Kabanata 5

24.2K 291 8
                                    


Kabanata 5

"I'm just kidding, babe." bawi din naman niya makalipas ang ilang sandaling pananahimik ko. Marahil ay naramdaman niya ang kaba at paninigas ko.

Bahagya namang humupa ang tensyong lumukob sa'kin. Lihim akong nakihinga ng maluwag dahil doon. Muntik ko ng ibigay ang sarili ko ng ganun ganun na lang.

That is not so me! I'm not that one night stand kind of a girl! Hindi ako easy to get na babae. Pero anong nagawa sa'kin ng lalaking iyon? I was feeling intimadated under his gaze. It was like he wouldn't accept NO as answer!

He let out a sexy chuckle after he said that at saka siya tumingin sa akin ng mataman.

Hindi ko maiwas ang tingin ko sa mala-adonis niyang mukha. His jaw is perfect and his eyes were twinkling. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Hinintay ko na lang na ito muna ang magsalita. Pero wala ni isa man ang umimik sa amin hanggang sa tumaas ang isang kilay ko nang may isang sawa este babaeng pumulupot sa leeg niya.

"I thought you already left Deo! Come on! Let's continue dancing!" Maharot na sabi nung babae habang gumigiling ito sa harap niya. Nakakawit ang mga kamay nito sa leeg nung lalaking tinawag niyang Deo. Mukhang lasing na ang babae dahil sa sobrang pamumula ng buong mukha nito.

At ang kanina'y pagkahilo ko ay napalitan na ng pagka asiwa habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Damn! I feel like a cheap woman nang maisip kong muntikan ko na talagang isuko ang sarili ko kanina sa lalaking hindi ko kakilala— sa lalaking kaharap ko at ngayon ay nakikipaglampungan na sa babaeng parang pinaglihi sa sawa!

"Stop it, Rash. You're drunk!" Natatawang saway niya sa babaeng patuloy ang paggiling sa harap niya.

Pero hindi nagpapigil ang haliparot at mas lalo pa itong naging wild sa pagsasayaw. Bago pa ako makapagkurap ay nakita kong mabilis na niyang sinibasib ng halik ang lalaki!

Kitang kita ko kung paano angkinin ng babaeng yun ang buong sulok ng labi niya habang napapasabunot sa buhok ng lalaki. Tila ba sarap na sarap ito sa ginagawa. The guy is not doing anything to stop her! He seems to like it! Fuck!

Parang humahapdi ang mga mata ko sa nakikita habang tumatagal at habang mas lumalalim pa ang halikan nila! Umiwas ako ng tingin sa kanila.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkairita dahil sa kalaswaang aking nasaksihan. Parang may parte sa aking nagsasabing saktan at ilayo ko ang babaeng iyon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nababadtrip ako!

Well! It is supposed to be me! I should be the one kissing him! Pero dumating ang babaeng haliparot na 'yun at inagawan ako! Dammit!

I can't help but feel annoyed!

Why should I even feeling this way? Ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyon. Maybe that girl is her girlfriend at mas may karapatan ang babaeng iyon sa kanya.

Bago pa ako hindi makapagtimping saktan ang babaeng iyon ay iniwan ko na sila sa dance floor. Narinig ko ang pag-ungol ng lalaki. Hindi ko na iyon pinansin at malalaki ang hakbang na lumayo na sa kanila. Bumalik na lang ako sa upuan ko kanina at nagptuloy na lang sa pag-inom.

Nagngingitngit ako habang tinutungga ko ang isang shot ng vodka. Hindi ko na namalayang napaparami na naman ang nainom ko at muli na namang umiikot ang paningin ko. My head is throbbing! I think I can't be able to walk straight because of my dizziness.

Lumipas pa ang isang oras at napagdesisyunan kong umuwi na. I think I've had enough. I don't want to end up sleeping here! Nang tumayo ako ay agad akong napahawak sa ulo ko. Pakiramdam ko mas lalong sumakit ang ulo ko at mas lalo akong nahilo. Pinilit kong wag intindihin yun at lumabas na lang sa lugar na yun. Gusto ko ng makauwi at mahiga sa kama ko.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon