Yogurt says 28

3.3K 179 60
                                    

Eleison's POV

"Kamusta first week of class?" pangangamusta ni mama over Skype. I'm probably wrong pero parang lumaki lalo ang tiyan niya since I last saw it.

"Okay naman po." Ang sabi ko. "Kaya lang maya't-maya may kumakausap sa'kin na animo'y matagal na kaming magkakilala. Minsan sinusupladuhan ko, pero madalas nakiki-ride na lang ako."

"Anak kailangan mo talagang ma-experience 'yan." Ani mama. "Sabi ng doctor mas malaki ang tsansang bumalik ang memorya mo kung nariyan ka sa lugar na kinalakihan mo. Kaya kahit ayoko mang bumalik ka diyan e wala akong magagawa. Para rin sa ikagagaling mo yan e."

"Wag ho kayong mag-alala sa'kin, Ma. Nagka-amnesia lang naman po ako, hindi naging disabled." Sabi ko. Ginalaw ko ang laptop nang mahagip ng cam si Rafael. "Besides, kasama ko naman po si Rafael na magaling magluto, thank God! Haha!" Sandaling lumingon si Rafael at bumalik din sa paghihiwa.

"Nagkausap na ba kayo ni Mark?" tanong ni mama. Admittingly, she's stanning Mark.

"Actually Ma, seatmate kami so...madalas kami mag-usap." Ani ko sabay tawa nang may maalala. "Ang epic nga ng pagkikita namin e." Siyempre di ko na dinetalye.

"Sinabi mo ba sa kanya kalagayan mo?"

"Kailangan ko bang sabihin?" tanong ko, not in an arrogant way. "Parang ayokong sabihin Ma. Baka kasi ang dating sa kanya kaya ko sinabi e para obligahin siyang maging kaibigan ko."

"Anak, maiintindihan ka no'ng lalaki. Concern siya sayo. Yon ang pagkakakilala ko sa kanya."

"How come di ko naman naramdaman?" ani ko. "Kung ang sabi mo, superclose kami, bakit hindi niya ka'gad ako niyakap no'n or nagpakita man lang nang pagka-miss? Instead, humihingi pa nga siya ng confirmation sa iba kung ako ba 'yong Eleison na kilala niya. Di ba Ma, ang weird?"

Hindi ka'gad nakareply si mama.

"Ang weird nga no'n, 'nak. Pero hindi kaya binibiro ka lang niya? Ang sabi mo gano'n ang personality niya, tama ba? Palabiro?"

"Feeling ko, 'di prank 'yon e." Iling ko. Bago pa ako tuluyang ma-disappoint for lack of explanation, I gathered myself. "In any case, Ma, I will not throw myself at him!? Bilang respeto na lang sa girlfriend niya. Basta ako, ie-enjoy ko lang sarili ko."

"Hay, ang bilis magbago ng panahon, ano, 'nak? Pero tama 'yan, mag-enjoy ka lang."

"Si papa nga pala, Ma?"

"Naliligo. Ay, 'yong pinapabilin niya pala kay Rafael. I-remind mo siya, ha? Alam niya na raw 'yon."

"Tss. Si papa talaga ang strikto."

"Pinoprotektahan ka lang niya, 'nak." Pagtatanggol pa ni mama.

Napakamot na lang ako ng ulo.

"O sige na, Ma, ba-bye. Love you."

"I love you too."

'Yon raw ang mama ko sabi ng asawa niya na nagpakilala sa'king ama ko. Wala naman akong dahilan para hindi maniwala; sa pag-agos pa lang ng kanilang mga luha nang magising ako sa pagkaka- "coma".

I admit, it's a shame hindi ko sila matandaan; kapwa pa naman silang mapagmahal and welcoming. And they fill me with a sense of belongingness. Hindi ako 'yong taong sobra kung makatakwil sa claim nila na anak nila ako; but within me, I was so conflicted. Ang naglalaro lang sa'kin ng mga sandaling 'yon e dapat ko ba silang pagkatiwalaan?

And I chose to be trusting. But sometimes being trusting could be misinterpreted by others as being gullible. So you can say, I'm trusting but at the same time, gullible. Kung alam niyo lang ga'no ka-conflicted utak ko.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon