Yogurt says 37

2.7K 162 34
                                    

Eleison's POV

Unti-unti akong nagmulat ng mata nang may tumamang sinag sa aking mukha. Umaga na pala. Noon ko lang din natutunang unan ang niyayapos ko at hindi na braso ni Mark. Nakakainis.

Nag-inat ako ng katawan pero para bang napulikat pa rin ako from the waist down my legs. Kinapa ko ang ibaba ko. Kumpara kagabi, hindi na gaano maga. Sinilip ko ang kobrekama kung may bakas ba ng mantsa, wala naman.

The bleeding stopped.

But my disgust to tito isn't. I mean, I'm trying to put it under control. And doing so was actually a lot easier as I would imagine dahil nandito nga pala ako sa puder ng mga Lacsamana na walang tanging hangad kundi ang aking mabuting kalagayan. I'm still pinching myself though whether they're for real.

And they're for real.

It started with Mark.

Nahuli niya akong nagtutupi ng kumot nang ipihit niya ang pinto gamit likod; may hawak siyang tray ng pagkain.

"Sot, mamaya ka na magligpit. Kumain muna tayo." Aniyang papalapit sa'kin.

Nilagay ko lang muna ang kumot sa aming paanan, ang mga unan sa uluhan without letting him know I'm upset (konti lang naman) nang sinubstitute niya ang unan sa braso niya.

Gusto kong gayahin upo niya - indian sit - kaso naka-damit pasyente pa nga pala ako.

"Ganyan ka na lang." Ika pa niya nang makita niyang ini-straight ko legs ko. Nasa leftmost corner kasi ako ng kama; si Mark nasa kanan. Siya talaga nag-adjust at do'n umupo sa tabi ng binti ko.

Inexamine ko ang dalang pagkain and without raising my head, I asked,

"Huling kain ko na ba 'to?"

"Di, hati tayo diyan." Sabi niya.

"Ah, 'kala ko akin lang e." Sabi ko sa sobra ba namang dami. Natakot ako, no joke. "E teka asan kutsara?" hanap ko.

Nilabas niya mula sa bulsa ang kutsara. Isang kutsara lang. So I assume kanya 'yon.

"Ang akin?" latag ko sa'king kamay. And he answered me by squinting his eyes and saying,

"A..."

"Huy ano 'yan!?" ilag ko sa papalapit na "airplane" kuno.

"Susubuan kita!?"

"Bakit?" tanong ko. It was a serious question.

"Di pa kasi nakakapaghugas si kuya kaya share na lang daw tayo dito. O, say 'Ah!'"

"Ah...ba matinde!" pindot ko sa noo niya. "Dinamay mo pa talaga kuya mo sa modus mo!? Wag ako."

"Son, nangangalay na kamay ko. Ah!" Inarte ng loko.

"Sige, mangalay ka diyan. Kukuha ako ng kutsara ko." Sabi ko, aktong tatayo.

"Oy, sige subukan mo!?" pambabanta niya ng kutsara. "Bawal ka pang magkikikilos!"

Since he let his guard down bigla ko na lang kinuha kutsara sa kanya at sumandok sa dala niya. Haha! Naisahan ko siya.

I smirked over my little victory hanggang sa,

"Anong sense ng pagkuha ng panibagong kutsara kung sumubo ka rin naman gamit ng kutsara ko?" aniya, ngingisi-ngisi pa.

Ako naman, napakurap.

"Oo nga 'no!? Ang tanga lang."

Habang ginugunam-gunam ang simpleng katangahan, ibinukas niya naman ang bibig na waring nang-uutos na punan 'yon. And because he looks so stupid doing that sinalpakan ko na rin ng pagkain. Haha! Hanggang sa 'yon na nga ang naging siste – after me, siya naman ang susubuan ko. And so on.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon