Mark's POV
Para akong nahihilo na nagdidilim ang paningin nang hilain ko si Ana palayo sa dalawa.
Masasapak ko 'to e. Sa isip ko lang.
Pero pagkuwa'y maiisip ko ring, Babae nga pala 'to. Naging magkababata kami. Higit sa lahat, naging kami.
"Bakit Ana?" ang simple kong tanong sa kanya.
Tinignan ko siya nang tinging nagsasabing 'Ayoko ng paligoy-ligoy.' Nakuha niya 'yon. At ito naging sagot niya,
"Because I still love you." Patong niya ang kamay sa kamay ko kung sakaling hindi pa ako kumbinsido.
"Kaya sisiraan mo si Eleison dito sa campus, ganon ba?" tanong ko, kasabay no'n e ang paghila sa kamay ko. "Ana, gumising ka nga!? You love me so much na handa kang walanghiyain ang kaibigan ko!? Sa tingin mo nakaka-inlove 'yon?"
"No." sagot niya. "But that's my point. If you can't love me then at least let me show why you shouldn't love Eleison either. I want to wake you up, Mark. Dahil sa ating dalawa ikaw 'tong di gising sa katotohanang mali 'yang nararamdaman mo sa kanya. He had sex with an older man, if that's not enough!? Anong malay mo, baka may hiv na 'yang baklang 'yan!?"
Di ko sinasadyang matawa. Basta, natawa na lang ako. Sa inis.
"Ana, this is the most I've seen you hateful. Congrats. Nadismaya mo 'ko." Sabi ko. "I thought dahil ikaw 'tong parang "specially favored" ni God, ikaw 'tong higit na makakaunawa. E 'yon palang "nagpa-rape" si Eleison, di na tumama e!? Isipin mo naman Ana, rape means there's force. He was forced. Pa'no kung ikaw kaya ang sabihan ng, 'Nagpa-rape ka pala e!?' matutuwa ka? Parang ang dating kasi sayo, hindi niya sinubukang manlaban e. Nakaka-offend kaya."
"Well, Mark, he's offending my God by his mere gayness!? And I don't want you to get some of that. Concern lang ako."
"Sorry Ana ha, pero ako ang concern sa pagiging homophobic mo. I don't want to get some of that." Sabi ko. "Wag kang magtataka kung sa mga susunod na araw di na kita kakausapin. Wag ka na rin munang magpunta sa'min hangga't di mo naaalis 'yang mapangmata mong ugali, pwede ba?"
Handa na akong umakyat noon nang tawagin pa ako ni Ana sa huling pagkakataon.
"Pa'no 'yong catechism?"
"Pupunta pa 'ko sa Sabado." Sabi ko. "Pero huli na 'yon."
Nang makarating ako sa classroom, naabutan ko si Jolinang nakapangalumbaba sa harapan ng nagpapatay-malisyang Eleison. Nagpapatay-malisya rin actually ang iba sa klase; kungwari di narinig ang kanina; walang nabalitaan.
But I think I know him so well na kapag nagsimula na 'yang ngumiti nang ganyan, it's not because he's happy. It's because he's hurt. And a hurt person would most likely be with someone...anyone who could tell them a soothing word.
At ayokong sa iba niya hanapin 'yon nang hindi man lang dumadaan sa'kin. Tangina, I must be jealous. Pero siguro kahit si Jolina mauunawaan 'yon.
"Friend, kausapin mo 'to!" ani Jolina, di pa rin inaalis ang kamay sa baba.
Tumabi ako ng upo sa may hawak ng cellphone.
"Son, alam natin ang totoo. Yon lang sana ang -"
"Ialis mo nga ako sa level na 'to." Utos niya sabay abot sakin ng cellphone.
Alam kong 'yong laro ang tinutukoy niya pero di ko maiwasang isipin na ang ibig sabihin talaga niya ay ialis siya sa sitwasyon niya ngayon.
At ako na nga ang naglaro ng laro niya.
Pareho silang nakadungaw ni Jolina, sinasaksihan ang pagpapanalo ko sa character ni Eleison. Pero kahit na sabihin mong nagche-cheer siya, nagcu-cuss nang casual, ramdam mong may mali.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...