Yogurt says 15

4K 227 54
                                    

Mark's POV

Hindi naman siguro totoo na kapag sinuot ang damit bago mag-event, hindi na matutuloy, ano? Siguro sa kasal, oo pero Acquaintance Party naman itong tinutukoy ko e.

'Di kasi, excited lang ako para mamaya kaya iminodelo ko muna sa harapan ng salamin ang aking OOTD – dark blue polo, naka-3/4 ang tupi, 'yong medyo fitted para ma-inlove sa'kin si Eleison. 'Tas hindi ko isasara dalawang butones sa taas para ma-inlust siya sa baby chest hair ko.

At alam niyo naman, ayokong nahuhuli sila sa balita ni ayokong ako lang nakaka-appreciate ng ganitong himala; kaya tinawag ko sila mama't lola.

"Ma! La! Andito si Lee Min Ho! Dali kayo!"

E sa wala silang kadala-dala e!? Ayon, nauto ko na naman! Haha!

"Tigilan mo na nga 'yang kakatawag mo ng mga artista!" ani mama, naasar samantalang si lola, nilapitan ako ng masinsinan.

"Bagay pala sayo magsuot ng pormal, apo e." Puri niya.

"Gwapo ko, 'la, 'no!?"

"Kung magpapagupit ka't mag-aahit." Panandaliang nawala ang ngiti ko sa mukha.

"Si lola naman e! Hindi nga ako nagpapagupit o nag-aahit! Panata ko na 'yon!" taas ko pa ng kamay.

"Bakit? Parang hindi mo ata na-k'wento sa'kin dahilan ng pagpapahaba mo ng mga 'yan?" point out ni lola sa pagmumukha ko.

"Kasi nga 'la," akbay ko sa kanya papunta sa salaminan. "Investigatory project ko 'to mag-isa! Papatunayan ko na may magmamahal sakin kahit ganito ako kapangit, kadugyot tignan."

Heto na naman si mama - inikutan ako ng mata. Pero si lola, ramdam mo sa kanyang nakikinig siya. Handa siyang magbigay ng insight.

"Bakit apo, sa tingin mo, hindi ka pa mahal ni Eleison?" Ang one million peso question ni lola. "Kung ako tatanungin, mahal ka na no'ng lalaki."

"Ma, 'wag mo siyang paasahin." Remind ni mama kay lola pero (parang) pinalabas lang sa kabilang tenga.

"May special place ka na sa puso niya." Pindot ni lola sa dibdib ko. "Kaya nga hindi mo na kailangang ipagpatuloy 'yang investigatory project mo, apo. I-conclude mo na 'yan – I therefore conclude 'hindi nasusukat sa hitsura ng mukha kung mahal ka ng isang tao kundi sa hitsura ng puso nito."

Gusto kong makipag-apir kay lola kaya lang,

"Mahal niya ako bilang kaibigan. Period. Wala ng kasunod. Isang basong -"

"Wag mo ng problemahin kung hanggang do'n pa lang." Ang mahina niyang tampal sa pisngi ko. "Tanging siya lang makakadecide kung gusto niya bang hanggang do'n lang o lumevel-up pa. At habang naghihintay ang apo ko ng tiyempo, hindi niya papabayaan ang sarili niya. Cleanliness is next to..?"

"Godliness." Ang sagot kong napilitan.

"Gawan mo ng pabor si Eleison, apo. Padaliin mo ang pagkakagusto niya sayo."

Nang maya-maya, tumawag ang pinag-uusapan namin ni lola.

"Hello, Mark!?"

"Hi 'sot, pinag-uusapan ka lang namin ngayon-ngayon lang!" bungad ko. "Ready ka na sa Party? Ako nakabihis na!"

"Mamaya pa 'yong alas singko, ha!? Ala una pa lang."

"Well, alam mo naman ako – may Angry bird. Este. Early bird! I'm early bird! Hehe!" Napailing tuloy sila mama. "Napatawag ka?"

"Uhm, ano kasi, si Jolina, wala siyang ka-partner pagpunta do'n so –"

"Nope. Ayoko. Hindi pwede."

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon