Eleison's POV
Patay na si tito.
Di ko alam pa'no nangyari pero patay na siya. At ngayon hindi ko maintindihan kung ano ba dapat kong maramdaman.
Tuwa? Syempre nando'n yong tuwa dahil ibig sabihin hindi niya na yon magagawa sa'kin.
Lungkot? Nalulungkot ako kina tita, April at Malou. Nadatnan ko sila sa kama magkabilaan, umiiyak samantalang ako narito lang sa may pintuan at nakatayo, pinagmamasdan silang magkakapamilya.
"Tumawag ka ng taxi do'n, ano ba?" may halong inis na sumamo ni tita nang makita niya akong nakatunganga.
Sumunod ako agad, mabilis na bumaba't naghanap ng masasakyan.
Habang pumapara ako't nilalagpasan ng mga taxi'ng may pasahero, isang bahagi ng pagkatao ko ang nagsasabing,
'Sige, magtagal ka. Kungwari wala kang nahanap na taxi. Baka pag-umabot yan sa ospital, mabuhay pa.'
Pero yong isang bahagi ang nanaig e; 'yong nag-aalala na 'hindi ako makakatulog kung maiisip kong may paraan pa para siya ay mabuhay pero wala akong ginawa.'
Kaya nagtiyaga akong humanap ng taxi. Oo. Upang mabuhay pa ang taong pinagnanasaan kong mamatay. Kung halang lang sana ang kaluluwa ko, hindi ko siya aalalahanin. Pagkakataon ko na 'tong makaganti kung tutuusin. Pero di ko aakalaing palalagpasin ko.
Nagpasuyo ako sa driver na kung pwede sana siyang umakyat para tulungan kami sa pagbuhat kay tito, malaking tulong na 'yon. Pero sa pintuan pa lang, nagunaw na mundo ko.
Buhay siya.
At nanaginip lang ako.
Napabangon ako nang may malamig na pawis at mainit na luha. Sana totoo na lang ang panaginip, 'yong parte bago ako humanap ng taxi. Dahil habang tumatagal mas lalo akong natatakot.
Hindi kay tito. Sa sarili ko.
Natatakot ako dahil unti-unti natitiis ko na ang sakit pag ginagawa niya 'to sa'kin. At nakakahiya mang aminin e nagugustuhan 'to ng katawan ko.
Nakakatakot dahil liban kay tito, natutukso na rin akong gawin 'yon sa ibang tao. At nakakatakot dahil pakiramdam ko hindi na ako makakabalik sa dating ako.
Liban sa buhay si tito, ang isa pang totoo sa pnaginip ko ay 'yong pagdating nila tita. Ito lang marahil ang maituturing kong maganda sa panaginip na 'yon dahil sa wakas, may mapagsusumbungan na ako.
Bakas sa mukha ni tita na pagod pa siya mula sa biyahe kaya dating gawi, ako na naghanda ng agahan nila. Bibigyan ko muna si tita ng oras magpahinga. Sila April muna ang kakausapin ko tungkol dito.
Pumasok ako sa kwarto ng dalawa. Nakahilata sila't as usual cellphone ang katapatan. Mabuti pa sila; ang sa akin sira na.
"April, Malou..." tawag ko sa atensyon nila.
"Pa-load-an mo nga 'ko. All text 10."
"Sandali lang, importante 'to." Sabi ko, lumapit sa dalawa matapos i-lock ang pinto sa likuran ko. Umupo ako sa pagitan nila. At kahit sa cp pa rin ang tingin, pinagpatuloy ko pa rin.
"Uhm di ba, mga isang linggo kayong wala dito!?"Napalagay akong kamay sa batok.
"Tangina pabitin ka 'lam mo 'yon!? Sabihin mo na." reklamo ni Malou. Isang malalim na ihip muna ang ginawa ko bago,
"Pinagsamantalahan ako ng papa niyo."
Napaupo si Malou at tinigil ang pagte-text.
"Wag ka ngang feeler diyan!? Hindi ka kasaman-samantala!"
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...