Yoghurt says 10

4.5K 217 50
                                    

Mark's Pov

Di ko na matandaan ang huling beses na gumamit ako'ng alarm clock para magising. Hindi naman kasi ako tulog mantika e.

Katunayan niyan, 4:30 am ang usual ko na gising pero para sa Youth Camp na 'yon, sige, nag-alarm ako ng 4:29 am. Laking tulong e, no?

Si El kasi ang kulit. Mag-alarm daw ako sa cellphone, sa alarm clock tas bilinan ko raw si lola't mama (kung sila mas nauna). Tatawag rin daw siya sa'kin para magsabay-sabay na.

Parang si mama lang no'ng elementary ako; masyadong time conscious.

At tinotoo niya nga ang pagtawag.

"Hello, Mark!? Good morning!"

"Hm?" Nagbangag-bangagan ako.

"Ayan, mabuti gising ka na!"

"Sa totoo niyan Sot..." Humikab muna ako para mas realistic "...gising na ako simula pa kagabi. Nakilamay ako. Ngayon pa lang sana ako matutulog."

"Ay, ganon ba? Naku, nakikiramay ako." ramdam ko sa boses niya ang lungkot. "Pwedeng mahingi pangalan niya Mark at ipagdadasal ko."

"Uhm, ano, uhm, Kurdapya. Kurdapya Makabebe." imbento ko.

"Kurdapya Makabebe... sige Mark, ipagdadasal ko siya." sabi niya. "Matulog ka na, okay?"

"Papa'no 'yong Youth Camp?"

"Sasabihin ko na lang kay Thadeuss na biglang sumama pakiramdam ko. Magpahinga ka na lang diyan."

"Hindi mo ba 'ko papagalitan?"

"Bat naman kita papagalitan, Mark!? Maganda naman ang ginawa mo e. Nakilamay ka. Siguradong-"

"Nagjo-joke lang ako, sot! Hahaha! Dali mo utuin!"

"Ikaw talagang tungaw ka! Napakuha pa akong ballpen at papel!" inis niya. "Bumangon ka na, ha!? Magkita tayo sa waiting shed. Wag mong kalimutan 'yong mga tinext ko."

"Masusunod po!"

Actually naka-prepare na ako kagabi pa. Sa text niya, pinagdadala kami ng mga gamit na good for 2 days and one night.

Hindi ako excited kaya ako nagprepare; takot lang ako kay El baka magtampo.

Ang maganda dito, 'di na namin poproblemahin ang attendance o quizzes dahil considered "excused" 'tong activity na 'to. Nagbigay sila ng letter sa'ming Dean na siya ko namang pinakita kila mama.

Sabi pa ni mama o,

"Ayan. Dapat mga ganito 'yong pinupuntahan mo, anak. 'Di puro facebook at dota sa Mineski." Kung papano nalaman ni mama ang Mineski, wala akong ideya.

"Mabuti talagang impluwensya sayo yang batang yaon, apo!" ani pa ni lola, halo-halo ang tsaa.

"Kaya nga La, e. Baka masunog ako! Hehe!" tugon ko samantalang bitbit na ang mga gamit at humalik sa kanila. "La, 'yong baby namin ni El, ha? Wag niyo pabayaan."

"Si El ang wag mong pabayaan, apo." ani lola. "Lalo na ngayong masama ang kutob ko."

"Di ba kulang ng 'skip' yang baraha mo, 'la?"

"Nakita ko na kanina."

"Ay ganon ba? Sige 'la, makakaasa ka."

Pagdating ko sa waiting shed, wala pa siya. Mga eksenang ganyan talaga e, no? Ikaw inaapura tas siya itong late. Masermonan nga.

"Hello?" sagot niya sa tawag ko.

"Asan ka na? Lakas mong mang-apura, nauna pa pala ako sayo!? Bansot ka talaga!?"

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon