Mark's POV
Hindi naman halatang excited ako na ikwento kay Eleison ang pagdating ni lola kahapon!? Ano ba naman 'yong nakaupo ako sa upuan niya't lilingon-lingon sa bintana ngayong mga sandaling ito.
Actually, marami pang wala sa classroom. Bakit? Sobrang aga pa kasi. Mga 7:30. Alas nuebe pa unang subject. Sa madaling sabi, ako pa lang nandito.
Gumising talaga ako ng maaga para ipaabot lang ang balitang iyon kay Eleison. Di ko nga sigurado kung ano ire-reak niya e.
Pero napansin ko lang, simula first day ng klase at kahit maging sa katekismo, parati siyang nala-late. Natural na ba sa kanya 'yon o ano?
Tuloy, napapaisip ako, 'Siguro pumumpunta pa 'yon sa school ng crush niyang si Tado!?
'Lam kong Thadeuss pangalan ng gunggong pero mas maganda pakinggan ang Tado. Mas maikli rin.
Pero really Mark, tingin mo 'yon ang dahilan kung ba't nala-late si Eleison!? Siya ba 'yong tipong naghahabol sa lalaki!? Tina-take for granted niya nga lang ako e! (Nagdrama si ako.)
Ah. Siguro nagsisimba!? Di naman mukhang imposible. Ang sabi kasi ni lola di lang tuwing Sunday may simba. Araw-araw raw - may misa sa umaga, meron rin sa gabi. Gano'n daw sa Bohol e. E Mark may tanong ako, Bohol ba 'to? Manila 'to e!?
Sa kahihintay ko sa bansot na 'yon, nakaka-sampong theory na ako kung bakit siya nala-late.
Hanggang sa dumating na nga siya. Mga 9:45. Swerte nga nito parating natataong late ang mga professor e. Tas 'pag ako na-late, recorded!? Nang-aano e, no!?
"Morning Mark!" bati niya, hawak ang ibabang bahagi ng bag. Ang cute niya do'n banda.
"Good morning, sot!" sagot ko.
Nakatayo lang siyang ganyan. Ewan ko kung bakit.
"Ayaw mo umupo? Dali, may ikwe-kwento ako." yaya ko pa.
"Uhm, upuan ko 'yan e. Hehe!"
"Ay sorry, 'kalimutan ko." Tumayo ako't lumipat ng pwesto.
"Ano nga 'yong ikwe-kwento mo, Mark?" tanong niya habang inaayos ang gamit.
"Mamaya. Sagutin mo muna 'to." sabi ko sabay usog. "Ba't ka parating late?"
Napakurap siya ng mata. Intribidido talaga ako e, no?
"Uhm, kailangan ko bang sagutin?" aniya tulad ni Alma nang tanungin ni Davila.
"Siguro pumapasyal ka do'n sa crush mong tisoy na malaki ang katawan, ano!? No!?" panghuhuli ko.
Bigla siyang natawa.
"Mark sobrang layo ng school nila sa bahay namin. Wala na akong lakas para lakarin 'yon, 'no!?"
Okay, so mali na dinadalaw niya si Tado; mali na nagsisimba siya bago pumasok sa eskwela; at mali 'yong hinala kong nagse-search and rescue siya ng mga duguang pusa. Pero itong huling hinala ko, 'to siguro tama.
"Nilalakad mo lang mula bahay niyo hanggang dito!?"
Tumango siya nang pagkatipid-tipid.
"Sot, ang layo no'n ha!?" sabi ko habang kinakalkula ang distansya sa'king utak.
"Kung sanay ka na, hindi mo na 'yan mamamalayan." ika niya. "Form rin 'to ng exercise, kala mo!? Atsaka, para maka-tipid."
"Ang tito't tita mo?" pambabasag ko.
Alam kong may tendency siyang pagtakpan ang mga 'to e. Tas kukubrahin pa ng pinsan niya iniipon niya, 'ta e di wow! Minsan talaga gusto kong batukan si El e.

BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...