One month later.
Mark's POV
"Ba't ako nandito?" Ang naitanong ko kasabay ng pagmulat ng mata ko. Hindi ito ang bahay. Di ganito kaliwanag. Di ganito kalamig. At di ganito ka-OA si kuya Eiji kung sumigaw.
"Buknoy!!! Gising na si Mark!" hampas niya sa nobyo habang nakatingin sa'king namamangha. Di ako sure bakit big deal at may diin ang pagkakabigkas ni kuya. Natulog lang naman ako...tama?
"Mark, tangina ka!" pagmumura ni kuya sabay yakap sakin.
Bigla, napalaki ako ng mata't dumaing."Araykup—"
"Mm! Impakto! Kagigising lang ng kapatid mo!" pananaway ni kuya nang gusto akong lamugin ng isa.
"No ba!? Para kayo diyang tanga! Ba't ang o-oa niyo!? Nagising lang e." atumal ko samantalang nasasaksihan pag-iyak ni kuya.
"Gago, isang buwan kang coma! Anong nagising lang!?" saad niya, na di ko naman sineryoso.
"Ang o.a isang buwan!? E di mabaho na hininga ko no'n!"
"Actually Mark totoo 'yon."
"Ang alin?" tuon ko kay kuya Eiji.
"Na mabaho hininga mo. Char! No, totoo na almost one month ka na rito... which is pretty long." Aniya, nakapangalumbaba. "Si Aurora di naman umabot ng isang buwan!?"
"Well, di sana aabot ng isang buwan kung di niya na hinabol si Eleison." Sabat ni kuya. At ako nama'y,
"S-sino si Aurora?"
"Gurl, yong princess sa Disney classic na The Sleeping Beauty!?" inform ni kuya Eiji.
"Ah...okay." ani ko. Di ako interesado. "E si Eleison? Sino si Eleison?"
Nagpalitan muna sila ng tingin na siya rin namang ibinalik sa akin.
"Mark, di mo kilala si Eleison?" ani kuya Eiji, ang boses may halong lungkot.
"Isa ba siyang Disney princess?" ang attempt ko sa pagpapatawa. Pero,
"I'm serious, Mark." Lapit niya sa'kin. "Kilala mo ba si Eleison!?"
Napalunok ako ng laway.
"K-kailangan ba?" Kung di lang siya natigilan sa sinabi ko. Agad naman siyang nilapitan ni kuya't pinatungan ng kamay sa balikat.
"Kung may amnesia siya bakit tayo kilala niya?" tingala niya kay kuya, humihingi ng eksplanasyon. Hanggang sa mapakurap siya bigla't dugtungan, "Si-si Nat, kilala mo? Si, si—"
This time, pumagitna na si kuya.
"Hanybee, wag mo na munang biglain si Mark. 'kaw na nagsabi diba, kagigising pa lang niya. Mamaya mabinat yan."
"Tama si kuya kuya Eiji." Sabi ko. "Magbiro na kayo sa lasing, wag lang sa bagong gising! Haha!"
Bumuntong-hininga siya ng malalim. "You're right. I'm sorry, Mark. But... would you mind if you undergo additional series of test?"
"Anong test!? Wag lang Math at essay, ha!? Pucha pag yan talaga may numbers at words, wag na!" sabi ko sabay upo sa gilid ng kama para sana tumayo. Nang mapuna kong naka-damit pasyente ako. Yong parang bestida. At eto pa... may nakakabit sa junjun ko.
"Sh!t, ba't meron ako nito!?" hawak ko sa transparent na tubo sa pagitan ng mga hita ko.
"Mark, coma ka nga diba? Di ka makakatayo para jumingle." Ani kuya. Ang awkward pero curious lang...
"Pano pag-ebak ko?"
"Ang baboy ng term, Mark!" komento ni kuya Eiji.
"Naka-diaper ka. Kapapalit lang sayo kaninang umaga." Inform ni kuya. Di ako makapaniwala! Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...