Dedicated to @JohnReyMonta
Eleison's pov
"Nak, matulog ka kaya muna?" kalabit sa'kin ni mama sa kalagitnaan ng tulog ng ibang pasahero. Gabi na kasi at ilaw na lang sa lugar ko ang nakasindi kakaaral ng English – Italian dictionary.
"Sige Ma, papaantok lang ako." Sabi ko, tinago na ang diksyunaryo't pinalitan ito ng Travel Mag. Kulang na lang talaga barahin ako ni mama sa paantok ko kunong alibay. E pero hindi, seryoso, masyado akong excited para makatulog na lang nang ganon-ganon.
Isa pa, sinusulit ko ang sandaling heto ako't lumilipad, mapalad na masaksihan nang ganon kalapit ang mga ulap at tala. Parang gusto kong abutin, kumuha ng plastic labo't isilid ito tulad ng cotton candy. Kung pwede lang.
'Hay! Ano na kayang ginagawa ni Mark ngayon?' kausap ko sa sariling nakasandal at nakatitig sa labas ng bintana. 'Tulad ko rin kaya siyang di makatulog?'
Nilabas ko ang cellphone noon, naka-airplane mode, at hinanap ang pictures niya sa gallery. Hindi naman ako gahaman kaya, lima lang ang blinuetooth ko mula sa cellphone niya. Pero 'yong lima namang 'yon, pwede ng gawing panakot sa daga! Haha! Hindi, pwede ng gawing pampaantok, pampawala ng stress at pagod. Walang therapeutic claim 'yon ha, pero tumalab sa'kin. Tinalaban ako kahit picture lang niya.
Kung kaya naman, magtatanghali na nang ako'y magising.
"Malapit na ba tayo, Ma?" ani ko sabay silip sa bintana't pagkasilaw lang napala.
"Estimate ko nak, makakarating tayo ng mga hapon." Sagot niya. Kinuha ko na ang nalalabing oras para magpaturo sa pagbigkas ng mga inaral kong Italian words and phrases.
Dahil sobra akong tutok sa Foreign Language 101 namin ni mama, naibsan ang aking pagkabagot. Katunayan niyan, kaa-announce lang ng piloto na dumating na kami sa destinasyon. Kung di lang dumoble excitement ko do'n; tipong gusto kong gumulong-gulong sa lupa. Pero siyempre di nangyari. Yong hangin kasi ang una kong naging basehan na hindi ako nananaginip. Iba na ang simoy ng hangin kung ihahambing sa Pinas.
Di ko naman sinasabing ayoko ng simoy ng hangin sa Pilipinas, ha? Baka sabihin e racist. Haha! Universal naman ang hangin, nagkakaiba nga lang kung pa'no naging dating/ salubong nito sayo. Sumulpot tuloy si Mark sa isip ko. Mahangin kasi yon, pero iba 'yong dating sa'kin.
Lumabas kami ni mama; tulak namin ang malaking stroller sakay ng aming mga bagahe nang salubungin kami ng maingay ngunit masayang pagtatanghal. Yong iba naming kasabayan, di nagpigil at naki-indak na rin sa mga grupong ito.
"May ati-atihan festival pala dito, Ma,'no?" ika kong nakikipalakpak sa mga tao. Inilapit ni mama ang mukha sa akin at binulong,
"Ang totoo niyan, anak, ang papa mo may pakana niyan. Para sayo talaga ang salubong na 'yan." MAtapos no'n, sinenyasan ako ni mama na tanawin ang nasa likuran ng mga dancer hanggang sa makita ko ang mahabang signage: W E L C O M E H O M E E L E I S O N !
Mangyaring napatakip ako ng bibig at nagtago ng mukha sa balikat ni mama sa sobrang flattered. Actually ang naglalaro lang sa isip ko no'n, papara ng taxi, uwi, iyakan, kain, tulog, end of day 1. Pero iba ang sequencing. Iyakan pala muna; lalo na no'ng magpakita mula sa lupon ng mga may hawak ng signage ang isang mama'ng may dalang bouquet ng rosas at "laurel wreath" o sa unang tingin e headband na gawa sa malunggay hanggang sa i-correct ako ni mama.
Mukhang bago magpakita sa'min e kanina pa ito umiiyak; pulang-pula kasi ang mukha at mamasa-masa pa ang mga mata. Nang makarating siya sa harapan naming, inukulan niya si mama nang napakatamis na halik sabay bigay ng bouquet.
Napalunok naman ako ng laway nang ipihit niya ang tingin pakaliwa't ako'y nilapitan.
"Buon- buonacera, Papa! Mi –" Di ko naitawid nang maayos ang sasabihin nang yakapin na lang ako ni Papa nang mahigpit at makaraa'y dinampi ang labi sa aking buhok. Sumunod, ipinutong niya sa akin ang dalang laurel at nagpakilala.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...