Mark's POV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng dinadawit ang pangalan ni lola sa pagpapalusot ko kay El. Makailang beses na rin siguro 'yong nabibilaukan. Haha! Grabe Mark pati lola mong walang kamuwang-muwang, dinadamay mo! Gan'to siguro pagnami-miss mo isang tao.
Huli ko pa siyang nakasama noong graduation ko sa elementarya.
Patay na lolo’t lola ko sa side ni mama; 'yong kay papa na lang ang mga survivors. Kaso lang, nando’n naman sa Bohol. Sila ang tagapangalaga ng iba pang mga apo.
Masasabi kong kami lang ni kuya sa lahat ng apo ang mababait at tunay na kalugod-lugod sa samabayanang Pilipino. Bakit? Hindi namin pinarami ang kanilang puting buhok! Pero ang downside dito, di nila kami masyadong natutukan.
Pero ako kasi 'yong apo na kung na-impress na sa utak ko si lola, hindi na 'yon mawawala kahit matagal na kaming 'di nagkikita. Ibig sabihin, imbes na maging aloof ako kay lola e mas lalo ko pa ngang na-miss.
At hindi nakatulong na heto kami’t pupunta sa Mandaluyong Mental Hospital alinsunod sa tradisyon ng eskwelahan.
Isang beses kada buwan ang dalaw sa mga kakosa ni Jolina (di ko nga alam ba't 'to nakawala e). At para sa buwan na 'to, College of Business Ad at Accountancy ang naka-toka.
Ang gagaling nga ng mga officer e; ii-inform kami one hour before. Kundi lang naman talaga sasama si El, di ako babangon, no!?
Ang sarap kayang humilata at gumawa ng sariling macapuno!? Mark, matangkad ka na. Easyhin mo lang. Haha!
Wednesday kasi ngayon, walang pasok. Pero para sa baon, sige, bangon! Haha!
Lima ang kailangang sumama per year level. So sa section namin, ako, si El, si Jolina at dalawa pang hinihinalang tulak ang napili.
Actually, napilit. Hindi napili.
Tinipon kami sa vacant room at brinief-ing tungkol sa mga Do’s and Don’t’s. After no’n, dineport na kami sakay ng ni-rentahang Idawoo bus.
Kabaliktaran ng nararamdaman ko, ang ekspresyon ng katabi ko.
“Mukhang excited ka, ‘sot, ha!?”
“Ha!? Oo. Kasi sa totoo lang, hindi ko pa nasubukang mag-alaga ng mga lola.”
Gusto ko sana sabihin, ‘E papa’no yang mga inaalagaan mo, mga tamad na kamag-anak mo!’ kaso di na lang. Ayoko sirain mood niya.
Nakatoka kami sa mga lola. Hindi naman lahat ng mga na-admit doon ay may hataw na simula pa lang; ‘yong iba raw doon, nabaliw nang iniwan ng pamilya.
“Wala ka bang lola, sot?”
Iniling niya ang ulo. Magulang nga wala e. Lola pa kaya?
“Wag ka masyadong ma-attach sa kanila, ha? Baka kupkupin ka nila. Kung sakali, Si Jolina na lang sana.”
E nasa harapan lang pala ang impakta. Ayon, dagling nalingon.
“Grabe ka sa’kin, bes, ha!?” Nang mabalingan si Eleison, lumapad ang ngiti. Magkasing-noo sila ni Ana, sa totoo lang. Di ko alam kung anong konek pero natutuwa akong may karamay siya. Haha!
“Hi bes! Okay ka lang!? Bes na itatawag ko sa inyo, ha? As in, ‘bes mode’!”
“Sige bes!” sagot ni El. Di niya alam na ang pagsagot niya palang 'yon ang sisira sa kamuwangan niya sa mundo. Dahil,
“May ipapakita ako sayong video, bes.”
“Anong video yan, bes? Inspirational?”
Napatingin si Jolina sa taas, buffering. “Uhm... pwede na rin.”
Wag na tayong maglokohan, ‘lam naman nating malayo sa inspirational ang videos niyan sa cellphone! Pero awa naman ni Jolina, hindi hardcore ang ipinakita niya. Mga fan-made anime gay couple lang naman ang ipinanuod.
Nang matapos,
“Anong masasabi mo, bes?
“Ang cute!”
“Di ka ba naiinggit?”
“Do’n sa mga drawing?”
“Do’n sa ini-express ng drawing.” Aniya. “Anime tawag do’n by the way.”
Di man ako tumitingin, alert naman tenga ko.
Please El, magbigay ka ng kasagutan,,, yong papabor sa’kin. Para naman masabi kong may chance ako sayo.
“Naiinggit din... konti.” Sabi niya.
Matagal niya yong pinakawalan so ibig sabihin pinag-isipan. Yes, may chance ako!
“So, iniimagine mo rin “konti” ang sarili kasama ng lalaki tulad sa mga ganoong kuha?”
Napangiti si El. Namula. Samantalang ako, parang napuspos ng espirito santo sa tuwa.
“Eto bang lalaki na ‘to...” tumingin muna sa’kin si Jolina, kumindat. “... Nandito sa bus na ‘to?”
Para siyang naging uneasy.
“Actually..."
Sh!t, mukhang magpapapancit-malabon ako, a!? Ay wag, bihon na lang. Canton na lang kaya para makatipid?
"...taga-ibang school siya.”
And poof! It became Koko Crunch!
Mark? Buhay ka pa? Pvtangina na-friendzone ka!? Alam mo 'yong ini-expect mong ang kasunod ng ‘actually...’ niya ay ‘katabi ko siya’!?'
Nakita ko rin sa mata ni Jolina 'yong tinging, ‘Kingina bes, na-friendzone ka!?’ Pero si Jolina ay may bungangang kapita-pitagan. Tinanong pa talaga,
“What is he like, bes? Kwento mo naman!”
Alam mo 'yong pakiramdam na ‘Tama na. Ayoko ng marinig pa ‘yong tungkol sa ‘taga-ibang school’ na 'yan!?’ Kaso 'yong ego ko sinasabi, ‘Di sige pagbigyan mo. Tignan natin kung nasa kalingkingan ba yan ng pagka-awesomeness mo!’
“Okay, ang pangalan niya ay Thadeuss...” Luh-luh-luh! Anong kilig naman nitong bansot na ‘to! “Matagal na siyang sacristan kaso ngayon, nag-iba na siya ng relihiyon. Pero kahit nag-iba, hindi nawala 'yong love niya kay God. Actually tumibay pa nga e. Kasi, siya ang leader –”
“Na nagsabi ng ‘Quack!’ ‘Quack!’” bigla kong singit. “Quack! Quack! Quack! Quack! Quack! Quack!”
Humagalpak si Jolina at iba pa sa kakatawa nang nag-sing and dance ako sa kinauupuan. E sa naasar ako e!? Pvta kasi, kung alam ko lang! Da’t sineryoso ko na 'yong pagsasakristan ko no’ng elementary!
Tinuloy lang ni El ang sinasabi nang na-relax na panga ni Jolina kakatawa.
“Si Thadeuss kasi ang leader ng isang Youth Camp. Nakalimutan ko kung ano 'yong pangalan pero Movement 'yon para mapalapit ang mga kabataan sa Diyos.”
Si Jolina halatang borlog sa binigay niyang istorya, samantalang ako nag-ngingitngit. Ang gusto kasing malaman ng impakta,
“Gwapo ba? Malaki katawan? Ilang taon na!?”
At sinagot naman ni El ng,
“Gwapo siya sa totoo lang. Tisoy. At... oo, malaki katawan.” Biglang hina niya sa boses, waring nahiya.
Pinakita ko na sa kanya ang katawan ko, hindi pa siya masaya!? Hashtag, just saying!?
“Kyaaah! Bes, malaki 'yon for sure!”
“Pero bes, hindi ako masyadong tumitingin do’n.”
“Do’n sa, sa Tweety bird niya?” tanong ng gaga.
“Hindi! Ibig kong sabihin, di ako tumitingin sa laki ng katawan.”
“Sa performance lang!?” Pvta ang daming alam ni Jolina! Asan ba 'yong duct tape dito?
“Oo sa performance lang.” Sabi naman ni El. Hulu! Alam niya ibig sabihin ng ‘performance’? “Nakuha niya ang respeto ko sa performance niya sa pagiging servant ni God!” Ugh. Ibang ‘performance’ pala.
Nang sinubukan akong i-involve ni Ms. Masungalngal, Jolina Malapit-Na,
“E ikaw –”
“Wag niyo akong daldalin!” sabi ko. “Bad trip ako ngayon!”
Siniksik ko ang sarili malapit sa bintana at pumikit buong duration ng biyahe.
Akala ko 'pag sinabing Mental Hospital tulad ito noong gustong pasukan ni El noong karga-karga niya si Yoghurt.
So na-disappoint ko na naman sarili ko.
Parang subdivision pala rito; at from the word itself, naka-subdivide nga ang mga pasiyente base sa kasarian at lala ng sumpong. Meron pa sigurong ibang salik pero di ko na inusisa pa. Ma-admit pa ako nang di oras.
Pavilion ang tawag sa tirahan nila.
Dito kami dinala sa Pavilion 7.
Pvta, dre noong nandon na kami, ay! Tsk. Sinasabi ko sa inyo, ang bagsik ng amoy! Oo nga't brinief-ing na kami tungkol diyan pero di ko inakalang ganito.
'Lam niyo 'yong pinagsamang amoy ng oregano, white flower, pamada, at expired na corned tuna!? Ganon.
Newsflash: Nandito si Ana. Ayon, nag-operation tokhang.
"Mark, 'yong mukha mo, ayusin mo." hampas niya sa braso ko.
"Ano, magkukunwari akong bangong-bango dito!?" ani ko. "Atsaka, ba't mukha ko lang!? Da't sayo rin!"
"Bakit ka nga uli sumama dito?" huli niyang katanungan bago sumuong sa loob ng Pavilion, buhat ang isang carton ng C2.
Punyeta. Ang sama ko sa kanya. Pabuntong-hininga na lang akong kumuha ng iba pang bubuhatin paloob. Maya-maya na 'ko magso-sorry.
At alam niyo kung sino 'yong pinaka-abala sa mga oras na 'yon!? Si Eleison. Kala mo nga miyembro ng DSWD e. May pagbati-bati pa sa mga lola na nakaupo sa harapan, kwento-kwento, mga ganon, habang sineset-up ang lamesa para sa misa.
Itong mga nakasama naming lola sa misa ang na-assess na nasa lucid interval. Ibig sabihin, normal sila sa mga oras na yon kaya sila pinalabas sa selda.
Sabi ko kay Eleison wag masyadong ma-attach pero tignan mo, isa-isa niyang niyayakap. Hindi ba siya nandidiri sa amoy nila? Hindi siya maarte. Ako lang. Shame
Siguro kung nandito si lola, magki-click sila. Babaeng bakla raw kasi si lola sabi ni papa. Siya ang dahilan kung bakit nagawa na ring tanggapin ni lolo si papa. Binigyan kasi si lolo ng pagpipilian. Tanggapin niya si papa o maghiwalay sila. E hindi kaya ni lolo mawala si lola, so nag-compromise siya.
Nang matapos ang misa, simultaneous ang kaganapan. Nagpa-program ang mga higher years samantalang nagra-rasyon kaming mga lower years.
Para di sila pabalik-balik kumuha ng ibibigay na tinapay, kinarga ko na 'yong buong karton tas sila El at Jolina na ang namimigay; 'yong iba sa C2.
Totoo nga rin yong sa briefing na makakakita kami ng mga lola'ng nakahubad. Kaso alam mo 'yon, wala akong maramdamang malisya. Tangina kabahan na talaga ako kung meron. Hindi na normal 'yon.
Pagkatapos ng outreach activity namin, si Eleison, pagod na pagod. Base na rin sa pagkalugmok niya sa upuan at pagsandal sa balikat ko.
Nabigla ba ako no'ng ginawa niya 'yon!? Syempre, oo!? Gusto ko ngayon e. 'Yong maging clingy siya.
Pero sadista e. Naging clingy matapos sabihing may crush siyang taga-ibang ekswelahan.
Ganunpaman, di ko pinagdamot ang balikat ko. Gusto ko 'yong pakiramdam na 'to. At gusto kong iparamdam sa kaniya na masasandalan niya ako.
Ang kinayayamot ko lang nang mga oras na 'yon ay kung bakit ayaw kaming lingunin ni Jolina nang makuhaan niya kami ng stolen! Anong klaseng fujoshi siya!?
Maya-maya lang, binigkas ni El ang pangalan ko.
"Mark?"
"Sot?"
"Alagaan mo si lola mo, ha? Kahit mag-isip bata na siya. Habaan mo pasensya mo kung nagiging makulit na siya." inangat niya ang tingin sa'kin. "Maswerte ka at may lola ka pa. Wag mo siyang i-take for granted. Okay?"
Di ko alam pano nangyari pero basa ang mga mata ko no'n.
"Pangako."
Sa mga oras na 'yon, yong tampo ko sa kanya, naglaho. Napalitan ito ng pagkamangha. At hindi ko namamalayan, nakaidlip na rin pala ako sa tabi niya.
"Click! Click! Click! Click! Click!" Naalimpungatan ako sa tunog ng camera. Ang impakta palang si Jolina.
"Touch down! Nasa school na tayo mga bes!" pag-iingay niya.
"I-SHAREit mo yan sa'kin, ha!?" bulong ko bago pa man tuluyang magising katabi ko.
Tulad nang gusto ni El, hindi ko na siya sinundan pagkauwian. Sinabihan ko na lang siya na 'Mag-ingat pauwi.'
Hindi ko ma-describe kung ano ba ang status ng feeling ko ngayon. Ako ba'y masaya, malungkot, galit? Masyado akong pre-occupied na hindi ko man lang sinuklian ang panglalambing ni Yoghurt nang salubungin niya ako sa hagdanan.
"Dito na 'ko." sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos. Nakita ko si Yoghurt mag-walk out. Nabahuan ata sa paa ko.
"Mabuti naman!" ang rinig kong tugon ilang sandali lang.
Hindi iyon boses ni mama. Hindi rin kay papa. Pag-angat ko ng tingin, ako'y tuwang-tuwa.
"Lola!!!"
Sinunggaban ko siya nang yakap.
"Sus, ginoo dung! Ang laki mo na!" sabi ni lola. "Akala ko tikbalang!" Kompliment yon, Mark. Tandaan mo pangako mo kay El - pag-aalaga at pasensya.
"La, napasyal ka?" ani ko sabay mano. "Sino nagsundo sayo?"
"Yong kuya mo." sabi niya. "Dito raw muna ako hanggang bagong taon. Naghahanap ng mama, papa mo e."
Nagmano ako kay mama at makaraa'y pinakita ang mga pasalubong niya. Meroong indian mango, ginamus, langka, mani, banig.
"Ang dami mong dala 'la, ha! Binuhat niyo lang 'to ni kuya!?"
"Ay hindi, 'yong kasintahan ng kuya mo may kotse, pinagdrive kami." sabi niya. "Kagwapa no'n talaga."
May sarili na nga palang kotse si kuya Eiji. 'Yong maliit. Yong pabor sa kaiklian ng biyas niya. Hahaha!
"Ikaw ba Mark may girlfriend ka na?" tanong niya nang kami'y makaupo sa sofa. Nakadikit pa rin ako sa kanya.
"La e."
"Boyfriend?"
"Hmmm... hindi ako yong ideal niya 'la, e." sabi ko. "Pero pupusuan ko yon La. Wag ka mag-alala."
Walang problema kay lola kung naging ano ka pa. Isa lang sa maraming dahilan kung bakit gusto ko siya.
"Sino ba 'yang lalaking 'yan nang aking magayuma." pabirong sabi ni lola.
"Ay, 'La sa totoo lang, gustong-gusto kitang ipakilala do'n. Napakabait niya. Napakalambing. Kanina, magkasama kami sa Mental. Outreach namin 'yon para sa mga lola tas pagkatapos no'n, eto La, 'di ko 'to gawa-gawa a!? Sinabi niya talaga 'to!"
Hinintay ko muna pagtango ni lola para malaman kong nakikinig siya. No'ng tumango nga,
"Alagaan daw kita. Kahit maging isip bata ka na."
"Kilala niya ako?"
"Uhm, nakwe-kwento kita na isa kang magaling na manghuhula." sabi ko.
"Kaya pala madalas akong bilaukin."
"Seryoso 'La, kung nando'n ka lang kanina -"
"Ay boyset ka apo! Gagawin mo pa akong baliw!" pangungurot ni lola sa'king tagiliran.
"Hehe! Kunwari lang naman! Basta 'la, napaka-maasikaso niya; Tas ang pinakamalupit no'n, after niyang mapagod, sumandal siya sa balikat ko! Dove shampoo niya, 'la!" sabi ko pa sabay singhot sa manggas ng t-shirt ko.
Nangingisi-ngisi si lola.
"Mukhang patay na patay ka sa lalaking 'yon, ha, apo!?"
"Oo nga 'la e." sabi ko. "Siya lang 'tong mailap e. Parang ayaw niya pa kaming mag-Marvin Gaye and get it on." Hihi! Di naman siguro alam ni lola ibig kong sabihin do'n.
"Bakit siya mailap?" tanong niya.
"Kasi... pero wag kang matatawa 'la, ha?" paninigurado ko.
"Pa-suspense pa e." Napakamot akong batok don a!?
"Ayon, masyado kasi siyang, uhm, maka-Diyos. Parang santo!? Kaya 'yon, feeling ko di ko siya maabot. Hindi ako worthy. Kasi di ako ganon."
Tinignan ako ni lola. Kanina pa siya nakatingin sa'kin actually, yong tipong may scanner siya sa mata. Ini-expect ko na 'yong payo niyang,
'Apo, itigil mo na yang leron, leron sinta. Umakyat ka na lang ng ibang sanga kay mababalian ka lang sa kanya.'
Pero sa halip, ipinatong niya ang mga kamay sa aking kamay at sinabing,
"Mark, ipagpasalamat mo sa Diyos na nakatagpo ka ng tulad niya. Swerte kang matuturing."
So ang dating, pinagpala ako sa lalaking lahat? At pinagpala naman ang anak naming si Yoghurt!?
"Tama ka ng gamit mo sa salitang 'mailap', apo. Dahil ang mailap, nangangahulugan ding 'bihira', 'elusibo'. Sa pagkakaunawa ko apo, nasabi mong mailap ang lalaki dahil ayaw niyang nakakahon lang sa isa ang puso niya."
"Polygamous si El? Hindi stick to one!? Salawahan!?" pagpapanic ko.
"Apo, mapagmahal ang lalaki. Sa sobrang puno, siksik, liglig, umaapaw niyang pagmamahal, di lang isa ang kaya niyang punuan. Kaya tinutuon niya rin ito sa iba. Gusto niya walang sisidlang hindi nadulutan. Gusto niya lahat meron, walang labis, walang kulang. Kaya siguro nasabi mong maka-Diyos siya, apo. Kasi ganon nga magmahal ang Diyos."
Muli na naman akong namangha. Okay seryoso, hindi ko makikita 'yon sa ganoong perspektibo kung hindi dahil kay lola.
Kaya pala ganon ang reaksyon niya nang pinag-imbotan siya ni John ng mani; kaya pala gano'n kung kalingain niya ang pusa; kaya pala gano'n ang malasakit niya sa mga matatanda; ang pag-unawa sa mga pinsan niya. Dahil mapagmahal siya.
Ang gusto ko kasi mas maraming laman ang lalagyan ko; ibig sabihin, gusto ko na mahalin ako ni El nang higit pa sa pinapakita niya sa iba, nang higit pa sa kaya niya. E hindi naman pala ganoon ang paraan niya.
Ngayon na-realize kong maswerte na nga pala talaga ako... kahit kaibigan stage (pa) lang.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...