Yogurt says 12

5.2K 205 58
                                    


Mark's POV

"Morning sot!" bati kong nag-iinat nang magisnan kong kakabangon lang ng bansot. "Kamusta naman tulog mo?" ani ko pa. Di ko to tinanong para mang-mema lang ha? May nais lang akong malaman.

"Okay naman!?" sagot niya; nakakunot ang noo't nakangti. Parang hindi sure. "Uhm, tanong lang, tumabi ba sa'tin si Yogurt kagabi?"

"Hindi." Sabi ko, bumangon na rin. "Ginawan ko siya ng sariling higaan. Bakit?"

"A, wala. Napanaginipan ko lang! Hehe!"

"Masamang panaginip ba?" udyok kong tanong, para magshare.

"Hmm, hindi naman. Sa panaginip kasi, hinalikan ako ni Yogurt."

Napaiwas ako ng tingin. Napagkamalan niya pala akong pusa! Wahaha! Pero mabuti na rin siguro yon.

"K-kamusta naman ang halik?" Idudugtong ko sana 'masarap ba?' kaso napaka-conceited ng dating.

"Okay lang! Nakakakiliti. Kaya lang diba ang pusa magaspang ang dila?"

"O?"

"Sa panaginip ko, hindi."

May tongue ba no'ng humalik ako?

"Wala namang tongue yon, a!?" Depensa ko, nanlaki ang mata nang ma-realize ang pagkakamali. Sana 'di siya nakakutob. "Ganon talaga sot, pag panaginip. 'Ta mo ako, nanaginip dati, nalaglag daw ako mula sa crater ng Bulkang Mayon. Paggising ko, sa kama lang pala!"

Mukha namang bumenta dahil,

"May element rin pala ng realidad ang panaginip, ano?" aniya. "So ibig sabihin, totoong may humalik sa'kin. Hindi nga lang siguro pusa."

"Parang ganon na nga." Sagot ko pa ng pabulong. Tangna, 'yoko ngang umaming hinalikan ko siya ng higit sa isa. Maya, sumpain pa ako niyan e! Haha! Pero dre, pramis, walang tongue yon! Pero originally, yon yong plano. Haha!

Natingin ako sa orasan; sakto lang sa almusal ang bangon namin.

"Tara sot, kain na tayo."

"Sige, sa bahay na lang." Aniya habang papunta sa direksyon ng kanyang gamit.

"Aalis ka na?"

Tumango ang loko. Akala naman niya papayagan ko siya. Gamit ng malalaking biyas, inunahan ko siya ng punta doon sa mga gamit niya.

"Mark, amin na!"

"Sot, kung tutuusin, nasa second day pa lang tayo ng Youth Camp." Paalala ko. "Hanggang third day yon. Kung babalik ka na sa inyo, magtataka sila at paghihinalaan ka. Baka isipin nila, hindi ka naman talaga nag-camp e. Naglakwatsa ka lang. Ano, gusto mo ba yon?"

"E di papasok na lang ako sa school!?"

"Di ka nakikinig sa kwento ko e." Kamot ko sa ulo. "Kungwari nga nandon pa tayo sa youth camp. 'Big sabihin, excuse pa tayo hanggang bukas. 'Pag pumasok ka, malamang magtatanong yan sila, 'O bakit si Mark, hindi pumasok?'. 'Pag wala akong naisagot the next day, magpupunta akong Students Affair at isusumbong ko may gawa diyan sa pisngi mo."

Kung alam niyo lang pa'no magtinginan ang dalawang nilalang na napakastubborn. Haha! Pero kailangan may manalo e.

"Ano, papasok ka pa?" ngiti kong mala-demonyo.

"Bina-blackmail mo 'ko."

"Hm, konti lang." Sagot ko, inakbayan na siya't nagpaliwanag. "Sot, ang gusto ko kasi magpahinga ka muna. Dito!?"

"Pwede naman sa bahay e!" tingala niya sa'kin.

"Hindi pwede sa bahay niyo kasi walang guarantee na hindi ka uutusan don. Walang guarantee na kapag kwinento mo nangyari sayo, pagpapahingahin ka lang nila buong maghapon. At walang guarantee na sasabihin mo sa kanila ang nangyari sayo. Tama ba ako?"

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon