Kabanata 1

38.7K 401 10
                                    


Kabanata 1

Kanina pa ako napapangiwi sa tabi dahil sa harap-harapang paglalampungan ng pinsan kong si Ivana at ang boyfriend nitong si Nathan. Nawawala ang focus ko sa panonood dahil sa paghaharutan nila.

Palihim akong naiirita sa pagpapalitan nila ng mga korning jokes, pagtatawanan at paghahalikan nila sa harapan ko mismo na para bang sinasadya nilang akong inggitin kahit ang totoo ay naiirita lang ako sa kanila.

"Ugh Babe, it tickels!" saway ni Ivana kay Nathan nang halik-halikan ng lalaki ang leeg niya. Habang si Ivana naman ay nakapulupot ang mga braso sa leeg ng lalaki.

Napapailing na lang ako sa iritasyon. Pakiramdam ko ay hindi nag-eexist ang presensya ko sa mga ito. Kulang nalang ay ipaalala ko sa mga itong kasama nila ako ngayon. Pag kalipas ng ilang sandali, pasimple na lang akong umalis doon para magkulong na lang sa aking kwarto at matulog na lang ng maaga.

Hindi ko naman kasi pwedeng sitahin ang mga ito. Hindi ako pwedeng mag-inarte dahil nakikitira lang ako sa Condo ng pinsan kong si Ivana.

Well, may condo kasi ito sa Maynila at naisip kong makitira na lang dito habang nagrereview ako para sa Nursing Licensure Exam na pinaghahandaan ko.

Hindi naman sa mahirap ako. Not to brag but I belong to a first class family. My parents insisted to just also buy my own condo unit here in Manila but I decline. Naisip ko kasing bukod sa makakatipid ako ay may makakasama pa ako at pinsan ko pa!

Plus, malapit lang doon ang Review Center na pinagrereviewhan ko dito. Sa lahat ng pinsan ko ay si Ivana ang pinakamalapit sa akin. Mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon pero hindi iyon naging hadlang sa'min para mas maging close sa isa't-isa.

Kami palagi ang magkasama kapag paggagala ang pag-uusapan. Marami kaming pagkakatulad ng interes pero hindi kami magkapareho pagdating sa pakikipagrelasyon! Ivana is a playgirl! Nakita ko kung paano kabilis magpalit ng boyfriend ang pinsan ko.

Well, mukhang himalang nagtagal ang Nathan na iyon sa kanya. Sa dalawang buwan na tumira ako dito ay ganoon na din katagal ang pagsasama ng dalawa. Kulang na nga lang ay dito na rin tumira ang lalaki. Kung hindi lang siguro pumaparoon minsan ang Mommy ni Ivana ay baka naglive-in na ang dalawa. Pero may mga pagkakataong nag-oovernight si Nathan dito and it seems that he will be sleeping here tonight.

Nakiusap si Ivana sa akin na ilihim naming dalawa ang tungkol sa pagpunta ni Nathan dito at dahil malakas si Ivana sa akin ay pumayag akong ilihim iyon.

Pero minsan gusto ko na lang kumuha ng sariling unit. Nagsisisi akong tumanggi pa ako sa ideya ng mga magulang ko. Naisip kong masmaganda rin kung may kanya-kanya kaming privacy. Privacy para kay Ivana at ang boyfriend nito at ako naman para makapagreview pa rin ako ng maayos dahil gusto ko sana ng tahimik na ambiance!

Pero si Ivana din kasi ang pumipigil sa akin. Nakikiusap siya sa akin na sa kanya na lang ako manatili dahil malulungkot daw siya kapag umalis ako. Wala naman akong magawa kundi pagbigyan siya.

Ilang minuto lang bago ako mahiga sa kama ay nawala na ang ingay na nanggagaling sa TV. Malamang ay pinatay na nila iyon. Ang sumunod ko na lamang na narinig ay ang mga yabag ng mga ito papunta sa kabilang kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malakas na paghalinghing ni Ivana at ang ingay ng pagsusugpungan ng katawan nilang dalawa.

What the hell?

Itinakip ko ang isang unan sa tenga ko pero naririnig ko pa rin ang mga nakakadiring ungol ng mga ito kaya hinanap ko na lang ang headset sa bedside table at ipinasak agad iyon sa aking tenga!

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon