Yoghurt says 4

7.7K 246 25
                                    

Mark's Pov
Naalala ko sabi ni El; wala raw siyang maipintas sa’kin. Weh di nga? Legit ba ‘yon? Di ko kasi alam kung sarcastic o ano e!?
Kung sila mama't kuya kasi tatanungin, malugod nila ‘yong ipi-pinpoint. Iyon nga ‘yong pagpapahaba ko ng balbas, bigote at buhok (gumagamit ako no'ng Sunsilk Thick and Long ni Sarah Geronimo, mga isang buwan na!).
'Ermitanyo' - yan ako sa paningin ni mama; kung si kuya, 'Freddie Aguilar', kung si kuya Eiji naman, 'Chewbacca ng Star Wars'.
Sa tatlo, kay kuya Eiji ang pinakasukdulan. Hype siya. Di, joke! Buti nga 'di na  sumali si papa e.
Ang weird daw kasi ng trip na ‘to. Kaklaruhin ko lang, 'di ito trip. Isa ‘tong eksperiment kung saan ako na nga ang scientist, ako pa ang guinea pig.
Kumbaga, investigatory project ko ‘tong mag-isa. Ang null hypothesis ko - walang magmamahal sa'kin kung ganito ako kapangit o kayagit.
Hindi graded pero sa’kin, mahalaga. Kung kelan ko ‘to titigil, s’yempre kapag napatunayan ko ng mali ako. Kaya wag kayong ano!?
Banyo atm.
Banyo ang pinaka-paborito kong lugar sa bahay. Dito ako nagso-soul-searching, nagme-meditate, nag-aano (alam niyo na) kapag do'n na inabutan.
Ang mortal ko lang talagang kalaban ay ang mga isturbo tulad ng pagkatok at pag-aapura sa’king lumabas ng sanktwaryo.
"Huy Mark, bilisan mo diyan! Aalis kami ni Eiji! Nagsasariling-sikap ka na naman siguro diyan, no, kaya ka matagal!?" akusa ni kuya.
Tulad ko mahilig din siyang gumamit ng mga salitang pangkubli sa mga gawaing di angkop sa mga bata. Hahaha! Pero mali siya do’n. Nagbabasa lang ako ng Philippine Daily Inquirer, Business Section.
"Pag ‘yon nagalit sa’kin, idadamay kita!" pananakot pa niya. Nakita ko ng magalit si kuya Eiji. At oo, ako na nagsasabi, delubyo.
"Eto na!" ani ko, binuksan na rin ang pinto pagkaraan ng ilang segundo. "Pabuhos na lang, 'ya, ha!?"
"Baboy mo, buhusan mo muna inidoro, oy!" sigaw niya, nang-amba pang mambabato ng alpombra.
Inisturbo niya pagmumuni-muni ko e, magdusa siya.
Didiretso na sana akong kwarto no’n nang may mapuna ako sa harapan. Hindi mo siya pwedeng iignore e. Hindi mo kaya. Kaya naman, nilapitan ko.
"Pambihira!” sambit ko habang ginagawa ang pamosong paghawak sa baba. “Ma!?”
"Ano!?" Naroon siya sa kusina – favorite place niya sa bahay.
"Ba’t di mo naman sinabing nandito si Coco Martin?"
Si mama, natanga; biglang lumabas sa kusina. Nagniningning pa mga mata niyan!?
"Si Coco nasa bahay!? A-asan?" aligaga niyang paghahanap samantalang ako, nagpipigil na ng tawa.
"Eto, o!? Sa salaminan! Tsk!" turo ko sa repleksyon kong naka-pogi pose.
Kinabanas ‘yon ni mama. Alam mo ‘yong hitsura niya no’ng dinalhan ko siyang sotanghon sa halip na misua? Yon. Gano’n na gano’n. Times two mo, kasi favorite actor niya ‘yon. Haha!
"Sarap mong hambalusin ng coco lumber, ‘nak." aniya sabay balik na ng kusina.
"Love you rin, Ma! Haha!"
Dalawang beses ko ng nago-goodtime si mama na may artista sa bahay. ‘Yong una, no’ng sinabi kong nandito si 'Papa P'. Ta’s no’ng nalaman niyang hoax lang pala ‘yon, sabi ba naman,
'Baka gusto mong magaroti!?'
Lakas lang ng trip!
Pero noon pa man, na-realize ko ng may cool ako na mama. Biro mo, tomboy siya, bakla si papa. And yet, nagsama sila.
Alam mo na-realize ko rin, wala talagang kinalaman kung ano ang nasa pagitan ng mga hita mo; kundi kung ano ang nasa puso mo. Galing ko do’n, no?
Seryoso, aakyat na talaga ako ng kwarto, baka kasi tapos na ‘yong dina-download kong "educational" videos. Kaso narinig ko boses ni Ana. Di na 'yon biro, a!
"Mark!? Mark!? Tita Angie andiyan po ba si Mark?"
Da't talaga bumili na si mama ng rottweiler e, para di na makapasok 'tong si Ana.
Sumilip ako mula sa pintuan ng kusina’t inabisuhan si mama.
"Ma, sabihin mo wala ako. Maniningil na naman ‘yan e!" kamot ko sa ulo.
“O sige.” Ang sabi ni mama. Alam mo nangyari sa ‘O sige’ niya?
"Ay, Ana, wala raw siya sabi niya. 'Lika tuloy ka! Magbabayad na raw ang mokong!"
"Thanks, 'ta!"
Putek, diba!? Nilaglag ako ni mama! Hala, karipas akong takbo e. Kaso putsya, naabutan.
"Mark magbabayad ka na raw ng utang mo!? Magandang balita ‘yan a!" palakpak pa niya. Ako namang natigilan, pa-slowmo’ng humarap sa kanya.
"Next week na lang, 'Na!" pakikipag-transact ko pa.
"Next week this year or next year!?"
"S’yempre, next year!" Nagbigay siyang option e, bakit ba?
"Mukha mo! Amin na!"
Persistent din ‘tong babaeng ‘to e. Pilit ko na ngang kinakalimutan!? Asar naman o!
"Donasyon mo na lang kasi ‘yon, ‘Na!" usli ko sa nguso ko (attempt ko ‘yon sa pagmamakaawa).
Napabuntong hininga si Ana na para bang, 'Alam kong ganito ang mangyayari.'
"Gusto mo ba talagang magbayad Mark o ano? Yung tataa?"
"Sa tataa lang… ayaw.” Iling ko at nangatwiran. “Tagal na no’n e! No’ng highschool pa!"
"Aba mas lalo pa nga dapat akong maningil, ‘di ba? Malaki na interest no’n." aniya. "Pero sige, since mabait ako-"
"Pamasko mo na lang!?” pangunguna ko. “Yes! Nagsawa rin."
Iniling niya ang kanyang ulo na parang ang dating e, 'You poor thing'.
"Hindi ko na sisingilin utang mo… on one condition."
Napalagay ako ng kamay sa mukha tulad ng mannerism ni Du30.
"Truth or dare ba 'to? Truth na lang o!?" sabi ko.
"Ay hindi po tayo dito naglalaro!"
"Pag binigyan ba kitang isang pack ng Hany, tatantanan mo na ako?"
"That's bribery."
"O sige dalawa na, ano?"
"Mark, hindi mo 'ko mauuto." Ugh, tama siya do’n. ‘Di ko nga mauto-uto ‘tong babaeng ‘to. Kainis.
"Sige na nga, 'nong gagawin ko?"
Noon din, kasing lapad na ng noo niya ang kanyang ngiti. ‘Pag ngumiti pa naman ‘yan nang ganyan, kinakabahan na ako. ‘Lam ko kasi ako ang pon e. Ako ang ipa-pain.
"Simula Saturday ng school year na ‘to, ikaw Mark Lacsamana ay mag-vo-volunteer sa pagtuturo ng katekismo."
"Luh, tangina, di ako marunong magturo uy!" sabi ko kaagad. At an impulse. Natampal tuloy ako. 
Pero pinagpatuloy ko ang protesta.
"Ano, aalagaan ko ‘yong mga batang ‘yon? ‘Lam mo naman ako baby dito sa bahay e. Ako ‘yong inaalagaan. Di ako marunong niyan, uy. Ba'la ka diyan!" talikod ko’t lagay ng mga braso sa dibdib.
Si Ana naman, composed pa rin habang ako’y pinaliliwanagan.
"Mark, hindi ka habang buhay 'baby'. ‘Di parating ikaw ang inaalagaan, oy. Darating ‘yong time ikaw naman ang gagawa no’n sa iba. Ikaw magre-reach out."
Side glance after five seconds,
"Okay, may punto ka do’n!?" ani ko. "E pero katekismo ‘yon!? 'No tuturo ko? Di ako banal."
"Halata naman e." ika niya. May araw din ‘tong babaeng ‘to. Ang hard sa’kin!?
"Pero look, sino ba ‘yong mga ginawang apostles ni Jesus? ‘Di ba yong mga makasalanan rin? ‘Yong tax collector, mga ganern.” Kinumpara pa talaga ako sa apostol!?
“Mark, naniniwala akong may kabutihan kang maibabahagi sa kapwa. Di mo pa siguro alam kung ano ‘yon, at least may medium ka na para do’n. At eto nga ‘yong katekismo."
Sa huli,
"O sige na, pumapayag na ako." ani ko, sabay hirit, "May allowance yan, ha!?"
"Mark, kaya nga volunteer e. Gagawin mo, may allowance man o wala." Tignan mo nga naman ang paradox. Siya kaya nag-volunteer sakin. Diba kapag volunteer, kusa? Hay ewan!
"Opo, Mother Superior." pang-aasar ko. Feeling ko, isa pang dahilan kaya brineak ako nito ay dahil hadlang ako sa kanyang pagmamadre.
"Wag kang mag-alala." sabi niya. "Hindi ka naman kaagad magtuturo. Observe ka lang muna, assist-assist mga ganon."
"Ah, so ibig sabihin, may nagtuturo na. Phew! Tatlo pala tayo."
"Actually Mark, dalawa na lang kayo. Second year na ako. Kailangan kong magfocus sa study kung hindi, pagshi-shiftin ako." kwento niya. Mukha naman siyang seryoso. Di tulad ko na kapag nagdrama halatang joke (except kay mama).
"Kaya nga Mark kailangan ko tulong mo. Alam mo naman ang mga bata pasaway."
"So, hindi siya marunong magsaway? Ang weak naman pala." Pangta-talk-shit ko.
"Marunong siya magsaway." pagtatanggol niya. "Kaya lang sa personality niya, hindi niya agad mapapasunod ang mga bata." Siguro ang personality no’n tulad nang kay El.
"Ako ng bahala sa mga batang makukulit!" ika ko. "Leather belt at hanger lang katapat ng mga ‘yan."
Na-offend si Ana.
"Baka gusto mong ako humataw sayo no’n, Mark?" aniya, sinigaan ako ng mata.
"Yong mga street children na tinuturuan namin, ilan sa kanila inaabuso na ng mga magulang. Dadagdagan mo pa?" Pamimingot niya sa'king tenga.
Yan. Napingot. Nasaktan. Napangaralan. Grabe. Ako na nga ‘tong tutulong e.
Nagdiscuss pa siya ng ilan pang mga dapat kong malaman tungkol sa katekismo.
Makikita mo sa mata niyang passionate siya rito at desidido talagang gawin akong kasapi ng kulto, este ekstracurricular activity na ‘to.
Natanong niya ba kung passionate rin ako? Sa kama, oo.
"Ikatataas ba to ng grade ko?" pabiro kong tanong.
"Hindi. Pero makakasigurado kang may grade ka kay Jesus."
Ugh. Ewan ko pero nanginginig lang kalamnan ko ‘pag binabanggit ‘yang pangalan na ‘yan. Gagu, di ako atheist. Sadya lang talagang di ako pala-simba.
Basta, 'pag narinig ko ‘yan, nakakaramdam ako ng konsensya. Para kasing may gusto Siya sa'king ipagawa kaso ayokong gawin kasi ang corny at nakakahiya.
Kaya nga pilit ko ring kinakalimutan tulad ng utang ko e. Hehe!
"Huy Mark, nakikinig ka ba sakin!?" kuha ni Ana ng atensyon ko.
"Ha!? Oo."
"O sige nga, ano sinabi ko!?"
"Ana, di maganda recall ability ko kaya nga ni-record ko e." sabi ko, pinakita pa ang cp.
"Good!"
Actually front ko lang yon. Di ko talaga ni-record. Haha!
Nang maya-maya may kahihiyang ginawa itong si kuya. Putek, bigla ba namang hinagis sa lamesa ‘yong dyaryong pinalayawan ko ng Philippine Daily Inquirer?
"Naiwan mo sa banyo.”
E nabasa ni Ana. Actually kahit di niya na basahin, halata namang x-rated e.
“Tsk.Tsk.Tsk. ‘La ka pa ring kupas, Mark."
“Ah, kaya pala lukot na lukot na." lingon ko kay kuya. "Wag ako kuya. Wag na tayong maglokohang di mo to napakinabangan!"
Bigla tuloy tumayo si Ana nang may pandidiri sa'ming magkapatid.
"Basta Mark sa Saturday, ha!? Ii-inform ko na si Eleison na may bago na siyang makakasama." At ako'y natigilan.
"Sinabi mo ba Eleison?"
"Oo. Kilala mo siya?"
"Classmates kami."
"Good. At least, ‘di na siya ma-aawkward tulad ko sa mga oras na ‘to. ‘Ge alis na ako. Bye kuya Buknoy! Bye tita!?"
Umalis si Ana, umakyat naman si kuya. Samantalang ako, naiwan sa sofa.
Pupusta akong iiyak 'yon sa mga bata. Di kasi, sa lumanay niyang magsalita, baka akalain ng mga bata, nagpapatawa siya (kahit sa totoo pala beast mode activated na)!?
Totoo, malambing siyang magsalita. Pero hindi pabebe o sinasadya. 'Lam niyo 'yong rising and falling intonation na topic sa English?
Wala siya no'n.
‘Galit-na-ako. Hala-ang-judger-mo-di-naman-ako-ganon-kaliit-a.’
Hahaha! Futa, pag ginagaya ko siya, sumusuko ako sa kakatawa e!
At sumusuko na rin ako kay Ana.
Aattend na ako ng katekismo na yan kahit kapalit no’n e pagkamatay ng ice candy business ko tuwing Sabado.
Naglalako ako ng ice candy sa may amin sa halagang limampiso. Maliit lang puhunan do’n. Bibili ka lang ng dalawang sachet ng Tang at Milo, asukal, igib ng tubig galing Nawasa, bawasan ng 25 % commission sa paggamit ng ref ni mama, may pera ka na!
Para ma-attract ang mga prospects ko syempre yong ice cooler na dinadala ko dapat catchy. Kaya naman, nilagyan ko ng caption: ‘Tang-ina-Moo!’ P10 pa-print ko do’n, ha? Colored kasi.
Mabenta siya; ang backlash nga lang ay ‘yong mga tumatawag sa Baranggay na kesyo pinagmumura ko raw ang mga bata.
Pero ang punto ko dito is, paano ko makikita yong supposed to be na kita ko sa pagtitinda ng ice candy kung magvo-volunteer ako sa mga bata? Ang laki ng opportunity cost ko kung gano’n.
Ang opportunity cost ay yung cost sa pagpaparaya mo sa isang bagay para sa isa pang bagay (Hugot!). Kumbaga, kung igi-give up ko ang pagtitinda no’ng Tang-ina-Moo! para sa katekismo, gaano na lang kalaki ang pagsisisi ko?
Initially, ang sa isip ko sobrang laki. Hanggang sabihin ni Ana ang mga katagang,
‘What is it for a man to gain the whole world but forfeit his own soul?’ Isang malakas na palakpak para sa kapatid natin sa pananampalataya! Gano’n mang-dagok si Ana.
So I guess, hindi ako lugi. Kasi nag-iinvest din pala ako para sa aking kaluluwa. Pero di ko pa 'yan masyado iniintindi.
Ang iniintindi ko, business substitute sa ice candy.
Kung hindi ko man makikita sa Saturday, kailangan kong kitain sa weekdays. Dapat yong ititinda ko ‘yong di natutunaw; da’t yong nabubulsa, nangangata.
Hanggang sa mapatingin ako sa dyaryo na binili ko kaninang madaling araw (para wala sa’king makakita). At binigyan ako nito ng ideya:
Magtitinda ako ng mani – kulay brown at pink! A este, maalat at matamis!
Kinontrata ko na agad si mama na tulungan ako sa pamimili’t pagluluto. Sa una, nakikipagmatigasan pa e. Pero no'ng sinabi kong igi-give up ko ang aking Sabado para sa mga bata, biglang natuwa.
"Tama 'yan, nang di puro pera hinahawakan mo!" ika pa niya.
Oo nga naman. Para makahawak na rin akong leather belt at hanger. Hahaha! Di kasi, napapalo rin ako nila mama no’n e. Give-back lang sa mga bata. Nyahaha!
Sa totoo lang, uma-attend rin ako, si Ana, mga tropa kong hamog, ng catechism noong elementary days namin; tanda ko pa nga nagkakabisa kami ng mga bible verse e, at sa amin, si Ana ang pinakamagaling.
Ewan ko ba, nilamon siguro si Ana ng sistemang yon kay siya man ngayon nag-oorganize nito.
Huwarang tao, no? Yan ang isa sa dahilan kung bakit ako sa kanya humanga, na-attract, nagka-gusto. Tulad ng sabi ko, naging kami.
I guess, wala talagang bearing sa’kin yong physical appearance. Di naman kasi seksi at maganda 'tong si Ana (no offense, Ana, ha?) Hahaha!
Siguro 'yong kinakanta ni Jesse McCartney na Beautiful Soul totoo yon. Beautiful soul ang attractive sa’kin at nagkataong nakita ko 'yon kay Ana.
Kinabukasan, dumating ako sa school na may dalang recycled bags. Kulay pula. Attractive raw kasi ito sa business, especially sa food industry.
‘Ta mo ‘yong Jollibee, McDo, Chowking at Wendy’s, litaw na litaw ang pula!? Modus pala nila ‘yon para makaramdam ang mga nakakakita ng pagkagutom; para sila bumili, um-order. 'Yon din ang plano ko.
Kaya nga naka-red shirt din ako e. Para magutom rin ang mga makakakita sa'kin. Hehe!
Hoy, kahit mukha akong tikbalang sa pinaggagagawa kong social eksperiment masarap ako, no? Yon nga lang wala pang nakakatikim sakin. Hehe! Ang harot ko do'n banda.
“Mark, ano yan?” tanong ng isa.
“Mani guys, binebenta ko, sampung piso lang. Kakagawa lang namin yan ni mama!” sabi ko. “’Lam ko mamaya may long quiz tayo. Kailangan niyo ‘to. Pramis.”
“Sige, pabili ako lima.” At ayon na nga, dinumog na.
Balak ko pa namang mag room to room kaso parang dito pa lang mauubos na. Gan’to siguro kapag ipinapasa-mani ang quiz.
Inalok ko rin yung mga kaklase kong lalaki.
“Mga pre, ‘lam kong mahihilig kayo sa mani. Bili naman kayo nito, o! Nang maiba naman!” alok ko.
“Kakakain ko lang ng mani bago pumasok dito e. Pero sige, pasalubong ko sa gf ko.”Bumili ‘yong hokage ng lima.
“O kayo bili na rin kayo!” engganyo niya sa iba. “Pagtiyagaan niyo na muna kung ganyang klaseng mani pa lang nakakain niyo. Makakatikim rin kayo nung isa. Diba, Mark?” At dinawit pa talaga ako.
“A, oo. Mas masarap pa dito!” Sinagot ko rin naman.
No’ng mga oras ring ‘yon, dumating si John, naka-shades. Ang porma talaga kahit kelan. Tipong ang init-init, naka-sweater.
“Ano yan?” usisa niya sa’min, matapos ilapag ang bag sa upuan.
“Mani. Bili ka?” taas ko ng dala ko.
“Magkano ba mani mo? Pwede ko ba munang tikman?” ang mangisi-ngisi niyang tanong. Napalunok ako ng laway.
“S-sampo isa. May matamis, may maalat.” Sabi ko.
Hanggang sa may magsalita mula sa amin.
“Akin John, P 1k. Dagdag ka lang ng 500 may dessert ng kasama.”
Okay, hindi na mani na tinda ko ang topic dito. Iba na.  E hindi ko naman kontrolado isip ng mga kaklase ko, diba? Di ko naman sila pwedeng sawayin. Desisyon nila yan e.
“Ay weh? Sige tara, usap tayo mamaya.”
“Pag may tapon, dagdag isang daan.”
“Don’t worry. Pag ako kumain, walang tapon, walang sayang.” Kindat ni John.
Futa. Kung pwede lang sanang maging bingi ng mga oras na yon, ano? Para di ko marinig. Para wala akong ma-imagine.
Kalma lang, Mark Jr. Hang in there. Wag kang lalaki.
“A, ilan bibilhin mo John?” balik ko sa usapan.
“Lahat na ‘yan.” Sabi niya, sabay labas ng ‘barya’. Oo dre, barya sa kanya yong P500!
“Teka P500 dibaydibay…(wala nga pala akong calculator) kulang na ‘to, wait lang kukuha pa ako ng mani.”
“It’s okay Mark.” Kuha niya sa bag, ‘di talaga nakalimutang hawakan rin ang kamay ko. “Mabibigyan ko na lahat ng classmates natin nito. Also, keep the change.”
Binigyan niya lahat ng naroon sa klasrum ng tig-da-dalawa. Kahit yung iba, na wala pa, nilapagan na rin niya. Pero pagdating do’n sa harapan, specifically, sa upuan ni Eleison,
“Sa’n na ‘yong nakaupo rito?” tanong niya sa seatmate ni El.
“Absent ata.”
“Oh well, kahit naman nandito siya lalagpasan ko pa rin siya e.”
Hindi ‘yon self-talk. Sinabi niya talaga yon. Ang classic dito, biglang dumating si Eleison.
“Ay, eto na pala siya. Kararating lang.”
Nang nilingon ito ni John, nawala ang ngiti niya sa labi. Pero itong kay El, hindi. Alam mo, kahit walang rising at falling intonation ‘yang boses niya, kabisado ko na yong happy face niya.
“Hi John! Nagawi ka rito sa unahan?” tanong niya samantalang inaayos ang pagkakalagay ng bagpack sa upuan.
“Nothing. Namimigay kasi ako ng mani sa kanila. The thing is, bibigyan sana kita kaso na-realize ko sa sobra kong mapagbigay, hindi ko natirahan sarili ko. So, would you mind, kung di na lang kita bibigyan?” tanong niya.
At natanga ako sa isinagot ni El.
“Thank you pa rin John kahit di mo ko mabibigyan, nando'n naman 'yong intensyon mo e.”
Napatingin yong seatmate niya kay John dahil alam niyang wala naman talagang intensyon. Gusto niya sanang i-correct dun si El kaso tumahimik na lang.
“You cannot give what you don’t have, tama? Kaya hindi ko ikakatampo na di mo ako nabigyan kasi alam kong mas kailangan mo yan.” dagdag pa niya.
Ladies and gentlemen, ganito mang-burn ang isang Eleison ‘Bansot’ Vermicelli. See, yun yung sinasabi ko na hindi siya aware na may ill-will laban sa kanya pero at the same time, hindi niya alam na nakaganti na pala siya.
Kung ako si John, nilamon na ako ng konsensya ko, hiniling ko na na sana kainin na ako ng lupa. Pero si John nga pala 'yon. Siya 'yong tipong may placard na ‘Lakompake’ 24/7.
Para ngang walang nangyari e. Casual lang ang lakad,  playing cool. Siguro para ipaalam kay El na “mas kailangan” niya nga talaga ‘yong mani, nagbukas siya ng isa gamit ang ngipin.
Pero pvta, lahat kami napalingon nang magmura siya ng English.
“Fuck! Is this peanut?”
“Yea, mamen!?” biglang sagot nung madaldal. “In tagalog, dodo, dude! It comes with different sizes - bite-size, medium-size, large-size! ”
Di ko kinaya yong bite-size. Wtf!?
“Oh fvck, oh fvck, oh fvck!” initsa niya yong hawak na mani at dali-daling nagpunta sa upuan.
“John, namamantal ka!?” Laking tulong ko non, e, no?
“Of course, I am!" Sigaw niya. “Allergic ako sa peanut!!!”
Siguro sa kagustuhan niyang i-justify kay El na kailangan niya yong mani, di niya namalayang allergic pala siya rito. Mabuti na lang at meron siyang dalang gamot.
Wala namang tubig.
‘Yong sa akin na lang ang ipinainom ko. Siguro naman di niya na itatanong kung mineral yon o ano, diba? Galing lang kasi 'yon sa gripo.
Halos lahat ng mga kaklase ko e naroon, nakapalibot kay John, nakikiusyuso. Samantalang si El, nandoon lang sa kinauupuan niya, dumudungaw.
Kinumpasan niya ako nang makita akong nakatingin sa kanya.
“Mark, sabihan mo classmates natin na wag kulubin si John; kailangan makahinga siya nang maluwag.”
Hindi naman pala sa wala siyang pakialam kay John. Actually meron.
Sinunod ko sinabi niya, pinakiusapan ang iba at pagkaraa’y bumalik sa kanya.
“Ano, okay na?”
“Oo. Mas okay na siya.”
“Mabuti naman!” Hinga pa niya nang maluwag.
'Yong totoo, hindi ko ba talaga maririnig sa bansot na ‘to ang mga katagang, 'Ayan! Buti nga! Bilis ng karma, ano!? Swapang ka kasi tang-ina-moo!’ Sa halip,
“Allergic pala siya sa mani, ano?”
“Ikaw ba?” ani ko.
“Uhm, hindi.”
“O, e di sayo na 'to.” Lapag ko sa arm chair niya ng dalawa.
“Ha? E ikaw?”
“Ano ba, ako nagtitinda nito e! Pinakyaw ni John 'yong isang bag.” Eksplayn ko rito sabay tayo, hawak ang cellphone. “Maglalako na muna ako sa ibang classroom, okay? Penge akong number mo.”
Napakurap si El na para bang, 'Anong connect?'
“Ha? Para sa’n?”
“Uhm, para...matawagan kita!? In case na dumating si sir, maiinform mo ‘ko.” Sana wag niya ng i-analyze yong rason ko kasi alam ko namang invalid.
“A gano’n ba? Uhm, sige na lang.” kinuha niya yong cellphone ko at dinutdot ang kanyang number.
At gano’n ladies and gentlemen, kung pa’no kumuha ng number. Haha!
“Sigurado kang number mo to, ha? Baka imbento mo lang ‘to.”
“Bakit ko naman iimbentuhin yan?”
“La lang. Baka kasi ayaw mo kong kausap.” Sabi ko sabay gumawa ng miss call.
Kanya nga.
Mark, isa kang alamat.
Awa naman ng Diyos naubos ang paninda ko. No'ng tawagan ko si El, five minutes late na pala ako no'n sa klase, muntik na akong di pag-taken ng quiz.
Ang classic lang dito, no'ng nag-long quiz na halos wala rin akong naisagot. Oo, kahit anong ngata ko ng mani, wala man lang pangitain o vision ang sa'king nagpakita. Kakahiya, di ba?
E kung hindi naman enumeration yon, panigurado may maisasagot ako.
Enumeration is equal to memory, essay is to reasoning (ayon sa aking opinyon). Ang laking deperensiya. Bigay mo sa'kin yong mga item na ie-enumerate, kaya kong gawan ng rason kung bakit 'yon mahalaga. Dali-dali lang mang-mema e.
O tapos, yon, chineck-an agad yong quiz. Lam niyo score ko? Itlog. Kulay brown pa (di, joke, brown ballpen ang pinang-check ni John).
Kung pumayag lang sana ako sa suggestion niya na palitan ko ng tamang sagot yong papel ko matapos kaming mag-exchange paper, parehas sana kami ng score – perfect.
Di nga lang siguro ako makakatulog nang mahimbing no'n kahit ilang episode pa ng hentai panoorin ko.
Ayos na rin. Di lang naman ako ang bokya e. Tatlo kami.
Pero ang kinagulat ko talaga ay etong si El na naka 5 over 20. Akala ko nga kapag bakla ka, magaling ka na kaagad sa academics e.
So ibig sabihin ba, hindi bakla si El? Haha!
Gusto ko ngang tanungin, ‘Oy, ba’t ang baba ng nakuha mo?’ kaso baka mabara ako at masabihang, ‘Huwaw ha!? Hiyang-hiya naman ako sa nakuha mo!?’
Pero turned out, di naman ako binara no'ng kinamusta ko nga score niya.
“Mahina ako sa ganitong klase ng exam e.” aniya. True or False ang gamay.
Matapos ang klase na 'yon, nagpaiwan na si Eleison sa klasrum.
Kabisado ko na kung anong araw at oras tumatambay sa klasrum itong si Eleison. Alam ko dahil napapadalas na rin ang pag-stay ko kasama niya.
Desisyon kong samahan siya rito, okay? Di naman niya ako pinagbabawalan e. Pero di rin naman niya ako pinipilit. Kumbaga wala siyang pake kung nandoon ako o wala. Ang hopeless rin kung susumahin, no?
Di, kaya naman gusto ko siyang samahan kasi, ang lakas ng kutob kong wala 'tong kaibigan.
Ito talaga napansin ko e: si kuya Eiji, may ate Patti!? Si Natalie, may Butterpillar!? Pareho silang may mga sidekick. E etong si El, sino'ng sidekick niya?
"Si Hesus!?" sagot niya nang akin ngang itanong kani-kanina.
"Haha! Corny mo naman!" komento ko sabay tawa.
Nang hindi siya sumabay sa pagtawa.
Sh!t Ana version 2.0.
"A, uhm, sorry." kamot kong batok.  "Ibig kong sabihin, tao na kaibigan. S'yempre, kaibigan natin yang si Bro! Amen!? Hallelujah!"
Tumingin uli sa'kin.
Seryoso, kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa ako na double-kill! Joke lang naman yong 'Amen!' at 'Hallelujah' e!?
Ba't di ko rin kasi masupil tong bibig na to e!?
"Alam mo, mas mainam na kaibiganin si Bro. Kasi si Bro, nakikinig sayo; si Bro hindi ka pag-iisipan ng masama; si Bro, hindi nananakit; si -"
Bigla siyang napatigil.
Marahil, naparami siya ng kwento. At marahil, na-realize niyang binibigyan niya ako ng clue kung bakit wala siyang kaibigang tao. Not necessarily wala. Pero parang ang ipinararating niya ay, he used to have.
"Uhm, 'sot, ano nga palang gagawin mo sa Saturday?” iba ko ng usapan.
Alam kong ito rin ang gusto niya na gawin ko. Ramdam ko. O 'ta mo, nagliwanag ang mukha.
"Ang totoo niyan, magtuturo ako sa mga bata.”
“Yong sinusulat mo sa likod ng notebook mo, lesson plan ba yon?”
"Pano mo nalaman? Ang galing mo, ha!? May lahi ba kayong manghuhula?”
"Yong lola ko. Sabi niya.” At tinawanan ko na lang. “Siguro bihasa ka na sa pagtuturo, ano?”
“Naku, hindi, no? Kakasimula ko lang no'ng bakasyon.”
“A, oo. Yong nahulog ka sa manhole pagkatapos mong maghatid, tama ba? Hahaha!”
Putek, hindi. Strike three na 'ko sa kanya! Argh!
Kala ko naman 'pag pinaalala ko yon, mas gagaan lalo ang usapan dahil ayon nga, meron ng room para mang-inis, mang-asar, etc. Yon pala, iba makikita ko. At first time kong makita 'to.
Takot.
Something tells me, hindi lang siya basta nalaglag sa manhole di tulad ni kuya Eiji na purely katangahan talaga ang dahilan (ang sama ko kay kuya).
At hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong malaman. Gusto ko siyang tulungan. Pero kailangan ko munang makuha tiwala niya.
“Uhm, sot, pinaglihi kasi bibig ko sa pwet ng manok e, hayaan mo, masasanay ka rin. Sige, tuloy mo lang kwento mo.” Encourage ko pa. Tumango siya.
“Ayon, naglakas-loob akong magpakilala kina Ate Ana, pagkatapos ng katekism noong nakaraang Sabado. Sabi ko gusto kong tumulong.”
“Ana, yung Accountancy?”
Playing dumb.
“Mm! Ang saya niya lang nang magpakita ako. Para raw akong hinulog ng langit.”
“Hinulog talaga? Hahaha! Bakit naman gano'n siya kasaya?"
"Kasi ibig sabihin, tuloy pa rin ang katekismo." sabi niya. "Balak niya kasing itigil na muna yung activity na 'to gawa ng magiging busy na raw siya sa pag-aaral.” In fairness naman kay Ana, consistent ang dahilan.
“So ang lumalabas, parang ipinapasa na sayo ni Ana ang responsibilidad sa paghandle ng katekismo?”
“Uhm, siguro!? Pero ang sabi naman niya sa akin e meron daw akong makakasama kaya, okay lang.” kibit-balikat pa ng loko, walang kaalam-alam na ako 'yong tinutukoy niya.
Mautak talagang Ana. Magbayad na lang kaya akong isang libo nang matigil na ang kagaguhang to!?
“Di ka ba natatakot, sot?”
"Natatakot rin konti." sagot niya "Pero kasi mas lamang yong kagustuhan kong magturo e.”
“E do'n sa sinasabi ni Ana’ng makakasama mo? May expectation ka ba sa kanya?”
O bakit? Ina-assess ko na sarili ko para kung sakaling hindi ko ma-meet, bayad na lang ako P1k.
“Expectation? Hm, wala naman. Kung may tiwala si ate Ana sa kanya walang rason para di ako magtiwala.”
Tignan mo ginawa mo Ana!? Wala raw expectation! Trustworthy raw kasi ako!? Argh! Naiinis na ako! Feeling ko pinagplanuhan niya 'to!
“Pero sana marunong siya mag-gitara para masaya!” ika niya ilang sandali lang. “Yung sa amin kasi, di nawawala yung pagkanta tas lalapatan mo ng mga galaw, tapos... basta! Ang saya!”
Limang segundo ko tong pinigilan at...
“Pfft! Hahaha!” May lumabas na kanin sa ilong ko. Kumakain na kasi ako ng lunch (Yellow submarine as usual).
“Hoy, napa'no ka?” tanong niya habang papalapit sa'kin, dala ang baon niyang tubig. Binuksan niya to para sa'kin. "Uminom ka. Hindi yan mineral, ha? Pero malinis yan."
Ininom ko ang binigay niya nang nakatalikod sa kanya. Gagu, ba't ako haharap sa nagpatawa? 'Yokong tubig naman ang lumabas sa ilong ko, no? Gotohan at lugawan lang?
"Ano, okay ka na?" haplos niya sa likuran ko. Tsaka ako humarap.
“Ikaw kasi e! Kakatawa ka magsalita.”sisi ko sa kanya. “Yon bang sa sarili mo sobrang saya mo na, pero kami, kailangan pa munang ma-convince kung, 'talaga ba!?' Hahaha!”
“E anong magagawa ko!?” kibit-balikat pa niya.
“Wala. Wala ka dapat gawin! Just…be yourself.” pagthu-thumbs up ko pa.
And for the last time, naka-strike four na ako!
Pvta, motivational, positive naman yong sinabi kong 'Be yourself' pero bakit...bakit gano'n ang dating sa kanya!? May masama ba sa pagiging ikaw?
Bakit ang sinasabi ng mata ni Eleison meron?
Ugh. Eleison, napakamisteryoso mo.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon