Yogurt says 31

2.7K 193 41
                                    

Mark's POV

"Ma, Pa, do'n muna ako titira sa unit nila Eleison." ang salubong ko nang makarating ng bahay. Actually inuna ko 'to bago magmano.

"Nagpapadalos-dalos ka na naman!" ang tugon ni mama; halatang hindi masaya sa dala kong balita. Kaya pala di ka'gad inusli ang kamay nang makuha ko.

"Tumigil ka Mark, ha? Di ka pa nga masyadong magaling e. Gagawin kong bodega 'yang kwarto mo, sige." Pananakot ni papa.

Nilapag ko ang bag sa sofa, nagtanggal ng pang-itaas at nagpaliwanag.

"Kailangan ni Eleison ng kasama!?"

"Hindi ba kasama niya mga kamag-anak niya? Makikipagsiksikan ka ro'n, ha!?" ani mama, di ata alam na,

"Sa condo siya nakatira, Ma. Kasama pinsan niyang Italyano." Inform ko sabay kuha ng pitsel sa ref. "Ang kaso, itong pinsan niya kailangang bumalik ng Italy. Namatay raw ang nanay. Maiiwan tuloy si Eleison."

Tinignan ko ang mga ekspresyon nila kung naantig ba, nalungkot o ano pero wala. Blangko. Akala ata nagjo-joke ako.

"Anak, mahal kita pero pakiramdam ko parehas lang kami ng ire-reak ni Eleison - Ang O.A mo." Pangta-talksh!t ni mama sabay bigay ng justification. "Nasa wastong edad na si Eleison para maging independent. Kaya niya mag-isa. Besides, naka-condo kamo siya? Wala ka dapat ipag-alala."

"Ma, meron." Sabi ko, pinatungan siya ng kamay sa balikat to suggest I'm serious. "May amnesia rin si Eleison."

From blank expression, tinignan naman nila ako ngayon nang pagkamangha. I'm sure hindi in a good way.

"Wag mo kaming pinaglololoko." Paratang ni papa.

"Kausap ako ng mama niya kanina, Pa. Naaksidente raw si Eleison sa Italy."

"Ano ba 'yan pareho pala kayong nagka-amnesia!?" napatakip si mama ng bibig at pinanatili iyon sa baba. "Kaya pala hindi pumupunta rito o nangangamusta man lang... hindi niya rin pala alam na naaksidente ka. Nagtampo talaga kami ng lola mo sa kanya."

"Sana Ma, Pa, payagan niyo ako. Ang laki ng tiwala ng mama niya sa'kin." Ika ko. " Sabi niya ako lang daw ang taong kampante siyang makasama ng anak niya."

"E diba may mga kamag-anak nga siya? Bakit di na lang uli siya do'n muna tumuloy?" ani papa, di na naman nakikinig sa eksplanasyon ko.

"Pa, di nga kasi kampante nanay niya sa mga 'yon!? Atsaka baka yon rin ang rason kung bakit sila bumili ng unit!?" paliwanag ko sabay appeal. "Pa, sige na, payagan niyo na 'ko!? Naka-oo na ako e! E-eto o, binigay na sa'kin ng pinsan niya 'yong duplicate key!?" Kuha ko nito sa bulsa at pinakita ito.

"Ugali mo talaga e, no? Um-oo ka na bago ka pa talaga magpaalam!?" banat ni mama.

"Pero sandali, alam ba ng nanay niya na nagka-amnesia ka rin?" tanong ni papa. "Baka kasi 'yon ang basehan niya bakit ikaw ang gustong kasama; akala e –"

"Pa, hindi ba parang mas makakatulong sa amin 'to ni Eleison maka-recover?" sagot ko nang patanong. "Kasi kung nakalimutan niyo ang isa't-isa, hindi ba ang next logical step ay kilalanin niyo uli ang isa't-isa?"

"Gusto ka ba niyang kilalanin?"

Sa talas ng dila ni papa, hindi kagad ako nakasalita. Napaisip ako sa tanong niya. It seems to me, ako lang ang may gusto. Kasi kung gusto rin akong maalala ni Eleison, da't gagawa siya ng paraan. E siya, kailangan pa talaga nanay ang gagawa ng way e. For his sake.

"E kayo ho ba... gusto niyo ba siyang makilala pa ako o hindi na?" balik ko ng katanungan niya. "Sa tingin niyo ho ba, mas sasaya ako pag di ko na lang siya maalala?"

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon