ang dami mo ng natulong sa'kin. Una, yong cebo de macho, pangalawa, 'yong pagkupkop mo kay Yoghurt, pangatlo, yong libre mo sa Acquaintance. Ano ba naman yong ilibre kita dito!?" aniya.
"Hindi naman ako nagpapalibre e."
"Kaya nga mas lalong nakakahiya e." aniya. "Hindi naman ako nanghinayang gastusin ang ipon para sayo. Dahil alam ko, may mapupulot ka ditong mga lessons. Atsaka sabi mo nga diba, 'Walang halaga ang pera-'"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...