Mark's POV
"Mark!? Mark!?"
Naalimpungatan ako sa pinagsamang sigaw at katok ni mama sa pinto.
"Bakit Ma!?" pahikab kong tugon habang ginugusot ang mga mata.
"Aba'y anong oras na!? Hindi ka pa nabangon!? Baka di ka na papasukin niyan!?"
Actually, yon ang plano ko.
Oo dre, balak kong umabsent para talaga maging makabuluhan at tuloy-tuloy ang aking pagre-research. Sinimulan ko na kasi 'to kagabi e; nagdownload ako ng podcast at youtube video ng old at new testament; at for the first time, nagalaw ko rin ang mala-encyclopedia sa bigat na Bibliyang nakatengga sa loob ng maraming taon. No'ng mahuli nga ako ni mama'ng binababa 'yon, nagtaka talaga siya e.
"Anong gagawin mo diyan!?" Obviously, ang sinagot ko ay,
"Babasahin!?"
At ayaw niyang maniwala.
"Gagawin ko lang reference, Ma. May ginagawa akong Historical Research." Sabi ko.
Tanging ginawa lang ni mama ay mapa-sign of the cross habang ang mga mata'y nagsasabing, 'Totoo ba 'to!? Humahawak ba talaga ng Bibliya ang anak ko!?'
Oo, totoo 'to dre. Nagpahawak ang Bibliya sa akin. Gusto ko kasi, kung ano 'yong marinig ko sa podcast at makita kong fina-flash na bible verses sa mga video, mako-confirm ko sa libro. Hindi parating eksakto ang sentence construction ngunit gano'n pa rin naman ang nilalaman.
Imposibleng matapos ko sa isang Linggo ang Bible from cover to cover. Sa Old Testament pa nga lang nakakalula na e. Kaya majority do'n lang sa mga libro kung saan nato-touch ang homosexuality ako nag-focus.
Sa totoo lang, hindi ko inakalang darating ang puntong heto ako't magbabasa ng Bibliya. Tangina, e 'yong Noli at El Fili nga ni Rizal hindi ko natapos e. Pero gano'n pala talaga 'no, kung meron kang isang bagay na gusto mong gawin; 'yon bang ikaw mismo nagdecide na iyon ang gagawin mo, mas madali pala at mas nakaka-enjoy. Tipong inabot ka na ng madaling araw pero ikaw gutom ka pa rin sa karunungan. 'Yon ang nangyari sa'kin kagabi.
At kung papasok ako, masisira ang momentum dahil una – hindi ko yon (Bible) madadala at ikalawa, madi-distract ako. Nagplo-plotting kasi ako; nagta-take note kung saang book, anong verse ko nakita yong sentence na 'yon at tinitignan ko kung kelan at saan ko siya pwedeng gamitin sa argumento.
Kaya kailangan ko 'tong gawin...
"Ma, hindi ako makakapasok." Ani ko't pinagbuksan si mama ng pinto.
"Diyos ko Mark!? Di maganda tabas ng mukha mo ngayon ha? May sakit ka ba?" dampi niya sa noo ko.
"W-wala, Ma."At least ito totoo. "Kaso, kagabi pa masakit ang tiyan ko e; hindi ako nakatulog." 'Yon na 'yong part na hindi totoo.
"E ba't hindi mo 'ko ginising!?" anang mama, ang lagay e kasalanan ko pa pala.
"'Yoko na kayong isturbuhin ni Papa e." Sabi ko sabay pahiwatig, "Ma, kailangan ata nandito si El para gumaling ako."
"At dinamay mo pa talaga ang tao diyan sa sakit mo!?" liyad ni mama. "Wag ka na muna ngayong pumasok, 'nak. Magpahinga ka. Kung 'di ako nagkakamali, nagkaganyan ka matapos mong basahin ang bibliya e. 'Di ka siguro hiyang."
"Siguro nga, Ma. Nagkaron ako ng rashes o!?" pakita ko kahit wala naman.
Maya-maya, dinalhan na ako ni mama ng aking almusal - Champorado topped with Hany tapos ...
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...