Mark's POV
Suot ko ngayong pagpasok ang damit na binili sa'kin ni Eleison. V-neck siya na black tas fit sa katawan ko. Sinuot ko uli kasi no'ng makita niya 'to sa'kin parang may kinang sa mga mata niya na para bang gusto niya nakikita niya. Haha!
Di, alam ko namang bago ko pa suotin 'yon, he has seen greater things. Halimbawa, yong abs ko. Di naman sa nagmamayabang pero biniyayaan lang talaga ako ni Lord ng magandang katawan.
'At kakapalan ng mukha' ang suspetsya kong idadagdag niya kung sakaling marinig niya 'yan.
Pinayuhan ko 'yon bago kami mag-iba ng daan: wag munang pumasok kung hindi kaya kahit in-assure niya ako na malayo naman 'yon sa bituka. Sinabi ko yon para sana isipin niya pa lalo na napakabait kong lalaki.
But of course, gusto ko parati siyang present. Ang lungkot kayang mag-isa sa likuran.
Pero 'yong likuran ng mga oras na 'yon, kanina pa maingay. Akala ko nagka-himala at maaga dumating si Eleison ngunit pagdungaw ko roon, iba pala ang nag-iingay, babae. Nakaupo siya sa gitna (tatlo na kasi ang silya) at tinatawag ako ng,
"Besss!!!"
Dali-dali niyang iniwan ang lugar, sumugod at biglang umakap sa matipuno kong braso. "Bess, na-miss kita!"
Supposed to be magalang ako sa mga estranghero kaya di ko nga mawari ba't ang reply ko,
"Ako hindi."
"Ay grabe siya o!?" liyad niya't pag-nguso.
"Uhm, sino ka ba?" Tinanong ko pa rin kahit ngayon, nararamdaman ko ng ito si Jolina. At hindi nga ako nagkamali.
"Le me is Jolina... The Fairest Of them All." Pakilala niya, ang kamay nasa baba, habang ini-escort-an ako sa likuran.
Usually kapag may nag-i-introduction, uma-agree lang ako. Kaya di ko na naman mawari kung bakit umapila ako.
"Fairest? E ano 'to?" point out ko sa siko niya.
"O sige, fair na lang. The Fair of them All. Ayan, enough?"
"Hm, pwede rin namang Jolina Of Them All lang. Wala ng fair." Tawa ko.
"Nagka-amnesia ka ba talaga!? Ba't ang hard mo pa rin sa'kin besh!?" pagdra-drama niya na siya kong kinatuwa.
"Ganito rin ba ako sayo, no'n?"
"YES-terday!" aniya. Well I guess some things never change.
Gusto ko pa sana siyang pagtripan e. Kaso, itong si Jolina, maya-maya naging seryoso. Oo, yong hitsura mukhang nagjo-joke pero 'yong sinasabi,
"Mark, I'm sorry for what happened."
Alam ko kung ano tinutukoy niya. I know her bago pa man siya i-kwento sa'kin ni Eleison, all because nai-kwento na rin siya sa'kin nila mama. Siya raw ang nagdala sa'kin sa ospital.
"Wala ka namang kasalanan e. Wala ka dapat ihingi ng tawad. If anything, dapat pa nga magpasalamat ako sayo e. Sa pagtulong. Atsaka okay-okay na ako." Thumbs up ko.
"But you still can't remember Eleison...and what is he to you."
Nag-collapsed ang balikat ko. "Yun lang. But good news! Magkaibigan na kami! Well, hindi niya naman expressly sinabi, ako lang nag-imply. Haha! Pero see, nagawa namin maging magkaibigan uli without prior knowledge na magkaibigan na pala kami dati."
Looking at Jolina, binigyan niya lang ako ng bittersweet smile.
"But you're more than that." Insist niya. "You're supposed to be taking it to the next level. I'm supposed to be a bridesmaid na, Darla!?"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...