Yogurt says 44
Mark's POV
May HIV si Eleison. Yan ang sumasagi sa isip ko habang nagco-commute. Hindi ako nagtatanong. Kinikumbinsi ko lamang ang sarili ko na meron nga siya nito. Nabibilisan ako sa nangyayari.
Nagsinungaling nga siguro ako sa kanya na di ko alam ang sakit na 'yon. Pero ang totoo, may alam ako. Alam ko na pinapahina nito ang resistensya ng tao at dahil do'n mas magiging susceptible ito sa iba't-iba pang sakit. Alam kong kapag hindi ito naagapan, magiging AIDS 'to. Alam kong maaari siyang mamatay dahil dito.
Ngunit alam ko ring hindi ko hahayaan 'yon.
Kailangan kong maging malakas kahit na pinanghihinaan ako ng loob; kahit na ako'y natatakot, nagtatanong ng 'Bakit siya pa?'
Ngayon ko naunawaan kung bakit gusto niya 'kong paalisin. Nahihiya siya sa kinahinatnan niya. Kung ako rin siguro 'yon baka nga itaboy ko siya. Gusto ko ako lang ang makakaalam. O kung malaman man nila, gusto ko 'yong pagaling na ako gawa ng mga gamot na iniinom ko.
Pero reality strikes, hindi naman lahat ng tinamaan ng HIV gusto pang maggamot, gusto pang lumaban. Yong iba, ayaw na. Ang gusto, matapos na. At 'pag walang titingin sa kanila, tatapusin na talaga nila ang laban -by not doing anything or worse, by killing themselves.
Hindi ko sinasabing ganito ang gagawin ni Eleison pero anong malay ko, ng mama niyang nasa kabilang parte ng globo na siya kung binigo nang di ko naprotektahan anak niya sa kamanyakan? At least man lang ang samahan siya maaari kong magawa – hindi dahil sa nakokonsensya ako o ano, pero dahil kaibigan ko siya. Mahalaga siya sa'kin.
Tulad ng minungkahi niya, bumalik nga ako sa bahay para kumuha ng mga gamit/damit. Ipagpabukas ko na lang daw dahil sobrang late na pero makulit ako e. Gusto ko ngayon na 'ko mag-move in. Tuloy inabutan ako ng tahulan ng mga aso nang di kagad ako pinagbuksan ng pinto. Nang maalala kong kasalanan ko rin pala, dahil ang bilin ko no'n kay kuya e i-lock.
Bumukas ang ilaw sa taas. Base sa anino, si mama ang bumangon. Di ko sigurado kung alam niya bang nakatingin ako sa kanya at sinadya niyang magkamot-ulo para i-emphasize ang pagka-badtrip niya dahil kasarapan ng tulog may kakatok pa sa pinto.
"Sino 'yan!?" tanong niya. Pero kung marunong kang bumasa ng tono, ibig sabihin talaga niya ay, 'Isturbo ka, alam mo 'yon!?'
"Ma, pabukas!" Di na 'ko nagpakilala dahil alam niya boses ko. At alam niya kung sa'n ako sasaktan.
"Putek ka! Anong ginagawa mo sa labas!? Ba't di ka nagpaalam!? Kala ko nasa kwarto ka na! Yon pala nasa labas ka pa!?" Kinaladkad niya 'ko papasok na binubungangaan habang nililintikan ako sa tenga.
"Aray! Nagpaalam ako kay kuya, Ma, aww!? Dapat siya kurutin mo e, siya 'yong 'di nagpaalam sayo!?" katwiran ko.
Pinakawalan niya ang aking tenga at anong haplos ko naman dito.
"Sa'n ka ba pumunta?" tanong niyang nakapameywang.
"Kina Eleison!?" sabi ko, waring nahihiya.
"Ano, di ka pinatuloy, 'no? 'Yan napala mo!"
"Pinatuloy niya 'ko, Ma." Sabi ko. "Actually, kaya nga ako nandito para kumuha ng mga gamit e. Tas isasama ko rin pala si Yogurt, Ma. Please?"
"Mabuti naman nagkaayos na kayo. Wag mo kasing inaaway."
"Hindi ako ang nang-aaway, Ma. Siya itong saltikin e." depensa ko sa sarili. "Buti nga, nahimasmasan na siya e. Na kailangan niya ako sa piling niya."
"Pilingero ka." Sabi pa niya bago ako batukan at talikuran para kunin si Yogurt kay lola.
Nasa kwarto na ako no'n, nag-iimpake nang magpakita si mama sa pintuan. Si Yogurt naman biglang sumampa sa kama at humiga sa kulay black kong Mr.Lee.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...