Hi, guys please listen to Mariah Carey's New Album "Caution" on Spotify/YouTube. My personal fave is 8th Grade.
:)-----
Mark's POV
I maybe exaggerating pero 'yon na ata ang pinakanakakatakot na ginawa ko sa tanang buhay ko - ang magtapat kay Eleison. Alam ko mahal niya ko (kahit papano) pero di ako sure kung ganito rin ba kalalim tulad ng pagmamahal ko. Not until that day nang sabihin niyang hindi naman ako humihiling ng imposible.
Napredict ko na na gagawin niyang excuse 'yong pagkakaro'n niya ng HIV pati 'yong pag-iisip niyang naaawa lang daw kuno ako sa kanya. Maybe I am. Or maybe, I'm just so in love with him like that, and in spite of that.
Di ako naghanda sa worst case scenario. I have no time. Kung basted, okay. Kung hindi, okay na okay. Kaya naman no'ng sagutin niya ako doon mismo, daig ko pa tumama sa lotto.
Gusto ko sanang mag-confess sa mas private na lugar kung sa'n mas intimate, hindi sa ganon karami at kaingay na lugar para kung basted man, ako lang at siya makakaalam.
But God was on my favor, hindi ako binasted. Witness ko mga crew at mga nakapila sa counter. Oo, nahiya ako no'ng nakaagaw atensyon ang pagsigaw ko ng "Yes!". Pero no'ng hinalikan ko kamay niya bago no'n, hindi. Siguro siya, oo.
Pero bakit nga ba napaamin na lang ako noon? Because I never thought I could love him even more. I thought enough na ang mahalin ko siya as a brother, as a friend. Then eto siyang gagambala sa pananaw ko na para bang, 'Hindi, Mark. Papatunayan kong hindi ako pang-kaibigan o pang kapatid lang.'
Of course, hindi 'yon ang motibo kung bakit niya ini-improve ang sarili. He's doing this for himself. Pero I admit, isa 'yon sa imminent effect ng ginagawa niya - nagiging attractive siya.
Ika pa nga ni kuya Eiji, mahuhulog raw ako kagad kung 'yong dating Eleison ang kasa-kasama ko. At marahil tama siya.
Hindi mo masasabing set up lang 'yong nasaksihan kong pagbigay niya ng pagkain sa bata. And I know kindness when I see one.
Samantalang kinakausap ang bata sa labas ako nama'y nakapangalumbaba't nangingiti. Akala ko kasi wala ng ilalambot ang puso ko, meron pa pala. Kaya ayon, napaamin na.
After naming kumain, naglakad kami, magkahawak ang kamay. We don't do this usually. Walang gustong maunang magsalita. Oo, awkward nga.
Until nagkalakas akong loob. Actually gusto ko ring malaman e,
"Nabilisan ka ba sa'kin, 'Sot?"
"Nabilisan?" lingon niya nang may namumuong ngiti. "Ang tagal nga e. Haha!"
"Sorry na. Humahanap lang ako nang tamang tiyempo. Tamang trigger ba." akap ko sa kanya. "Ayoko kasing magcommit nang hindi pa ko sigurado."
"So, sigurado ka na ngayon?" aniya. "Mamaya mag unsubscribe ka, ha? Free trial lang pala gusto mo."
"Ganyan sana gagawin ko kung hindi ko pa ikaw kilala." Sabi ko, humalik sa noo niya't nagbigay ng assurance. "I've seen you in your worst. Sa kabila no'n, ginusto ko pa rin ikaw. Hindi ka free trial, sot. Premium, siguro, pero di free trial. E ako ba, free trial lang?"
"Whatever you think, that's what you are."
Huminto ako sa paglalakad at nag-isip.
"I'm thinking for a "lifetime"." Sabi ko. "So, for a lifetime? Yours for a lifetime?"
"Tatakbo ako, okay? Pag nahabol mo 'ko okay, for a lifetime. Pag hindi, well, pilitin mong makahabol."
Without a warning, tinakbuhan niya na ako. Ngayon ko lang siyang nakitang tumakbo nang matulin. Na-challenge ako bigla.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 3 (completed)
Roman pour AdolescentsGAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...