Season 2: Yogurt says 21

3.5K 185 26
                                    

Eleison's POV

Maaga ako kung magising. Ito 'yong nakagawian ng sistema ko e. Pero sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang ako naka-experience nang gan'tong kahabang tulog.

Di ako binangungot. Lahat payapa, mahimbing. Marahil dahil yon sa bisig ni Mark na siya kong inuunan. O sa tibok ng puso niyang ilang distansya lang ang pagitan sa pandinig ko. Alinman sa dalawa, wala akong naramdamang kaba.

Kampante ako.

At kampante akong hindi ko kagagawan kung ba't kami'y nasa ganoong posisyon.

Hindi naman kasi ako malikot matulog (kung ihahambing sa katabi ko) at kaya kong matulog sa aking kanan nang matagalan.

Masamang mamintang pero oo, si Mark ang sa tingin kong nagdala sa ayos naming ganito.

Ayokong magtulog-tulugan at hintaying magising 'tong lalaking 'to kung kaya maingat kong inaangat ang braso niya na nakadagan sa dibdib ko.

Kailangan kong makawala. At magtatagumpay na sana ako ro'n kundi lang sa hita niyang idinagan sa'kin.

"Dito ka lang." Aniya na parang nananaginip.

"Uhm Mark may pasok tayo." sabi ko.

"Magpalate tayo. Antok pa ako e." Aniya, nag-inat at naggusot pa ng mata. Pagkakataon ko ng tumakas.

Ngunit itong isasakatuparan ko pa lang ang balak, nahawakan niya ako sa paa.

"Mark tungaw ka! Pakawalan mo 'ko!" ani ko habang nakatiwarik. Ang nakakaasar pa niyan hinila niya ako pabalik sa kama na para bang naghihila lang ng lubid.

"Di ka pwedeng bumaba ng kama hanggang wala tayong ginagawang ritwal."

Tinuruan ako ni Jolina noon na kapag may marinig daw akong 'ritwal' o similar terms mula sa bibig ni Mark, mag-ingat daw ako.

I think ngayon na ang oras na 'yon dahil habang hinihila niya ako ay siya namang pag-akyat ng kamay ni Mark mula sa paanan ko, sa binti, sa hita. Hindi ko na inantay na umakyat pa ng isang baitang ang kamay niya at pinalo ko ito.

"Aww!" hila niya sa malikot niyang kamay.

"Yong kamay mo! Kung san-san na nakakarating!"

"Parang 'yong kamay mo hindi a!?" ngisi niya. "Paganti lang!?" Tinignan ko siya ng masama at pinitik siya sa tenga.

"Hindi mo ata sineryoso sinabi ko Mark e. Ikaw ang huling taong nais kong gawan ng kahalayan."

"Di naman ako magpapahalay e. Yan ba iniisip mo habang hinihila kita?" ngisi niya. "Pinapabalik lang kita kasi magdarasal tayo."

Napakurap ako. Tama ba narinig ko?

"Mark, mamaya na lang tayo magdasal sa agahan."

"Sot, tuwing kainan lang ba required magdasal?"

"Hindi!?" sagot ko. "Pero required ba?"

"Sino kaya nagsabi sa'kin na mag-smile kasi buhay ka!? Ha? Sino kaya?" pang-uusig niya, nilalapit pa ang mukha sa'kin. "Diba ang dasal form siya ng pasasalamat? Hindi ba kapasa-pasalamat na buhay ka at gumising ka sa tabi ng pinakagwapong nilalang ng Diyos?"

Muntik na akong magpatangay sa kahanginan ng lalaking 'to.

"Kung ganon nagpapasalamat ako't lumikha ang Diyos ng komedyante! Hahaha!"

"Komedyente rin kasi si Bro. Halimbawa na lang yang height mo. Kinulang. Hahaha!"

Gaganti rin talaga e.

Umupo na lang ako ng tulad sa kanya at makaraa'y nagdasal na siya. Meron siyang way ng pagdarasal. 'Yong tipong parang kaedaran niya lang ang Diyos kung siya'y makipag-usap.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon