Yogurt says 47

1.9K 116 49
                                    

Eleison's POV

Words can't describe how great I have to endure mainom lang ang gamot sa oras. Kailangan kong tiisin yong pagduduwal, 'yong hilo, 'yong hallucination for more than a week bago maka-adjust ang katawan ko sa epekto. And sadly for Mark, kinailangan niyang i-compromise ang oras ng tulog niya to make it happen.

Nagka-dark circles siya sa under eyes, nagka-pimples. When at school, hitsura kagad niya napapansin ng klase. Binibiro niya sila na kakanood niya iyon ng porn, never telling the truth. Hindi dahil sa kinakahiya niya, like he assured me, it's just, hindi niya lang nakikita 'bakit pa?'

And not one bit did he point a finger and accused, "Siya Kasi e!" at me. Although he can.

But he doesn't.

Mark really has something you'd likely want to have in a husband. And although pabiro ko man sinasabing mag-asawa na siya, he doesn't buy the idea; napipikon pa nga.

"Mag-aasawa lang ako pag mag-aasawa ka na." aniya, ako talaga ang ginawang point of reference. But I don't want to get married unless it's with him.

The idea of marriage came to me when one (of the many) morning, niyaya niya na lang akong mag-slow dance sa jazz music. He liked playing that in the morning, making funny moves hanggang sa bigla ka lang hihilain for a dance, kahit wala ka pang sipilyo.

He always is in a good mood except when I happen to mention Tito. Para kasing nagfa-flash back sa kanya 'yong ginawa nito sa'kin.

"Hindi. Wag kang pupunta do'n. Hayaan mo siyang mabulok do'n." Although evident ang galit niya rito I tried my best to talk some sense out of it.

"Mark, you showed me enough kindness and I'm overflowing." Sabi ko. "On the other hand, halos walang nagpapakita no'n kay tito dahil sa ginawa niya."

"E deserve niya 'yon e." he stated, matter of fact.

"But I also deserve some peace of mind, Mark." Sabi ko, pumunta sa harap niya to engage him, if not to convince. "Ba't kailangan kong ipagdamot sa kanya 'yong forgiveness if in myself, napatawad ko na siya?"

He stopped what he's doing and gave his side.

"Para kasing andali sayo magpatawad, 'Son e. Ipapaalala ko lang sayo, ha? Rape 'yon. Rape! Tas Eto kang sasabihing, 'Sige, okay lang. Apology accepted."

I sighed. He got a point. Pero,

"Kailangan ko ba munang hintayin after ten years or more before I say that?" Ani ko. "What he did is bad, no doubt. But think about it, Mark. Every minute of his life sisisihin niya sarili niya sa ginawa niyang pagkakamali. Ang morbid no'n, Mark."

"E di sana naisip niya na "every minute" din ng buhay mo dala-dala mo na 'yang sakit mo."

"It cannot be undone, Mark. Kahit na mabulok siya do'n it cannot be undone. What can be done? I can forgive him, Mark. As a consolation. He will be a prisoner for a very long time, physically. Ano ba naman 'yong palayain siya emotionally?"

Mark stared at me and wondered.

"Nakabalik ka na ba sa dati?"

Napakunot akong noo.

"What do you mean?"

"Ganyan na ganyan daw kasi ang dating ikaw. Compassionate sa tao, sa hayop, sa mga taong asal hayop, tulad ng tito mo." aniya. "Ito nga raw si Yogurt, kasa-kasama natin ngayon dahil raw sayo. Dahil di ka nagbulag-bulagan na may isang kuting na nangangailangan nang pagsagip. Kaya naisip ko, baka nakabalik ka na sa dati."

"Ba't hindi ko naman sasagipin 'tong si Yogurt e love na love ko 'to!?" karga ko sa pusa namin. "It would be nice kung bumalik nga ako sa dati. But as of this point, no, hindi pa. I guess you really have to embrace kung ano na ako ngayon."

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon