Yogurt says 36

2.5K 187 99
                                    

Eleison's pov

Takip ko ang mga mata gamit ng aking kamay; walang imik habang ako'y nililinisan sa parteng binaboy ng "tito" ko. Nahihiya ako. Hiyang-hiya. My private part is being exposed to other people, to strangers. And what's even worse, alam nila kung bakit.

Tatlo sila ro'n, puro mga babae pati. They were all giving me words of encouragement but I can't seem to comprehend over the thought na 'Pa'no 'pag nalaman 'to ng mama ko?', 'Pa'no kung nabalita ako sa tv?, 'Pa'no kung bumaba tingin ng mga tao sa'kin?', Pa'no, pa'no, pa'no?

These are the monsters inside my mind. And to simply ask me na 'Sir, magpahinga na po muna kayo.' was easier said than done. I just can't.

Kahit na tinurukan nila ako ng pampamanhid it can't fool my mind into thinking na hindi ito masakit. The pain is beyond physical.

"Sir, may gusto po ba kayo?" tanong no'ng concerned nurse. Naroon siya sa pagitan ng pinto, palabas na. And I did not lie when I said,

"Kausap. Si Mark, si Jolina..."

"Sige sir, try po nating contact-in."

Pagkatapos no'n umalis din.

And all the more I got scared. Feeling ko anytime magpapakita na lang si tito't bababuyin uli ako. Ang salimuot sa pakiramdam. 'Yon bang previously you're quite game for sex pero na-realize mong mas game 'yong tito mo at no'ng aayaw ka na, pinipilit niyang ituloy.

Bakit ako pamigay? I bothered to ask. Sa totoo lang, di ko alam. Nature ko na ata 'to dati pa. Hindi naman kasi siguro masasabi ni tito'ng "nalaspag" niya na ako noon kung hindi, diba?

From E. R, trinansfer ako sa isang kwarto. Ten minutes and counting, nakahiga lang akong ganyan. Sa tuwing makakarinig ako ng yapak o mga nag-uusap sa corridor, ini-expect ko tutuloy sila sa room ko. But everytime I do, nilalagpasan nila ako.

Until I get tired of expecting.

Isinara ko na muna mga mata ko pero pagkaraan lang may naririnig akong high pitched na boses na tinatanong ang pangalan ko. And before I know it, nakapasok na siya.

"El! Oh my god!" bigla niyang yakap sa'kin. Though I don't seem to know him parang ang gaan lang ka'gad ng pakiramdam ko sa kanya.

"S-sino sila?" ang awkward kong pagtatanong habang yakap pa rin niya.

"Ay sh!t, nagka-amnesia ka nga pala." Layo niya bahagya sa sarili. "So this is going to be our first encounter then! A-ako si Eiji. Friend mo 'ko." Pakilala niya.

Narinig ko na ang pangalang Eiji kay Mark. So siya pala 'yon.

"God, why this has to happen!?" tanong niya habang ini-scan ako. Well, to answer his question, frankly I don't know. Di ko alam ba't ako pinagtri-tripan ng tadhana.

Ilang sandali lang, 'yong kuya naman ni Mark ang pumasok, kae-endcall lang ng tawag.

"'Son, kamusta?" tanong ni kuya. "Nagamot ka na ba?"

"Hm." Tango ko.

Lumapit si kuya Buknoy at inakbayan si Eiji.

"'Son, ito 'yong boyfriend ko, si Eiji. In case na nakalimutan mo."

I swear napakurap ako do'n.

"Nakalimutan ko na nga po, sorry." Hingi kong paumanhin. "Pero salamat, binisita niyo 'ko."

"Actually bes, gusto talaga kitang bisitahin dati pa. Kaso adulting e, di ako ka'gad basta-basta makaalis sa work."

"Ah, adulting ka na?" ani ko sabay scan sa height niya.

Ang Multo sa Manhole 3 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon