Eleison's POV
'Good morning God!' Ganito ko simulan ang umaga pagkamulat na pagkamulat pa lang ng mga mata ko. Noon. Oo, noon.
Ngayon, 'Ugh! Umaga na naman!'
Tila nawalan na ako ng siglang bumangon sa araw-araw. Pinipilit ko na lang talaga ang sarili; kesa naman maglublob ako dito sa bahay malasin ko uli pambababoy ni tito.
Pero si tito simula ng dumating sina tita, hindi na ako pinag-uukulan ng pansin. Ang galing nga e. Madali lang sa kanya ang magsa-walang-bahala. Gusto ko 'yang talentong 'yan.
At sana meron ako ng talentong 'yan. Ngayon. Ngayong tinatahak ko ang daan papunta sa first class ko subalit hindi naging madali.
Parang may mali e.
Ako kasi 'yong tipo ng taong hindi mo pag-aaksayahang lingunin, di makatawag pansin, malala pa sa hangin.
Pero ngayon, sa'nman ako malingon, may mga matang nakamasid sa'kin. At malayo sa pagiging 'friendly' ang mga tingin na 'yon.
Ilan sa mga 'yon ay 'yong dalawang babae na may pinag-uusapan ngunit nang papalapit ako'y sinuri ako mula ulo hanggang paa; sinundan nila iyon ng bulungan.
Meron namang mga nakaupo sa gilid na kanya-kanyang dumura nang madaan ako. Ayoko pa sanang isipin na ako ang object ng mga kilos nila. Pero no'ng malagpasan ko ang isang grupo ng mga lalaki't may nirereenact na eksena (yong tulad sa gagawin ko sana kay Mark), napakaripas ako ng takbo sa sobrang hiya.
May alam sila. Pero papa'no? Wala naman akong ibang pinagkatiwalaan nito liban kay...
Panandalian akong tumigil at napahawak sa kalapit na hand rail. 'So ito ang kapalit ng libreng sakay, hot fudge, Jack Daniels at isang gabing pakikituloy? Pvtangina mo John. Pvtangina mo.' panggagalaiti ko.
Nakarating ako sa hallway ng unang klase na iisa ang layunin - ang komprontahin si John. Subalit sa tingin ko, gano'n din si Mark sa akin.
Nakasandal siya noon sa pader at waring may hinihintay. Napaayos lang siya ng tayo nang ako'y makita. Naglakad. At ako'y sinalubong.
Hindi 'yong parang asong Mark ang nakikita ko. Walang wasiwas ng buntot sa ekspresyon ng mata niya.
"Mag-usap nga tayo." Hila ni Mark sa'kin.
"Hindi ko ginawa 'yon!" bwelta ko ka'gad sabay hila sa braso ko.
"Ang alin?" ang tila naguluhan niyang tanong. "Mag-usap tayo... tungkol sa 'di mo pagpunta no'ng Sabado. Hinahanap ka ng mga bata, 'lam mo ba 'yon!?"
"Ah, 'yon lang pala. Akala ko ano na." Napahinga ako ng maluwag. Pero kung sa'kin isa 'yong relief, kay Mark isa 'yong pang-iinis.
"Ano'ng 'yon lang pala?' Tangina 'sot, para kaming tanga ng mga batang naghihintay sa pagdating mo. Pero ano? Hindi ka dumating."
"E di sorry." Sabi ko sabay aalis na sana. Pero pinigilan niya ako.
"Sa mga bata ka mag-sorry, sot, hindi sa'kin; dahil ang hinihingi ko sayo, eksplanasyon."
"Mark, isang beses ko pa lang ata nagagawa 'yon. Ang unahin naman ang sarili. Kailangan pa ba ng eksplanasyon 'yon?" ang sabi ko. Pakiramdam ko tuloy napakadamot ko.
"Sana man lang nagtext ka ka'gad o tumawag. Di yong pinagmumukha mo kong tanga't nag-aalala!"
"Sorry kung hindi ko nagawa 'yang ine-expect mo. Nasira kasi cellphone ko."
"Maayos pa 'yon, ha, no'ng binalik ko."
" Sa labas, oo mukhang maayos. Sa loob, sira na. Sirang-sira na." sagot kong matalinghaga. "Yaan mo next time –"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...