Mark's POV
Sh!t! umamin ba ako?
Ang pabalik-balik kong tanong sa sarili habang sakay ng jeepney papunta sa'min. Minsan talaga 'di ko napapansin, 'yong tumatakbo sa isip ko e tinatranslate na pala ng dila ko.
Though wala namang masama kasi pawang katotohanan naman ang lumalabas e; 'di siya constructed or fabricated. But then, I don't think kailangan niya pang masaksihan 'yong sensitive side ko, na di ko akalaing meron. 'Yon bang kailangan ko pa siyang pangaralan? Preferred ko kasi if I rather show than tell.
Pero depende pa rin sa sitwasyon e. Tulad ng nangyari sa'min ni Eleison kagabi. If I show Eleison I don't like what he's doing to me and to his body, matatauhan siya sure, pero 'yong pagkatao niya ang magsusuffer. And mas malaki ang probability na if I hit his ego that way, mas mahihirapan akong gibain 'yong wall na humahadlang para makilala ko 'yong totoong siya.
It's worth the risk of hurting some ego to learn the truth.
At no'ng kwinento ko 'to kay kuya Eiji, napaka-weird nang ikumpara niya ako kay Jesus Christ. Well, hindi naman point by point na pagco-compare I'm sure maraming aapila pag may nakaalam. Kinukumpara niya lang yong eagerness ko sa pagiging Good Shepherd.
Medyo mayabang kung ako magkwe-kwento pero para kasi sa kanya parang ako raw yong good shepherd that would go out his way masumpungan lang si Eleison, ang nawawalang tupa. Hinalintulad ni kuya Eiji si Eleison sa nawawalang tupa kahit na ang nawawala lang naman sa kanya ay memorya. But the logic is the same. I'm eager to help Eleison recover his memory.
And it seems like, gano'n rin ang pamilya ko. Mga Good Sheperds rin. Bakit kanyo? Nadatnan ko kasing naka-impake na ang mga gamit ko, courtesy of mama; nagluto rin siya ng ginataan dahil base sa kwento niya nakakatatlong hirit daw si Eleison nito dati. Si papa pinayuhan lang akong magprayer lead pag kainan na, kasi ito 'yong pinakanatatandaan niyang itinuro ni Eleison sa pamilya; si kuya binilhan lang akong isang pack ng Hany (regardless kung alam ba niyang paborito rin ito ni Eleison) at si lola, gusto niya isama ko si Yogurt dahil naalala niya, madaling napapatulog ni Eleison ang pusa.
It seems to me, lahat sila ay may magandang alaala kay Eleison. And they like to give it back.
Bale, nagpahinga muna ako sandali, naligo, chineck kung may kailangan pa ba akong iimpake bago magtaxi papunta ng condo. Kasama ko si kuya para tumulong. He got the chance to see Eleison.
"Uhm, Eleison, si kuya Buknoy nga pala. Natatandaan mo?" pakilala ko kagad nang makarating sa tapat ng unit. Ini-squint niya ang mga mata habang nakatago sa pintuan.
"Hmm, sorry, hindi e. But he looks... better than you." Harapang pambabastos sa'kin ni Eleison.
"May problema ka ata sa mata!?" Sabi ko, halatang di matanggap. "Sayang kung nandito lang si Jolina, magsasabi 'yon ng totoo."
"Actually nandito siya!?" aniya. "Jolina!? Andito na si Mark! Kasama niya 'yong younger brother niya!"
Pvta, younger brother!?
"May problema ka ba sa'kin!?" inis kong tanong. "Ako yong younger! Matanda na 'to!?" turo ko kay kuya.
"Mas mukha kang mature sa kanya, bes. Must be because of your beard." Labas ni Jolina para kumampi. "Hello po ako po si Jolina, ang bes ng bayan. Kayo po ay top, kung hindi ako nagkakamali?" abot niya ng kamay.
Tinignan ako ni kuya.
"Uhm..."
"Fujoshi raw ang tawag sa kanya." Bulong ko, in case ma-shock.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...