Yoghurt says 5

5.7K 230 25
                                    

Mark's Pov
Sabado.
"Ana, wala sa pinag-usapan na susunduin natin ang mga bata!" pasimple kong sisi sa katabi kong babae.
"A, Mark, meron!?" pagtatama niya. "'Kala ko ba ni-record mo mga pinagsasabi ko?"
Narito kami sa isang kalye na waring piyesta sa dami ng kaganapan. Una, may mga hubad at nakapaang lalaki na nagba-basketball; ikalawa, may mga tomotoma; ikatlo, may mga nagkukutuhan; ika-apat, may mga nagbi-binggo.
Hindi naman sa inaalipusta ko ang lugar pero seryoso, nakakatakot dito.
"Di ka ba natatakot sa mga tao rito, 'Na?" bulong ko nang di nawawaglit ang tingin sa basketball.
Syempre naman, babae pa rin siya. Posibilidad ang mabastos.
"Anong ikakatakot ko?" tanong niya sa tono ng, 'Para naman 'tong tanga!?' "If God is for me, then who is against me?"
Hindi ko siya sinagot. English e.
"Bago ko pa man ipagbigay-alam pakay ko,  inayudahan na sila ni God kaya hindi na ako ga'no nahirapan kumbinsihin ang magulang ng mga bata." kwento pa niya na akin nga sanang iikutan ng mata e. Ayan na naman kasi siya sa God-God na 'yan.
"Ana, ano kaya kung ipadala mo 'yan sa MMK?" pang-aasar ko.
"Loko ka, ha?" pambibigwas sa'kin.
Malakas ang loob kasi nasa teritoryo ng mga homies e. 'Ta mo pagnakaalis tayo rito, babangasan din kita, kala mo!?
Di joke. Kaya siguro ganito ako ka-pang-asar ay dahil kanina pa kami rito naghihintay. Alas tres singko na sa relo ko o!?
Nagbibihis pa raw kasi ang mga bata kaya konting hintay daw sabi ng mediator (yong contact ni Ana rito).
"Sige tagalan niyo pa nang di na tuloy 'tong katekismo. Pabor naman sa'kin e!" sabi ko pa. Siniko lang ako ni Ana.
"Nga pala, naisipan mong magdala ng gitara?" aniya. "Di gig, pupuntahan mo, uy!"
"Lam ko!? Sabi kasi ni Eleison magdala e."
"Sinabi niya 'yon?"
"Hindi naman eksakto. Nag-eexpect kasi siya na sana marunong ako mag-gitara. Kaya eto!" kibit-balikat ko.
Maya-maya, kita ko na ang mga nagsisitakbuhang mga bata papunta sa aming direksyon. At nalito ako.
"'To na ba 'yong sinasabi mong nagbihis?"
"Oo!?"
Napakunot-noo ako. "Bihis na yan!? Tignan mo naman suot nila!?"
"Anong ini-expect mong makita, nakasuot ng Lacoste at Oxygen!?" pambabasag niya sa'kin. "Atsaka pwede ba, 'yang mukhang yan, ayusin!? Wag mong ipakitang nandidiri ka sa kanila. Kalalaking tao e!"
"Ate Ana!" sunod-sunod silang yumakap kay Ana. Ngayon alam ko na kung bakit minsan amoy buro siya.
"Ate Ana, sino 'tong kasama mo?" pansin ng isa sa'kin.
"A, eto si kuya Mark. Parati niyo na siyang makakasama tuwing Sabado. Mas mabait yan kesa sakin!"
At sino naman nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magdesisyon kung mabait ako o hindi? Hype ka Ana. Strike two ka na!
Ilang sandali lang, pinapila niya na ang mga bata- kanya ang mga babae, akin ang mga lalaki.
Kung sino ang nasa unahan ng pila ay siyang nakahawak kay Ana; the rest, sa balikat na ng sumunod sa kanila. Para bang nagtre-trentren potpot!
Kaso nang ginaya ko 'yon sa mga homies ko, ako pa ang napahiya.
"Akin na kamay mo."
"'Yoko nga!? 'No ako, bading!?"
Ayon, walang maayos na pilang naganap sa team ko dahil ang 'bading' daw no'n.
Nagsisimula na tuloy akong mangamba para kay Eleison.
Pagdating sa pina-reserve na room, sinamantala ko kaligaligan ng mga bata at hinila si Ana sa labas.
"Ana, 'lam ba ni Eleison na ganito karami tuturuan niya?"
"Hindi." presko niyang tugon. "Paki-eksplayn bakit wala pa siya!?"
Nilingon niya ang mga bata, inaalam kung nababagot na ba ang mga ito.
"Ana, may suggestion ako." sabi ko. "Ako na lang kaya magtuturo sa mga lalaki!? Tas siya sa mga babae."
Binigyan niya ako ng misteryosong ngiti at nagtanong,
"Bakit?"
"Ana, bulag ka ba? Pasaway ang mga lalaki! 'Ta mo kanina, kinuha ko kamay no'ng isa, sinabi ba namang, 'No ako, bading!?' Pano pa kaya kung si Eleison na!?"
"Concern ka kay Eleison!?" May something sa paraan niya ng pagtatanong na kailangan kong mag-ingat.
"Nag-o-offer lang naman ako." sabi ko. "Sige 'kaw rin, 'pag 'yan nag-quit, 'la ng magtuturo." pangongonsensya ko.
Nakonsensya ba!? Hindi. Halang ang kaluluwa niya.
"Mark when you teach, you not only cater to the nice or the brightest students. You also deal with the not so nice and the not so bright." Nag-english na naman.
"Ang goal kasi ng catechism ay hindi para magbenefit lang ang isang grupo, kundi para mabenefit ang lahat."
"So ibig sabihin, payag ka!? Ako na magtuturo sa mga lalaki?" pagkakaintindi ko.
"No. Hayaan mo si Eleison." ang sabi niya. "Nasabi niya bang passion niya pagtuturo?"
Tumango ako.
"Then he can live with the boys. I'm sure, hindi lang naman ito ang unang beses na makaka-encounter siya nang ganito. Siguro ikaw, oo, kaya ganyan ka ka-paranoid."
Si Ana siguro nagbo-Bonakid no'ng bata. Pag nagsasalita kala mo parating may pinaglalaban e!? Batang may laban. Hahaha!
Pero natumbok niya.
Maya-maya pa dumating na ang hinihintay namin.
"Ate Ana, sorry na-late ako. May nabunggo yong jeep na sinasakyan ko kaya pinababa kami. Trapik sa Aurora e kaya nilakad ko na lang pagbaba kong San Juan." paliwanag ni El. Tsaka niya lang napansing narito ako nang kumalma na ang sistema.
"Mark? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya'ng nakangiti.
"Ako 'yong makakasama mo!" ika ko, feeling proud. "Dala ko gitara ko!?" taas ko pa nito.
Napagtanto niya na ngayon kung bakit ko tinatanong ang gagawin niya sa Sabado.
Ni-lead ni Ana ang opening prayer, sunod, pormal kaming pinakilala sa mga bata. After no'n, diretso klase na si El.
Nakalimutan ko nga palang makabago na ang mundo kaya ang ini-expect ko chalk at blackboard pa rin ang gagamitin niya sa pagtuturo.
Namangha ako'ng naka-powerpoint presentation ang lesson niya. Na siya namang pabor sakin dahil tutok na tutok ang mga bata (parang ako lang pag nanunuod ng hentai). Dahil tutok, ibig sabihin, di sila magulo.
Tungkol sa pag-aalaga ng kalikasan ang tinopic niya. Inspired siguro 'to sa subject naming Envi Sci. Hehe!
Pero thankful ako na hindi siya 'yong nakaupo lang kung magturo, tipong kulang na lang magdala kang kumot at unan. Dahil 'yong monotone niyang boses, iba kapag nagdi-discuss na. Mas alive. Ibang Eleison Vermicelli.
Ang trabaho ko dito, taga-bantay, taga-saway. Pero sa mga oras na yon, parang isa lang ako sa mga batang naroon, nakikinig kay teacher El.
Di ko nga namalayang tinakasan na kami ni Ana e.
Pinakitaan rin kami ni Eleison ng time warp ng mundo na kuhang outer space at iba pang mga before and after photos tulad ng larawan ng Ilog Pasig, Manila Bay at mga kabundukan. Nanggilalas talaga ako (in a bad way). Sa huli nag-iwan siya ng 'Pulot of the Day'.
"Mga bata hindi niyo kailangang hintayin na tumanda muna kayo tulad nila mama't papa bago makatulong sa kalikasan. Ngayon pa lang dapat alam na natin na may responsibilidad tayo sa mundo. Hindi lang mga basurero. Di lang mga taga-walis. Lahat tayo."
Sa sobra kong pagkamangha, tumayo ako't pumalakpak.
"Mga bata palakpakan naman natin si kuya El para sa napakagandang lesson sa kalikasan!" Hindi ko na sila kailangang kumbinsihin pa uli dahil agad naman nila akong sinunod. Takot lang nila sa'kin.
Ang struggle ko talaga ay nagsimula noong magpa-activity na si El.
Bawat bata may papel at pinapa-drawing sila kung ano ang pwede nilang gawin para makatulong sa kalikasan.
May iba kasi na naglalaro na, may iba - ako pa pinagdradrawing. E dahil nakita ko importansya ng activity at dahil gusto kong maging epektibo,
"Mga bata! Magbibigay akong premyo sa susunod na Sabado para sa tatlong gawa na mapipili namin ni kuya El. Kaya, pagbutihan niyo ang pagdradrawing, okay?"
Naengganyo ko ang mga bata dahil lahat sila naging seryoso matapos kong sabihin 'yon.
"Uhm, Mark?" dutdot ni El sa'king braso.
"Ang galing mo pa lang magturo, e!? Naimpress ako sayo." binanatan ko kagad ng papuri.
"Hehe! Salamat." lagay niya ng kamay sa batok. "Uhm, yong premyo...hindi ko kasi napaghandaan yan e."
"El, wag ka mag-alala. Ako bahala." sabi ko. "Yan kaya napaghandaan ko!"
Ang di ko lang napaghandaan, matapos kolektahin ang mga papel, ay eto,
"Mga bata, tumayo tayo para sa closing prayer na pamumunuan ni kuya Mark."
Nagpanic ako; napamura pa nga sa utak ng, 'Luh, quingina!?'. Pero di ko yon masyadong pinahalata. Naalala ko kasi 'yong sinabi niya na 'kung-may-tiwala-si-Ate-Ana' blah-blah.
Angel of God talaga dapat ang ire-recite ko kaso hindi ko nga pala 'yon kabisado.
Hanggang sa magka-bright idea ako.
"Uhm mga bata, di 'to orthodox prayer a, pero sa mga nakakaalam ng kanta sabayan niyo ako."
Napamangha ko sila sa ganda ng intro ko. Nang lapatan ko ng boses,
"Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran!?..." 
O bakit, winarning-an ko naman silang di orthodox ang gagawin ko, di ba? Atsaka bakit ba? Bangis nga e!? Related talaga sa topic.
Wala namang pakialam ang mga bata kung yon ang kinanta ko. Si El nga nakapikit pa ang mga mata e - di ko lang sure kung nagtitimpi lang ba sakin o ninanamnam ang kanta.
Since naglaho si Ana na parang bula, ako ngayon ang responsable sa paghatid sa mga batang ire.
Pinapila ko sila tulad nang kanina. Kay El ang mga babae, sakin ang mga lalake. Pero kumpara kanina na di nagpahawak yong bata, siya na ngayon ang nagkusa.
"Kuy Mark akin piliin mong drawing ha!?"
Bribery pala to.
"Tignan natin! Maganda ba pagkaka-drawing mo?"
"Maganda yon!"
Lakas ng kompyansa. Parang ako lang.
Hanggang sa maiwan na kami ni El na naglalakad. Solo ko na siya! Hehe!
"Ang galing mo palang mag-gitara, Mark."
"La yon. Di pa ako prepared no'n." Humble much. "Bigyan mo ko listahan ng mga gusto mong tugtugin natin para mapag-aralan ko, okay?"
"Okay! Kung gusto mo pwede rin kitang bigyan ng topic at-"
"Ay hindi, hindi. Ayoko." tanggi ko sa alok  niya. "Assist lang ako."
Di ko masabing tinatamad akong gumawa ng powerpoint. Kaya niya na 'yon. Haha!
Tanong lang, madamot ba ako kung ayoko siya kagad pauwiin?
"Uhm, El, nagmamadali ka ba?"
"Ha? Uhm, di naman. Bakit?"
"Bili na tayong prizes para sa mga nanalo." yaya ko sabay tanaw sa grocery store.
"Hindi pa naman natin napipili ang mga nanalo!?"
"Mamaya piliin natin. After nating makabili."
"Uhm, sige."
Pumasok kaming grocery store at namili.
Stroller ang kinuha ko para habang nag-i-stroll, pwede pa kaming magkwentuhan. Maximize the time, ika nga. Hehe!
"Uhm, Mark?"
"Bansot?"
" Naisip ko lang, baka malungkot 'yong iba na hindi mapipili." Hindi ko naisip yon, ha? At ngayong ni-remind niya,
"Sige, kuha ka ng pang consolation para sa iba."
Kumuha siya ng choco-choco.
"Bakit yan lang?" tanong ko. "Da't Wafu!"
"Mark, mapapamahal ka!" aniya, 'yon na talaga ang nilagay sa basket. Para rin pala tong si mama. Kung ano ng nilagay sa basket, 'yon na.
"Next time, wag ka na lang kaya magpa-prize!? Masasanay ang mga bata."
Okay, hindi ko inaasahan marinig yon sa kanya. Para tuloy pakiramdam ko e mali ang ginawa ko.
"Bakit naman, 'sot? Gustong-gusto nga  ng mga bata e!" katwiran ko.
"Mark, ayoko lang gumastos ka nang gumastos."
"Diyan tayo magkakaproblema." sabi ko, humarap sa kanya pagkadampot ko'ng Hany.
"Wag mong isipin na ino-obliga ko lang ang sarili na gawin 'to. Walang halaga ang pera kung hindi mo nagagawa makapagpapasaya sayo. Nagkataong ito ang nagpapasaya sa'kin."
Sh!t Mark. Sa'n nanggaling 'yon!? Magpaliwanag ka.
"Sorry, Mark. Hindi na ako makikipagtalo." sabi niya sabay baling ng tingin sa mga paninda. Ilang sandali lang,
"Natutuwa akong kaligayahan na 'yon para sayo."
Bigla akong kinilig nang marinig ko 'yon. Tengene, sa laki kong 'to!? Haha!
Balak naming bumalik ng school para do'n isagawa ang pagju-judge. Pero habang naglalakad, eto akong mapapalingon sa likuran.
Da't pala hinawakan ko na lang kamay ni El e, no? Para di 'to lumuluhod kung saan-saan.
"Hoy, sot. Tumayo ka nga diyan!?" Lapit ko sa kanya. Di ko na dinugtong yong 'Para ka diyang tanga!' kasi nalaman ko, tumutulo na ang luha.
"Ba't ka umiiyak!?" tanong ko. Itinaas niya ang hawak na kuting- duguan, isang mata lang ang nakabukas at wala ng lakas mag-meow.
"Mark, ano bang kasalanan ng kuting na to!? Bakit niya sinapit to? Bakit sila nananakit? Asan mama niya? Bakit kasi siya pinabayaan!?..."
Iniisip ba niyang marami akong alam tungkol sa pusa!? Ba't niya sa'kin pinagtatanong yan!? 
Pero ganunpaman, isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko't sinubukang magpatahan.
"Okay lang yan, El. Wag ka mag-alala." sabi ko. "Maya-maya, mamamatay rin yan. Di na yan mahihirapan."
Kulang na lang itulak ako ni El sa bilis niyang tumayo, palayo sa lugar ko.
"Woi! Dito papuntang school o!?" turo ko sa kabilang direksyon.
"Ewan ko sayo! Magjudge ka mag-isa! Tungaw ka!" sigaw niya sa'kin, walang lingunan.
Ano na namang sinabi mo, Mark!? Oh wala naman!? In-assure mo lang siya na katapusan na ng kuting na hawak niya.
Tumakbo na ako para siya sundan. 'Lam niyo kung sa'n ko siya nakita? Papasok sa exit ng ospital.
Seryoso ba talaga siya!? Ipapa-e.r niya 'yan!?
"El!" hawak ko sa balikat niya.
"Ano!? Anong ginagawa mo rito!? Do'n ka! Magpaka-judger ka mag-isa mo!" sumbat niyang naiiyak tas lalo lang nagalit nang makita akong nagpipigil ng tawa.
"Mark, walang nakakatawa! Nag-aagaw buhay na ang pusa o!?"
"Sorry! Ang cute mo lang kasi!" Para siyang yong babae don sa librong A Walk to Remember. "Punta tayo sa bahay. Do'n natin yan gamutin. Wag dito, mahal."
'Yon lang pala ang kailangan para pakalmahin si Eleison.
Pero ang galing-galing kong magsuggest na gamutin ang kuting na yan e di ko rin naman pala alam kung pa'no.
Mabuti na lang itong si mama, maasahan.
Sobrang brief lang ng pagpapakilala ko sa kanilang dalawa gawa nga ng "emergency" to, matter of life or death kumbaga para kay El.
"Ano nangyari dito?" tanong ni mama, kung makaasta parang doktor talaga ng mga pusa.
"E ayang si El, dinampot sa kalsada." sumbong ko.
"Pa'nong di ko dadamputin, kawawa nga e!?" katwiran naman niya. "Tapos tatawanan mo lang?"
"Siyam naman buhay niyan e!? May walo pa kung sakali!"
"Mark, kumuha ka na lang ng maligamgam na tubig nang may maitulong ka, ano!?" utos sa'kin ni mama.
Pagbalik ko, close na sila. Aba'y papa'no nangyari 'yon!?
Pinagtulungan nilang linisin ang namuong dugo sa katawan ng kuting, pinunasan at makaraa'y kitang-kita na ang kulay ng balahibo niya- kulay grey. Tulad ng mata niya. Nagmemeow na rin siya kaunti.
"Mark, pwede ba natin siyang lagyan ng cebo de macho!?" biglang tanong ni Eleison, binubuksan na ang bag. "Dala ko siya!"
"Para sa close wound lang yon, sot." sabi ko, sabay usisa sa pusa. "Sariwa pa sugat ng kuting na to e!" pindot ko sa ilong ng pusa.
Nang hampasin ako ni mama.
"Wag mong ganyanin yan, pasaway ka talaga! Kuhain mo na yong petroleum jelly. Bilis!"
Sumunod ako pero nang-asar pa muna.
"Ma, alam mo kung pa'no gumawang siopao, diba!?"
"Mark! Papaiyakin mo pa si Eleison!"
Ang saya ko lang kasing nasa bahay namin si Eleison. Atsaka ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang asarin. May nagtutulak lang sa'king gawin 'yon.
Pagbalik ko dala ang jelly, nagkuntsaba ang dalawa na ako ang pag-apply-in nito sa pusa.
"Ba't ako!? Yoko! Kalmutin pa ako niyan!" sagot ko kalaunan.
"O.A mo rin e, no!? Pano ka kakalmutin niyan e mahina nga?" Ani mama. "Lagyan mo na ngayon para pag gumaling yan at lumaki, hindi ka kalmutin."
"Teka, kukupkupin mo 'to!?" tanong kong nahintakutan. "'Kay Eleison 'yan, ma!"
"Mark, ang napansin sayo ni Ana, at ngayon naman ni El, ay hindi mo pinapahalagahan ang buhay ng iba. Ke pusa pa yan o ano."
"Dahil 'to sa sinabi ko kanina, 'no?" Ani ko'ng naka-pamaywang.
Tumango si El.
"Joke lang naman yon, e! A-allergic ako sa siopao. Este, pusa!"
"Don't us, 'nak. Di ka allergic sa pusa. Ikaw na amo niyan."
"Ma!? 'Yoko mag-alaga!" Pagdadabog ko.
"Mark, isipin mo 'yan 'yong magiging anak mo. Kung pa'no mo mahalin 'yang pusa, ganyan mo rin mamahalin anak mo." ika ni El, mang-uuto rin e. Pero,
"Pwede bang hindi anak isipin ko?" Tanong ko. "Pwede bang special someone?"
"Pwede Mark!" ang masaya pa niyang sagot. "Ipamalas mo sa 'special someone' mo na handa ka ng pumasok sa seryosong relasyon. Na kaya mo siyang alagaan, protektahan tulad ng pagtrato mo sa pusa."
Seryoso? Hindi niya ba ma-sense na siya yong tinutukoy ko? Kung hindi, ibig sabihin, hindi siya assuming. Na legit talaga ang good will niya sa'kin.
"Hay, sige na nga. Aalagaan ko na yang kuting na 'yan. Sa isang kondisyon." Nahawa na ako sa "isang kondisyon" ni Ana.
"Anong kondisyon?" ani Eleison.
"Dito ka maghahapunan. Pagkatapos no'n, huhusgahan na natin ang mga gawa ng bata. Pagkatapos naman no'n, mag-oovernight ka dito."
"Okay, sabi mo isang kondisyon lang." puna niya rito. "Tatlo yon."
Humarap ako sa pusa.
"Sorry, meow! Di kita aalagaan." pananakot ko rito.
"Okay sige, pwede akong maghapunan hanggang sa pagpili ng top 3. Wag lang overnight, Mark. Papagalitan ako dun sa amin." ani El.
"O sige, okay na yon. Pero next time, mag-oovernight ka, ha!?" pambo-boss ko pa. Nang ilaglag uli ako ni mama.
"Lakas magyaya ng overnight e di ka nga makalinis ng kwarto mo!?"
"Papaayos ko yan sa pusa ko pag magaling na siya." sabi ko sabay lagay na ng jelly rito.
Iniwan na kaming dalawa ni mama para balikan ang nilagang baka. Samantala, tutok na tutok naman itong si El sa pusa.
"Mark, bigyan mo kaya siya ng pangalan!?" suggest niya.
"Bakit pa!? Di rin naman nila maiintindihan yan? Buti sana kung aso 'to!?"
"E di ba, mahilig ka sa mga palayaw!?" naalala niya. "Bigyan mo na rin siya!? Para mas personal, ika mo nga."
"Grrr... sige na nga." Inalala ko muna lahat ng mga nakita ko sa grocery store bago ko nilapit ang mukha sa pusa't kinausap ito. "Mula ngayon, tatawagin na kitang Yoghurt."
"Yoghurt? Ang gandang pangalan, Mark!" reak niya sabay lapit rin ng mukha sa amin. Sobrang lapit pwede na kaming mag-kiss. Pero ako lang siguro may malisya.
"Yoghurt, wag ka mag-alala. Aalagaan ka ni papa Mark simula ngayon!"
Nakaramdam ako ng saya nang sabihin niya 'yon. Para kasing implied na isa kaming pamilya. At si Yoghurt ang anak namin.
Pvcha, naunahan pa namin sila kuya Eiji magka-baby kung gano'n! Haha!
Pero Mark, tandaan mo: sila kuya, subok nang subok, di makabuo. Kayo ni Eleison, nakabuo nang di pa nakakasubok.
Ang laki ng opportunity cost, dre! Haha!
Magpapasubok ba kaya 'tong si El sa'kin!? Hay! Hindi kasi siya 'yong tipong ma-L e, no? Kumbaga, ako lang talaga gumagawa ng malisya.
Pero Aiza Seguerra, who knows diba!?
Malay mo balang araw, dumating din 'yon!

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon