Eleison's POV
11:11 pm na sa wall clock. Nakakain na ako. Nakainom na ng gamot. I am ready to sleep matapos kong magdrama kanina.
And so I can't believe at this point in time may kakatok pa sa pinto ko.
Siguro kasi may nakikita siyang liwanag dito at in-assume niyang gising pa ang nasa loob. Husay lang.
So grunting, I dragged myself towards the door. Sinilip ko sa eye hole kung sino ang impracticable and immediately perform exorcism.
"Go away, Mark!"
"Pinalayas ako sa'min, 'sot!"
"E di congrats!"
"Di mo man lang ba ako papapasukin? Gutom na 'ko o." himas niya di umano sa tiyan.
Kinuha ko ang wallet, dumukot ng pera sabay pinalusot sa ilalim ng pinto.
"Pagdamutan mo na 'yan."
"P50!? Seryoso ka?"
"Goodnight rin!"
"Hoy, hindi ako aalis dito hangga't di mo 'ko pinapapasok." pananakot niya habang ako nama'y bumalik sa kama't nagtalukbong.
Maya-maya,
"Si Mark Lacsamana ay napaka-pogi!!! Siya ang iboto sa senado! Oh-oh-oh!..."
No'ng una, hindi ko pinansin. Siya naman mapapahiya e, di ako. Pero di katagalan no'ng nakakutob akong sinasadya niyang lakasan ang boses para mambulabog ng ibang tao, pinihit ko ang pinto at hinila siya papasok.
"Ah-ah! Ang lakas mo ha!?" pagkukunwari niyang mahina.
"Balak mo pang mag-iskandalong bwisit ka!" ani ko sabay layo sa kanyang nakapameywang. "Ano ba kasing kailangan mo!? Isturbo ka, alam mo!?"
"Alam ko." sabi niya, aktong tatayo. Natumba kasi siya pagkahila ko.
"Akin na P50 ko kung di ka rin naman kakain sa labas. Akin na!" bawi ko.
"Kung kaya mong kunin." hamon niya sabay siksik nito sa underwear.
"I have no time for this." sabi ko sabay punta na lang sa kitchen aisle para maglabas ng mga de lata't makauwi na ang isturbo.
"O, mamili ka rito kung anong gusto mo. Isa lang ha!?"
Sinadya niya munang tumingin sa kaliwa, kung saan naroon ang basurahan. Napansin niyang apaw na apaw na ito sa de lata.
"Canned goods lang kinakain mo since umalis ako, 'no?"
"Paella naman yon. Yong may kaning kasama. Anong masama do'n?"
"Di healthy 'yan pag-sinunod-sunod mo ang kain!" Napakamot siyang ulo."Da't kumakain ka ng prutas, isda, gulay. Andiyan lang ang Savemore sa baba o!?"
"Hoy, pinapasok kita rito para pakainin, di para manermon."
"Di ako gutom."
"E pvta ba't yan sinabi mo kanina!? Manloloko!" Padabog kong binalik sa cabinet ang mga de lata. "Ano pala'ng gusto mo!?" tingala ko mula sa pagkatalungko.
Di ko napansing nasa likuran ko na pala siya, noon lang sumagot ng,
"Yakap?"
Tumayo ako't pinaulit iyon.
"Ano?"
Parang mali ata narinig ko.
"Gusto kitang yakapin, 'sot." lapat niya ng kamay sa braso ko samantalang inuusisa ako, ine-examine.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Teen FictionGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...