Mark's POV
Sa dinami-rami ng mga pumuri sa'kin no'ng pumasok ako sa eskwela na bagong ahit, si Eleison lang ang ligaw na kaluluwang hindi naadik sa kagwapuhan ko. Seryoso. Though in-admit niya naman na mas okay ako tignan, mas mukha raw "tao". Pero kung pupuri ka diba ba't kailangang tipirin pa!? Ang kunat rin talagang mag-compliment e!
Inisip ko na lang na siguro na-realize niya na mas gwapo ako kesa sa boyfriend niya at ayaw niyang masapawan ko jowa niya. Haha! Di pero, mas gwapo naman talaga ako do'n e. Maputi lang 'yong Rafael.
Pero aside sa pagka-indifferent ni Eleison sa kagwapuhaan ko ang isa pang kinagulat ko e 'yong attitude niyang palaban. Yong muntik na silang mag-away ni John. Grabe 'yon e. Iniimagine ko kung magpapaka-lalaki talaga 'tong bansot na 'to, sanggano labas nito e.
But his innocent face might fool you.
Atin lang 'to pero feeling ko... may sayad siya. May topak, ganon. One day mabait siya, bibigyan ka ng Hany; then the next day ganito na siya: 'Bakit binigyan naman kita ng tsokolate kahapon ha!?'
Oo. Bibilangan ka niya ng naitulong. As if namang katumbas ng tsokolate niya 'yong mga imboluntaryong panlilibre ko sa kanya, di ba? Praning-praning din e.
Sa akin lang siya ganyan dahil pagdating sa mga bata nitong Sabado, lumabas pagkagalante niya. Bakit kanyo? Wala kang makikitang Hany do'n sa mga dala niya. M&M's na ata ang pinaka-cheapest kong makikita e. Yon bang ganong lebel ng karangyaan e magpapalibre pa sa hamak na mag-aaral? Isa pa rin yong hiwaga e.
Obviously, tinupad niya ang ipinangako nila sa mga bata. Dala niya ang dalawang naglalakihang bag na may nakakagutom na amoy. Sinalubong ko si Eleison at binuhat ang mga dala.
"Psst. Penge akong Kisses ha?" paalam ko habang dumudukot no'n sa lalagyanan.
"Magtigil ka. Bilang ko mga 'to. Tama lang 'to sa mga bata." palo niya sa'kin sa kamay.
Nasa labas kami ng classroom kung saan nagka-catechism. Si Ana, nagtuturo sa loob. Tama kayo. Late ang bansot. Wala ngang remorse e.
"Malapit na ba sila matapos?" silip niya sa bintana. Mukhang nabasa ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang surpresahin ang mga bata. Pero napansin ko, di siya mapalagay.
"O anong problema mo?" kamusta ko.
"Di ko alam e." Sabi nito.
Hinampas niya ako nang tawanan ko siya.
"Ano ba, seryoso ako!" aniya.
"Seryoso kang di mo alam kung ano problema mo!?" ngisi ko. Inukulan niya ako nang matalim na tingin ngunit lumambot rin.
"Wala, kinakabahan lang ako! It's as if first time kong makikita ang mga batang 'to, makaka-interact, ganon."
"Bakit nagka-amnesia ka ba!?" tahasan kong tanong.
I mean what I asked; dinisguise ko lang sa pabirong pagtatanong.
"Duh!? Amnesia!? Hindi 'no. Kinompirma nga kasi sakin ni mama na matagal-tagal nga akong na-hiatus sa pagtuturo. Maaaring 'yong mga bata diyan na nasa loob ay hindi na yong mga batang inabutan ko no'ng nagtuturo ako kaya ganito pakiramdam ko... strange."
"Bigyan mo nga ako ng time frame ng "matagal-tagal" na 'yan?" usisa ko, nakalagay pa ang mga kamay sa baywang.
"Well, siguro mga 1 year?" estimate niya.
"Mga one year? Eleison, nagsimula ka lang magturo sa kalagitnaan ng first sem. Wala pang one year 'yon!"
"So sinasabi mo nagsisinungaling ako?"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...