Yogurt says 51

1.8K 97 12
                                    

Mark's POV

'Friend, yare ka. Ba't kasi try out ginawa mong excuse, wala ka namang dalang jersey? Alam niya ng nagpalusot ka!'

Text sa 'kin ni Jolina. Ang bilis namang makakutob ng bansot na 'yon? Pero tama siya, nagpalusot nga lang ako. Nang masundan ko si John after school. Hindi naman sa pinaniniwalaan ko si Jolina, pero isa rin talaga si John sa pinaghihinalaan ko unang kita ko palang sa vandal. Ang ilan kasi sa mga letra sa pader ay hawig sa sulat-kamay niya 'pag pinapasulat siya sa blackboard.

Kung ipapaalam ko sa bansot ang balak paniguradong idi-discourage niya lang ako. Hindi niya 'ko papayagan, so I had to lie. At sa ginawa kong pagsunod kay John, natuklasan kong naninigarilyo pala siya. Karamihan naman sa klase naninigarilyo kaya 'di ako masyadong nagulat. 'Yong way niya lang ng paghithit nito ang medyo trivial. 'Di siya mapakali, punas nang punas sa noo ng panyo. Ilang sandali lang inapakan niya ang upos ng sigarilyo na parang ipis at nagpatuloy sa paglalakad sa direksyon ng mall.

May namumuong pila sa entrance nito gawa ng inspection; nasa gitna siya, ako narito sa dulo. Akala ko 'di ko na siya masusundan sa daming dala ng nasa unahan ko, pero luckily nahagip ko pa pagpihit niya pakaliwa.

Dumiretso siya sa loob ng sikat na fastfood. Nagtago ako sa likod ng standee ng chain. Mayamaya pa, sinamahan na siya ng may hawak ng tray. Si Ana. Ngayon ko lang nalamang magkakilala pala sila. Kung pa'no, 'yon ang gusto kong malaman. Gusto kong marinig usapan nila, if by any chance, tungkol 'yon kay Eleison o sa akin. At mahirap gawin 'yon nang hindi ako nakikita kaya nang may mag-bus ng table malapit sa kinatatayuan ko, "Boss, pwede bang humingi ng favor?"

"Ano ho, 'yon?"

"Nakikita niyo 'yong babaeng 'yon?" Pasimple ko siyang inimbitahan para silipin sina Ana. "Girlfriend ko 'yon. May kasamang iba. Ayoko gumawa ng iskandalo sa loob kaya magpapasuyo ako sa 'yo, ilagay mo 'tong cellphone ko sa ilalim ng table nila, kungwari nagbu-bus ka. Gusto ko i-record pinag-uusapan nila nang 'di ako mag-assume na tino-two time niya 'ko. Matulungan mo ba ako?"

"Buti ka pa sir, ang haba ng pasensya niyo, kung ako 'yan sinapak ko na 'yan," sabi niya. "Ilalagay ko lang naman, 'di ba?"

"Oo, ako ng bahala sa pagkuha." Binigay ko na sa kanya ang cellphone; naka-play na ang recorder.

Pagkaraan ng ilan pang minute, kanya-kanya n silang tayo – si Ana sa kabilang daanan lumabas, si John dito sa main entrance, thankfully kumanan or else mabibisto niya 'ko. Dali-dali akong naupo sa pwesto ni John,pinulot ang cellphone at ini-stop ang recording. Hindi ko marinig nang malinaw dahil may tugtog sa loob kung kaya binulsa ko na lang muna't bumalik sa campus.

Usually, hindi na nagpapapasok ang mga guwardiya 'pag ganitong oras but since may ginawa akong Permission Letter sa Student Affairs, na may pirma ng head, pinapasok ako. Ginawa ko ang letter nang payagan akong review-hin sa Security Office ang cctv footage.

Dadali sana trabaho ko kung may nakatutok na cctv mismo sa pader na may vandal kaso naka-locate lang ang mga ito sa corridor e – ang pader na sinasadya ko e nasa pagitan ng dalawang corridor, hindi abot. Kailangan kong pagtagpi-tagpiin ang kuha.

Sampung footage ang sabay-sabay na nagpi-play sa maliit na lcd screen ng opisina. "Sir, pwede po kayang ma-fastforward 'to?"

"Oo, pero paputol-putol 'yan. O tignan mo, kahit hindi pa naka-fastforward napuputol na! Kailangan mo talaga ng mahabang pasensya." Si Sir Rallo, Head ng Security Office.

"Kaya ko 'to, sir. Makita ko lang nagsulat noong bandalismo."

"'Yong kuha lang ba kahapon rereviewhin mo?"

"Pati ho sana noong weekends."

"Linggo walang pumasok na mga estudyante pero noong Sabado marami. May mga nagkatekismo, nag-make up class, ang Engineering at Graduate school lagi namang may pasok ng Sabado e."

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon