Mark's POV
Bumalik na kaming tatlo nila Eleison at Yogurt sa condo nitong Monday ng umaga. Di muna kami pumasok sa school dahil ako – ayoko 'yong nakikita ko sa loob.
Everytime ipipihit ko 'yong pinto papasok, sinasabayan yon nang kaba, panlalambot ng tuhod at panglalamig ng katawan. Parati ko ng maaalala yong nakakalumong eksenang 'yon sa tuwing papasok dito. At wala pa akong sapat na resistensya para kalimutan 'yon kung kaya nag-request ako.
"Sot, pwede ba nating ibahin ayos ng kwarto? Tutal di naman tayo pumasok e." sabi ko. Siya naman habang may ka-text,
"Why?"
"Hm, wala lang. Para maiba naman 'yong vibe." sabi ko.
"Feng shui expert ka?"
"Medyo."
"Okay. But on one condition."
"Ano?"
"Hindi ako tutulong."
"At bakit?" Nagtanong pa ako e halata namang inaatake ng katamaran.
"Not feeling well." sabi niya.
"Not feeling well pero kung makapag-text halos mapunit na ang labi." Sabi ko. Pero ni isang irap, wala akong natamo. Nagmistulan lang akong hangin.
Ever since no'ng magpunta kami sa pinagsimbahan nila ni lola noong hapong kasama namin si Jolina, binabalewala niya na ako. Either that or masyado lang talaga akong papansin.
Don ko lang din napagtanto na di porket kaibigan namin si Jolina e kilala niya lahat ng mga nakakakilala sa'min ni Eleison.
May grupo kasi ng youth doon na titingin-tingin sa'min. Kung nagagalak naman silang kami makita natural lang na ngumiti, diba? Pero ang sisimangot e. Inisip ko na lang, 'Ah, nasa simbahan kasi kami. At marahil binibigyan kami nang ganong titig dahil na-late kami ng dating.'
Ngayon pa lang daw nakita ni Jolina ang mga 'yon, lalo na 'yong lalaking lumapit bigla kay Eleison habang wala ako sa tabi niya (nagpasama kasi si lola sa pari). Talk about taking advantage.
Ang inis ko lang talaga kay Jolina nang makabalik ako. Sa halip kasi na pagbawalan o bantayan si Eleison sa pakikipag-usap do'n sa Thadeuss na 'yon (mas gusto ko siyang tawaging Tado dahil do'n) e parang enjoy na enjoy pa. Yong tipong makikita mong may shini-ship siyang iba.
It seems like ako lang talaga ang atat na atat no'ng umuwi. Dahil itong si El, sa impluwensya ni Jolina, e nagselfie-selfie pa!? Hindi ako tanga na ginagawa yon nila para bigyan ng time yong Tado na i-approach sila. Alam ko galawan ni Jolina.
Kilala raw kami ni Tado (liban kay Jolina). So namangha ako. Pero no'ng nagtanong ako ng, 'sa anong okasyon?' hindi niya masagot ng pronto. Yon sana ticket ko para madiskubre kung matino ba 'to o tarantado. E etong taklesang Eleison, kwinento pang nagka-amnesia kami.
So namangha siya.
Pero parang may nakita ako sa mata niyang kasaya- saya na ganito ang nangyari sa'amin. Nariyan pa yong kinukumpirma niya kung natatandaan ko pa yong nangyari sa retreat (yan ang sagot niya kung saang okasyon kami nagkakilala pero di dinetalye). E tangina pa'no ako makakapang-intimidate niyan e binigay na ni Eleison ang alas!?
Di lang pala alas. Pati number.
Thus with his attitude with me.
Pinagbigyan ko kay baka nga naman mabinat (Iibahin ko kasi pwesto ng kama niya. May pagbuhat do'n). Ang ironic. Noong nasa bahay, gusting tumulong; ngayong nasa unit niya, ayaw tumulong. Hay naku.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...