Kabanata 35

14.2K 206 19
                                    


Kabanata 35

Nagising na kanina si Daddy pero nakatulog na naman siya kaagad pagkatapos nila siyang pakainin. Pinili kong huwag munang magpakita sa kanya kaya umalis muna ako sa kwarto. Hindi ko alam kung napatawad na niya ako o kung galit pa rin siya at kung magpapakita ako'y baka makasama lang sa kalusugan niya kaya minabuti ko nalang na huwag munang magpakita sa kanya.

I'm just glad that at least he's finally okay now.

Sinabi ni mommy sa akin na minsa'y nabanggit ako ni Daddy sa kanya. Mom said that he already know that I went to Australia with the help of Tita Agnes at naging successful ako doon. Sa loob ng apat na taon ay isang beses daw akong nabanggit ni daddy sa kanya—tinanong kung kamusta na kaya ang lagay ko pero iniba din daw agad ni daddy ang usapan. Pero ramdam daw ni mommy na hindi na galit si daddy sa akin.

Alam kong gusto niya lang akong kumbinsihin na okay na na makita ako ni dad. Masaya akong marinig na minsan ay naiisp din ako ni dad pero ayokong magbaka sakali na totoong napatawad na talaga niya ako. Saka nalang siguro ako magpapakita sa kanya kapag maayos na talaga ang lagay niya.

Kahit na ayoko muna sanang umalis ay kinailangan ko ng magpaalam kay mommy nang sumapit ang gabi. Nag-iwan nalang muna ako ng pera at bumili ng ilang pagkain para sa kanila bago ako umalis. Sinabi ko kay mommy na tawagan lang nila ako kung may problema o may iba pa silang kailangan. I promised that I will come back again tomorrow.

Nagpupuyos parin ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni Tito Samuel at ni Ivana sa mga magulang ko. I will make sure that they will taste their own karma soon. They trick people just to get what they want kaya aatake din ako ng palihim sa maruming paraan. Hindi ako makakapayag na basta nalang nilang inagrabyado ang mga magulang ko. I want them to pay what they did to my parents!

Pag-uwi ko sa mansyon ay wala pa din si Abel at sa tingin ko, kagaya noong mga nakaraang araw ay uuwi nalang siya kapag tulog na ang lahat ng tao dito sa kanilang mansyon. Alam kong halos walang ipinagkaiba ang pagiging busy niya sa pagiging doktor niya noon sa pagiging CEO niya ng kanilang kompanya ngayon. I just hope na sana huwag siyang masyadong magpapagod at naaalagaan parin niya ng maayos ang sarili niya sa kabila ng pagiging sobrang abala niya.

Naisip ko si Tito Leo kaya nagtanong ako sa mga kasambahay kung nasaan ang matanda at sinabi nilang nasa pool pavilion daw ito. So I went there and I quickly spotted him sitting in the pavilion. Nakatanaw ito sa swimming pool at mukhang may malalim na iniisip. Nakumpirma ko iyon nang hindi parin niya napapansin ang presensya ko kahit nasa harapan na niya ako.

"Good evening po, Tito..." I greeted him. Kung hindi pa ako bumati sa kanya ay hindi pa niya mapagtatantong naroon ako. He looked up at me and he quickly plastered a smile on his lips.

"Hija, may kailangan ka? Come here, have a seat." Magiliw niyang sinabi at inilahad sa akin ang bakanteng upuan sa tabi niya. Tumalima naman ako at naupo doon.

"Uhm... Gusto ko lang pong tanungin kung kamusta na po ang pakiramdam niyo, Tito?" I worriedly asked.

Naalala ko si dad sa kanya noong mga panahong maayos pa ang lahat sa pagitan namin. Kahit na mayroon siyang problema ay pilit niyang ikinukubli sa akin dahil ayaw niya lang akong mag-alala pa... Kahit alam naman niya na alam kong mayroong problema.

"Thank you for asking, hija. I'm all better now. Napagod lang siguro ako kahapon kaya medyo sinumpong. Alam mo na, tumatanda na..." aniya at nagkibit siya ng balikat. Hindi naaalis ang ngiti sa kanyang labi.

I felt relieved hearing that. I just really hope that he's saying the truth. Sana nga maayos na talaga ang pakiramdam niya at sana...gumaling na din ng tuluyan si daddy. Sobrang pasasalamat ko kapag nangyari nga iyon.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon