Eleison's POV
Miss ko na siya...
Di ko alam kung ba't bumilis tibok ng puso ko nang marinig ko 'yon. Di ko ma-gets. Galit ako pero natutuwa rin. Masakit sa pakiramdam pero masaya rin; dahil narito sa loob ang babaeng nagluwal ngunit nang-ulila sa akin. At sinasabi niyang na-miss niya ako? Kalokohan!
Hindi na lang sana ako tumuloy. Ayoko nito; ayoko rito. Plano kong bumalik kina Mark. Subalit itong bababa na ako, nahuli ako ni tito.
"Eleison!" ang tawag niya, mahina para marinig ng iba, malakas para ipagwalang-bahala. Maingat siyang bumaba at nang nasa harapan ko na siya'y naging bulong ang kanyang tinig.
"Andito na mama mo. Wag na wag kang magsusumbong sa ginawa natin." Babala niya na sa akin ay nagpatawa.
"Natin?" ulit ko. "Parang pinapalabas mong nag-consent ako sa ginawa mo? Mali ka do'n tito."
"Ba't ka umuungol? Ba't ka nilabasan kung hindi ka nasarapan?" bulong niya lalo sa tenga ko. Dagli akong nakaramdam ng pandidiri sa sarili dahil totoo ang sinabi niya; na napaungol niya ako, na nilabasan ako. Kahit na ayoko. Kahit labag sa loob ko.
Nang hindi ako makatugon sa huli niyang sinabi,
"Ang pakilala namin sa mama mo e walang araw na hindi mo siya nami-miss. Kaya yon dapat ang ipakita mo.Yon dapat ang makita niya."
"Bakit kabaliktaran ang sinabi niyo?" ani ko. "Para namang hindi niyo alam na galit ako ro'n sa pag-iwan niya sa'kin!? Ah, alam ko na. Baka nagpapa-good shot kayo. Para mapagtakpan mga pagkukulang niyo."
Bigla na lang niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso.
"Hindi porket nandito mama mo, makakaya mo na ako. Aakyat ka ron na maayos ang mukha." Pinilit niya akong umakyat.
"Helen eto na ang anak mo." Tawag ni tito mula sa may hagdanan. Nakita ko siyang tumayo; luhaan. "Kanina pa pala 'to nasa baba ayaw lang umakyat. Nahihiya ata sayo." Susubukan sanang guluhin ni tito ang buhok ko subalit hindi ko hinayaan. Hindi siya si Mark para gawin yon sa'kin.
"Anak!?" Napalingon ako sa babaeng unti-unting lumalapit sa'kin. "Anak ako 'to. Ang mama mo." Nakikita ko na na gusto niya akong yakapin. Tinulak ko. Kung bakit tumulo luha ko nang ginawa ko yon hindi ko sigurado.
Bakit ang pusa kaya kong yakapin ang ina ko hindi?
"Umalis ka rito. Di ko kailangan ng nanay." May saglit na katahimikan muna ang nanaig bago niya sundan uli ang script. Isa siyang artista para sa'kin.
"Anak nauunawaan ko ang galit mo." Sabi niya, sinusubukan na namang lumapit. "Handa naman akong pagbayaran yon e. Hayaan mong bumawi ako sayo."
"Bumawi?" tingin ko sa kanya. "Gusto mong bumawi? Sige, magsaing ka diyan. Labhan mo mga damit nila. Linisin mo 'tong bahay na to tulad ng ginagawa ko simula pa noong una. Ngayon na." Gusto kong sampalin ang bibig ko sa pagbibitaw ng mga ganitong salita. Nakakatakot. Natatakot ako sa lumalabas saking bibig.
"Eleison hindi naman ganyan tratuhin tunay mong ina!? Kararating niya lang. Pagod yan. Konting konsiderasyon naman." Gusto kong matawa.
"Ba't ngayon ko lang naririnig sayo yan tita? Bakit ako pag-umuuwi, galit pa kayo pag di kagad ako gumagalaw? Sinasabihan niyo pa akong batugan."
Hindi sila makaimik lalo't di sila makatingin sa babaeng nagngangalanag Helen.
"Nakasaing na ata sila, anak bago ako dumating. Tama ba 'yon?" kausap niya kina tita.
"T-tama po, tita. Nakapagsaing na po kami. Nalabhan na rin namin mga damit namin. Kasama kay Eleison." Ani Malou. Gusto kong mag-reak pero hindi ko na lang ginawa. Alam naman nating sinungaling siya.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...