Season 2: Yogurt says 17

3.7K 210 58
                                    

Eleison's POV

Matapos kong halikan si Mark nang mga sandaling iyon, hindi na ako makatingin sa kanya nang diretso. Kahit siya na kanina pa nagdadaldal e tila napipi sa ginawa ko.

Actually wala naman talaga akong balak gawin 'yon e. Di ko napigilan.

"I'm sorry!" sabi ko sabay tayo. "Gabi na pala! Hindi ko namalayan! Kailagan ko ng umuwi, Mark!"

"S-sandali, hahatid kita!" pigil niya.

"Hindi Mark, okay lang. Kaya ko na 'to."

"Late na o!? Baka pagalitan ka ng tito mo dahil sabi mo bago maggabi dapat makabalik ka na. Ako mag-eeksplayn." Ganitong mga pag-aalala ang isa sa mga nagustuhan ko dito kay Mark. Pero minsan ang o.a na rin e. Hindi na practical.

"Mark, may dala kang kariton. Hindi ba dapat ibalik mo na 'yan?"

"Oo nga pala! Babalik ako. Hintay ka lang diyan, okay? " aniya tinutulak na ang kariton. Nilingon niya ako ilang saglit lang. "Seryoso ako dre, diyan ka lang! Pag ikaw umalis na, lagot ka talaga sa'kin! Makikita mo!"

"Ang alin?" panunudyo ko.

"Ang Leaning Tower ni Mark!" sigaw nito nang hindi lumilingon, patuloy pa rin sa pagtutulak.

Kung anuman 'yong Leaning Tower na 'yon hindi ko na makikita dahil no'ng may nadaan ng jeep, sumakay na ako pauwi.

Minessage ko na lang siya,

"Mark, umalis na ako, okay? Alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na sa bahay niyo. Kita na lang tayo sa school!"

Nai-send ko pa ang message bago magshutdown cp ko.

Sa kalye pa lang kapani-panibago na na walang ilaw ang bahay. Usually kasi may mga nagsusugal pa ng mga oras na 'to. Siguro kasi nakaalis na sila tita at hindi na maasikaso ni tito yong mga "tong" ng mga tao kaya maaga ng natapos..

Samantala, nakita ako ni tito sa may bintana at alam kong kailangan ko ng bilisan ang pasok.

Hindi pa ako napapagalitan ni tito kahit kailan. Wala naman kasi siya sa aking pakialam kung ihahambing sa dalawa kong pinsan.

Yong mga pinsan kong yon, sobrang close nila sa papa nila. Gano'n din naman si tito. Di ko masabi kung may mali ba do'n sa closeness na 'yon pero sa tuwing umaalis si tita para mamalengke o ano pa man, parati nilang sinasarado ang kwarto sa taas.

Binuksan ko ang pinto at hindi na nag-atubiling buksan pa ang ilaw. Sa bahay kasi once na nakapatay na ang ilaw, matutulog na.

Umakyat ako sa taas; nakasandal si tito't may hinihithit na sigarilyo. May pumapasok na ilaw mula sa poste kung kaya naaninag kong naka-sando't boxer lang si tito.

"To, mano p-"

Tinapik niya ang kamay ko.

"Di ba sabi ko bago mag-gabi nakauwi ka na?"

"Sorry 'to." ang nahihiya kong sagot sabay punta sa harapan ng lababo't aktong maghuhugas. Pero sinaway ako.

"Bukas na 'yan. Pumasok ka na sa kwarto ko. Bilis."

"'To, may assignment pa kasi ako e." hindi 'yon alibay.

"Kunin mo at do'n mo gawin sa kwarto. Ayoko ng matigas ang ulo." ang sabi niya. Somehow, para akong bata na pinagsasabihan niya.

Sumunod ako sa tito ko- kinuha ko nga ang assignment notebook ko, ang charger, at kung anu-ano pa.

Hindi naman first time sa akin makapasok ng kwarto nila; ako pinaglilinis dito e.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon