Mark's POV
Extra sando, brief, medyas... alright! Rock and roll to the world! Ready na 'ko sa BA/Accountancy Day!
Seryoso, no'ng sinabi ni John na magkakaroon nito ay! Talaga namang ang ligalig ko. Na-excite ako kasi bibihira na lang ako makalaro ng bola simula nang mag-college.
Pagdating sa sports, masasabi kong di hamak na mas magaling ako kung ikukumpara kay kuya. (Humble opinion). May mga times nga lang na dumudulas ang bola sa kamay ko (pasmado sa pagbabatik e) kaya napupunta 'to kung saan-saan.
Ang pinaka-favorite kong halimbawa no'n ay 'yong gabing dumiretso ang bola sa isang manhole at may nabagsakan itong "multo".
Tignan niyo, kung 'di dumulas ang bola sa kamay ko, walang rason para bumaba si kuya at magkakilala sila ni kuya Eiji.
Ako talaga ang puno't dulo, ang sanhi kung ba't sila may istorya, kung ba't sila may forever. Pasalamat sila at nagbabatik ako.
Tas ang ending ako pa pala walang ka-poreber, no!? Tanginis!
Dumating ako maya-maya sa school, nanggilalas nang madatnan ko si Eleison'ng nakaupo sa long table, maaga. Gumawa siya ng kasaysayan! Haha!
Syempre, 'di makokompleto ang araw ko kung hindi ko to aasarin.
"Ang aga ng bansot, ha!?" bati ko samantalang tumabi sa kanya.
"Magandang umaga rin, tungaw!" sagot nito sabay balik ng atensyon sa cellphone. Mas mahalaga pa talaga yon kesa sa presensya ko sa tabi niya!? Tss.
Ka-text siguro nito 'yong crush niyang si Tado. Maasar ko nga.
"Hulaan ko, ka-text mo 'yong crush mong taga-ibang school, no!?"
O e ang tanong, 'Naasar ko ba?'
Hindi.
Sa halip, ako ang naasar niya.
"Ang galing mo naman, Mark. Tama ka. Ka-text ko nga siya."
Walang preno. Tss.
"Iniimbita niya ako do'n sa sinasabi ko sa inyo ni Jolina na Youth Camp."
"Wow. Nice. Good for you." mga remark ko sa sinabi niya. Pero kung may translator lang talaga ng feeling, ibig sabihin ko talaga e, 'Pvta, wag sana matuloy.'
"Syempre tuwang-tuwa ka." dagdag ko pa sabay tingin sa kaliwa nang di malamang pinaplastik ko siya.
"Oo, Mark! Sobra akong natuwa! "
At sobra naman akong napikon nang sumagot pa talaga siya. Di ko na natiis, pinihit ko balikat niya para magkaharap kami.
"Di mo ba matunugan sa way ng pagtatanong ko ang sarcasm? Nang-aano kang bansot ka e, no!?"
"Hmm, para ngang may sarcasm... konti." sagot niya nang dahan-dahan.
"Hindi 'yon "parang", hindi rin 'yon "konti"." sabi ko't nagmaktol patalikod.
Si Ana mukha lang yang banal pero bully yan, galing mampikon. Pero itong pampipikon ni Eleison, higit pa sa kanya! 'Yong tipong sinasagot ka naman niya ng maayos pero sa isip-isip mo sana pala'y di na lang siya nagsalita.
"Alam mo, tungaw, maganda ang umaga. Wag mong sayangin sa pagsisimangot mo. Ngiti ka naman!"
"Okay, bigyan mo ko ng hmm... tatlong rason bat ko kailangan ngumiti?"
"Hm, kasi mas attractive tignan ang tao pag nakangiti?"
"Ayaw mo talagang gamitin pangalan ko e, no? Gusto mo general. 'Tao' sa halip na 'Mark'. Bakit, di ba tao si Mark?" katwiran ko.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...