Alam kong di lang ako ang nakakalimot sa mundo sa tuwing may malalim tayong iniisip. Iniisip ko, habang naglalakad kami sa isang kanto, ako nakasunod sa mga mag-nobyo, kung ano mangyayari sa hinaharap ko. Isang linggo na lang, tangina, college na ako! Di ko alam kung ikatutuwa ko ba na kami ang last batch na di naabutan ng K to 12 o ano pero sigurado akong di ko ikinatutuwa ang magiging course ko.
Di ko kinuha yung Engineering. Ano ako, tanga? Nasaksihan ko ang paghihirap ni kuya d’yan, no? Ayokong danasin. Kaya nga first choice ko Accountancy e. Pero sa kasamaang palad nung iniinterview na ako nung cute na chickababe, in-endorse nya ako sa Business Ad! Di raw kasi umabot yung entrance exam result ko sa passing rate ng course nila. Di wow. Threatened lang sila sakin e. Sa huli, tinanggap ko na rin.
Business Ad Major in Marketing. Oo nga pala’t magaling akong bolero. Si Nat lang naman ang di ko mabola-bola e. Kingina kasi ng hayop na Alexander na yan! Di pa nasagasaan ng pison! Naunahan ako e! Di bale, hintayin ko na lang pagbre-break ng mga ‘yan. Wala kayang poreber?
Pero, mukhang mali ako r'on kasi sila kuya Eiji mag-e-eight years na ata? Kingina ang tatag diba? Tapos ako, tigang pa rin hanggang ngayon? Hustisya naman para sa’kin o? Nakakawalang-pag-asa e! Hindi mo naman masabing pangit ako kasi masusuntok kita!? Siguro, iba lang ‘yong trip ko sa buhay.
Ang dami ng nirereto sakin nila kuya Eiji a, pero wala akong matipuhan. Gwapo sila, cute, super ready to mingle pero di ko magawang umatake. Kung minsan, nakahubad na ako, brief na lang ang tatanggalin sakin, tatayo na lang akong bigla’t magso-sorry. Hindi sa hindi pa ako handa. Alam ng Diyos kung ga’no ako katigang, kung ga’no ako kakati. May kung ano lang sa loob ko, na di ko ma-explain, ang nagsasabing ‘Oy, wag muna!? Iregalo mo yan sa magiging kabiyak mo!’ Kung minsan, tropa lang ang turing ko kay Lord at nasasabi kong,
‘Tangina, bro, sino kasi yung bibiyakin este magiging kabiyak ko? Tagal naman o!’ Hanggang sa gantihan ako ni bro sa pagbanggit-banggit ko ng pangalan nya’t nilagay ako sa isang sitwasyong hindi ko lubos inakala.
“Mark? Mark!?” nag-eecho ang boses ni kuya Eiji. Himala, unang beses syang naging mataas kesa sakin. Ngayon lang na may binagsakan akong mabaho at madilim na manhole.
“Ayan kasi! Di nakikinig sakin! Sinabi na ngang may bukas na manhole e!” pang-iinis pa ni kuya na noo’y nakatalungko’t pilit akong inaaninag. Tinabihan s’ya ni Nat ilang sandali lang.
“Gagsti! Pa’no ka maririnig e pre-occupied yang kapatid mo, kanina pa! Lalim ng iniisip.” Ngisi pa nya. “Uy dre, ano, kamusta?”
“Heto, masaya. ‘Lika baba ka nang ma-experience mo!” pang-uuto ko pa kay Nat. Ewan ko, mas matanda ‘to sakin si Nat pero di ko sya kinukuya. Ganun din naman si kuya Eiji kaso sa kanya kasi ‘pag di ko kinabitan ng ‘kuya’ e feeling ko makokonyatan ako ni kuya.
Atsaka, pfft, asa ka d’yan kay Nat. Tiyak kong di yan papayagan ni Alexander babain ako rito. At y’ong dalawa naman ilang beses ng naranasan ‘to kaya malamang sa malamang tititigan lang nila akong umakyat nang sariling sikap.
Ayos naman yung pagkalaglag ko. Di ako nabalian o kung ano. Galos lang sa siko at gasgas sa palad ang natamo ko sa pagbagsak. Kaya kong makaakyat... kung ‘di lang sa pagsundot na naramdaman ko sa aking tagiliran.
“Mama!!!” ang naisigaw ko, ngayo’y nagkukumahog umakyat. Pero di ako makaakyat! Peste. Mabuti na lang naalarma sila kuya at agad inusli ang braso. Nakakapit na ako nun nang sundutin na naman ako. Hindi na sa tagiliran. Sa binti na. Kung alam mo lang gaano ako kaputla aakalain mong isa akong multo.
“Kuya may multo 'ron!” turo ko sa baba. Imbes na paniwalaan, pinagtawanan. Tulak ko kaya ‘tong apat na to nang sila ang masundot!?
“Uhm, makikisuyo lang po. Uhm, gusto ko na rin pong umahon.” Ang narinig naming lahat.
“Ano ayaw n’yong maniwala e!” pagmamalaki ko pa, di na lang kinuha ang oras para tumakbo. Hindi rin naman kasi tumakbo tong mga to. Si kuya Eiji pa nga, ngingiti-ngiti. Ewan ko d’yan! May saltik na ata e.
“Dear, anong oras ka na naand’yan?” pakikipag-usap pa nito sa multo. Grabe ngayon ko lang nalamang may ganito syang kakayahan.
“Uhm, kanina pa po ako ritong alas singko!?”
“Ang lambing nya magsalita.” Bulong n’ya pa sa’ming magkuya bago ako daplisan sa patilya. “Babain mo ang isang ‘to, Mark. Malay mo, yan na ang forever mo!”
“Pinagsasabi mo d’yan kuya? Kayo lang nagka-poreber dahil sa pagsuong sa manhole! Wag mo kong utuin!”
“O pero hindi tamang iwan mo ‘yang taong ‘yan gayong humihingi s’ya sayo ng tulong.” Pangangaral naman ni kuya. Napakamot akong ulo habang nag-iisip ng maibabato.
“Wala naman syang specific na taong hiningan ng tulong a!? Bakit, sinabi n’ya bang ‘Mark’? Hindi nam-”
“Mark, penge pong tulong!?” ani ng isa pang multo sa manhole. ‘Isa pa’ kasi si kuya Eiji ang una. Pero,
“Madaya ka rin e, no?” sabi ko dun sa nasa baba. “Hinintay mo lang mabanggit pangalan ko e!”
Samantala, habang nagmumuni-muni kung tutulungan ko ba ang isang ‘to, ginulat kami ni Nat.
“Ako na bababa!” aniya.
“What? Hindi pwede!” pagsalungat ni Alexander.
“Gagsti dre, ano, iiwan na lang natin ‘yong tao? Gagsti, tatlong oras na syang nand’on o!?”
“Di naman sa nagdadamot ako pero, narinig mo si Eiji, diba? Baka ‘forever’ yan ni Mark. Now, kung bumaba ka baka s’ya ang maka-forever mo, hindi ako. I suggest, ako na lang bababa.”
“O e di ako naman nawalan ng forever!?” liyad ni Nat sabay kapit sa braso ng impakto. “Di na lang pala kami tutulong, guys.”
“Babain mo na kasi, dimunyu ka!” ani kuya Eiji, pilit akong tinutulak sa butas.
“Oo na! Oo na!” taas ko ng mga kamay, waring sumusuko na. Tss. Kapag talaga naka-in a relationship ang dali lang magsabi ng ‘poreber’ e.
Nilundag ko ang manhole. At sa ginawa kong ‘yon may mga tumalsik na tubig. Di ko nga lang sigurado kung tubig lang nga ba yun o ano.
“Uhm, natalamsikan ako.” Ang sabi nya. Pinaalam pa talaga sakin para ako ma-guilty at humingi ng tawad, ano?
“Ikaw ba gusto mong makalabas dito?” tanong ko.
“Oo! Oo! Kanina ko pa ‘yan dinudulog sa D’yos!” Ha! Kaya siguro ‘to nalaglag ay dahil gaya ko, trinopa nya rin si Bro!
“O ano pang hinihintay mo? Tara na! Sumampa ka na sa likod ko.” ani ko.
“Uhm, hindi kita makita.”
“Magugulat ako kung kaya mo!?” Sabi ko. “Well, ‘la kang magagawa kundi kapain ang daan mo papunta sakin.”
Sh!t. Ang sexy nun, a? Magkapatid nga talaga kami ni kuya!
Maya-maya narinig ko na ang pagkilos nya, bagay na nagpaalam saking sinunod nya ako. Pero kung ano yung sumunod, hindi ko inaasahan.
“Ayan, uhm, nakapa na kita!” At ang saya pa n’ya, ha?
“Alam mo ba kung ano nakapa mo?”
“Uhm, hindi e. Ano bang nakapa ko?”
Magandang katanungan. Bayag ko lang naman.
“Bakit hindi ka na lang sumampa sa likod ko nang makalabas na tayo, ano?” pasubali ko sa halip na sabihin pa ‘yon.
Mabuti na lang ‘di s’ya kasing bigat ni ate Patti at nagawa kong makaakyat. Kung tutuusin, kaya rin naman nitong umakyat e. Kung parehas lang sana kami nang pagbagsak.
Una nilang inahon yung multo – inusisa, kinalinga. Samantalang ako, hindi nila hinila, ngayon pang naramdaman kong bumigat ang aking mga hita tulad kapag nag-squats ka nang wala pang warm-up. O dahil dun, nganga. Nag-stay muna ako dun, ulo lang ang nakalabas, at nakapangalumbabang hinihintay ang paglingon ng aking tinulungan.
Ang kulit lang ng buhok nya. Kulot! Parang yung kay Hercules! Kaso, unang kita ko pa lang sa tindig nya pang Mergara na e. Sige, sabihin na nating may sugat tuhod nya kaya ganyan ang tayo n’ya pero wala e. Si Mergara pa rin ang nakikita ko sa kanya. Hahaha!
Isa pang kinatutuwa ko e magkasing tangkad lang sila nila kuya Eiji at Nat. O sige, mas matangkad s’ya konti. Pero ‘di tulad n’ong dalawa kung manamit, simple lang ang isang ‘to. Bias ako syempre, nakapang-alis sila e, eto parang inutusan lang bumili ng suka.
Ganunpaman, may something sa kanya na ‘di ko mapunto. Siguro dahil sa lambing nyang magsalita? Pwede. Pero meron pa e. At ayoko yung pakiramdam na ‘di ko ‘yon ma-point out.
“Uhm, marami po talagang salamat sa inyo, ha?” aniya.
“Hindi ka dapat samin nagpapasalamat.” Sabi ni Alexander. “Doon o.” Turo nya sakin gamit ang nguso. Noon din s'ya ay nalingon.
Naglakad s'ya, kahit paika-ika, at lumapit sa’kin. Inabot nya ang kamay, waring nagsasabing kunin ko nang makaahon na ako rito. Kinuha ko naman. Sa cute n’yang yan?
“Uhm, Mark, maraming salamat, ha?”
Sasagot na sana ako kung ‘di ko lang nakita si kuya Eiji na pasimpleng kinikilig sa likuran ni kuya.
“’La, yon.” Sabi ko. Yan rin naman ang isasagot ko kahit di ko yun nakita e. Haha!
“Uhm, Mark bakit di mo tanungin ang pangalan n’ya?” ani kuya ‘Ji, na-hyper na naman.
“Uhm, Eleison po!” lingon n’ya kay kuya Eiji.
“Teka, Eleison? Parang narinig ko na yang name mo.” Sabi ni Nat, pilit na inaalala. Hinintay talaga namin kung naalala nya. “Sorry, nakalimutan ko na! Hehe!” Bumalik kami sa lalaki.
“Mark, bakit ‘di mo yayain si Eleison sa bahay n’yo nang makapagpalit naman ng malinis na damit?”
“Huh?” Kumunot ang noo ko sa panukala ni kuya Eiji.
“Ay, uhm, hindi na po.” Tanggi nito. “Nakakahiya naman po sa inyo.”
“Buknoy, ikaw nga umano dito kay Mark!” ang pamimilit ng isa kay kuya. Sa mga oras na yon, wala talaga akong pakialam ngunit nung maglinis si kuya ng lalamunan at ume-hem! E-hem! nang ganyan,
“Sige na, sa bahay ka na muna nang matingnan rin yang sugat mo sa tuhod. ‘la rin namang magpapasakay sayo kasi galing kang imburnal, este, manhole pala.” Para akong nagmamakaawa, ano ba yun?
“Uhm, okay lang! Nailalakad ko pa naman ‘tong kaliwa. Salamat uli! Pero kailangan ko na talagang makauwi. D’on ko na rin ito lilinisin.” Tingin nya sa kanyang tuhod.
Di ko alam pero para akong palayok na nabasag. Di naman kasi ako inosente sa kung anong gustong mangyari ni kuya Eiji. Gusto nya ng de javu. Gusto nyang maulit muli ang nangyari subalit hindi para sa kanya, kundi para sa akin, at kay Eleison.
Sa isang banda natuwa ako. Baka nga parehas kami ng kapalaran ni kuya. Pero sa isang banda, nalungkot ako. Kasi alam mong hindi matutuloy. Matutuloy pa ba e naglalakad na palayo ang isa? Siguro, hindi sya ang forever ko.
Kaya ko s’yang tawagin, pabalikin para lang matuloy ‘tong bagay na ‘to. Ang tanong, may karapatan ba ako? Sinong estranghero ang papayag sa gusto ko gayong estranghero pa lang din ang tingin n’ya sakin? ‘Di ako pwede mag-demand? May karapatan s’yang tumanggi. Kailangan kong i-respeto ‘yon.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad, pauwi. Ramdam ko ang panghihinayang ng apat na ‘to. Pero sa’kin, ayos lang. Hindi naman ako nanghinayang na may nailigtas akong multo e. At least, na-experience ko rin kung pa’no malaglag sa manhole.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...